Chapter 20
Rinfel
AcademyKasalukuyang abala ang lahat nang estudyante sa Rinfel Academy dahil sa gaganaping na School Festival. Taon-taon nagkakaruon ng ganitong senaryo. Kanya kanyang pagatatayo ng Booth ang mga Rinfel Students. Bukas para sa lahat ng ibat ibang School ang Rinfel. Ang Rules sa Rinfel ay katulad sa Rules ng School Festival sa Japan..
Chris POVs
Taon-taon ginaganap ang School Fest ng Rinfel. Ano kaya ang bago.. Katulad nang dati lahat ay kailangan maging partisipado. Nakakapagtaka lang at pinayagan na mag one week absent si Rinaya,gayong Transfer Student lang sya dito sa Rinfel at nasa huling taon pa dito. Pinagmamasadan ko lang ang lahat na abala sa pagsasagawa at pag sasa ayos ng mga gagamiti sa nalalapit na School Festival. Marami na namang ibang estudyante ang magpupunta dito panigurado yun. Madaming event na naman ang makikita namin,,. Mataman kong binalingan ng tingin ang dalawang maingay sa tapat ko. Si Brent at Si Liz,napapailing nalang ako sa dalawang ito. Parang kahapon lang close sila ngayon naman ay nag aaway. Nakatayo lang kami at minamasdan silang lahat at kami eto nakatunganga lang.
"Princceee!!! Pansinin mo naman ako!!!! Kanina pa ako dito salita ng salita di kanaman nakikinig hmfff" nakapout na wika ni Liza
"Tsss your so annoying creature.. Leave me alone.."sagot naman ni Brent Travis habang naka pamulsa
"Hmmff annoying creature pala ah" patol ni Liza at biglang pinaghahampas ng naka crampled paper.
"Yeah--- hey ouch! Stop! You! Woman!!! Get back here i'll ripped your neck!" galit na sagot ni Brent Travis at hinabol si Liza. At naghabol na nga lang yung dalawa. Napabuntong hininga nalang ako.
"Mga isip bata talaga.. Hmm ano kayang ginagawa nya ngayon.." saad ko habang nakatingin sa malayo. Di ko namalayang nakalapit na sakin yung dalawa.
"Isip bata pala ,Chris! Sinong isip bata huh!?" angil sakin ni Liza
"Ha.. Ano naku wala Liz ha-ha-ha ako yun.. Isip bata" Wika ko habang kakamot kamot sa batok. Napansin kong tahimik si Brent Travis.
"Ayos lang kaya si Rin?? Sana.." usal nya na mahina ngunit dinig naman namin. Katahimikan ang namayani saaming tatlo, napag pasyahan kong gumawa nalang kami ng sariling booth para malibang habang wala ang taong inaalala namin. Alam kong ayos lang sya sa pangangalaga ng taong yun. Nang taong maaring mag layo sa kanya, mula saamin.
Liz POVs
Abala ang lahat dahil sa gaganaping School Festival. Nagtataka ba kayo kung bakit may ganito sa School namin kahit na dito sa Pilipinas itinayo at di sa Japan. Napag alaman naming Hapones ang nag mamay-ari nitong buong Rinfel Academy.
Kanina pa ako hindi pinapansin ni Prince ko,napakalayo kasi ng iniisip nya. Andito naman ako para libangin sya,bakit kung sino pa yung wala sya pang inaalala.
Nagseselos padin ako dahil tama ang hinala namin ni Chris na inlove sya sa ESPREN nyang si Rinaya.. Pero kahit na ganun hindi pa din ako susuko, kaya ngayon kinukulit ko sya na kausapin ako. At ang loko nagalit sakin kaya ayun pinaghahampas ko, tumakbo ako para di nya ko mahabol. Ang siste naging parang Playground ang School dahil naghahabulan kami."Sana ganito nalang kami parati.. Walang Rinaya,katulad nuon.. Sana matagal na kaming naging ganito ka close" bulong ko, napansin kong tumigil na sa paghabol sakin si Prince. Napansin kong napabuntong hininga sya at tumanaw sa malayo.
Narinig ko syang umusal
"Ayos lang kaya si Rin... Sana.." wika ni Prince ko.. Mahabang katahimikan ang namayani saming tatlo. Si Chris ang bumasag sa katahimikang namayani saamin. Napagpasyahan nyang gumawa kami ng sarili naming Booth para hindi kami mabored kakaantay sa babaeng yun."Magiging maayos kaya ito.." mahina kong usal habang nakatingin kay Prince.
Travis POVs
Nakakabored ang makitang abala ang mga estudyante dito sa Rinfel.. Ngayon lang ako nawala sa mood nang ganito.. Kung nandito lang sana si Rin... Masaya sana ako,at hindi sana ako kinukulit ng Babaeng ito..
Hinabol ko si Liza dahil napuno na ako,ikaw ba namang paghahampasin ng babaeng iyon hindi ka masasaktan at mapipikon.
Napagod na akong habulin si Liza halata naman sa babaeng yun na nasisiyahan sya sa ginagawa namin. Napailing nalang ako at tumahimik."Ayos lang kaya si Rin.. Sana.." mahina kong usal ,pero alam kong nadinig nila yun dahil mas lalong walang kumibo saamin.
Mabuti naman at binasag ni Topher ang katahimikang namayani saaming tatlo. Bigla biglang nagdesisyon ang Lalaking yun ng di manlang kami sinasabihan ni Liza na magtatayo ng sarili naming booth. Napabuntong hininga nalang ako ng malalim dahil wala na akong magagawa pa.
Napansin naming
may pinagkakaguluhan silang lahat, di naman kami makasingit paa malaman kung anong kaganapan ang mayron. Kaya nagtanong nalang ako sa isa sa mga estudyante ng Rinfel."Miss Anong mayron dun?" tanong ko sa babae sabay turo sa pinagkukumpulan ng mga estudyante.
"Kyaaaahhhh ikaw pala yan Prince Fortalejo!!!!" tili nung babae
"Ayy hindi!hindi ako to.. Tssss.. Pakisagot naman ang tanong ko kung maari lang??" nagtitimpi kong saad. Kung di lang masamang manuntok nang babae kanina ko pa sya sinuntok,Makatili wagas..
"Ahmmm- sorry Prince... May grupo kasi ng lalaki at babae na dumating kanina,mukhang transfer student sila at may hinahanap.. Ayah Leigh Alcafort daw,nagtaka ,Kami kasi wala naman na estudyante ng Rinfel ang may Ganuon na pangalan." mahabang litanya nito saakin. Nginitian ko sya at nagpasalamat ako..
"Kyaaaaaahh nginitian mo ako Prinnnceee" tili nito at iniwanan kona.
"Oh anong sabi Brent? Anong pinagkakaguluhan nila??" wika ni Christoper
"Kyaaah!! Baka may artistang napadpad dito sa Rinfel" nagniningning ang mga matang saad pa ni Liza. Napailing nalang ako sa inaasta ng babaeng ito.
"Walang artista,,dahil ako lang ang artista dito..." pagmamalaki ko
"Tsss ang lakas ng hangin ngayon Chris,naramdaman moba yun? " pag paparinig sakin ni Liza
"Mukhang babagyuhin tayo ahh Liz?? Ang lakas ng hangin hahahahahahaha" gatong pa ni Christopher,sinabayan pa ng halinhinang tawa ng dalawang sira ang tuktok.
"Mga baliw.. Magbestfriend nga kayo" sabi ko sa kanila.
"Anong sabi mo Prince!!!!! Sinong baliw ha!!!" pikong saad ni Liza susugodin na dapat ako pinigilan lang sya ni Christopher. Napatawa nalang ako sa itsura ni Liza, pulang pula dahil yung paraan ng pagpigil sa kanya yung tipong masasakal sya.
"Ki--chr-chris---ttt-toperrrr" mauubosan ng hiningang saad ni Liza,biglang binitawan sya ni Topher at sumensyas ng Peace sign. Bago pa mag halo ang balat sa tinalupan ay nagsalita na ulit ako.
"Ang sabi sakin nung babae, may grupo daw ng babae at lalaki ang parang may hinahanap dito sa Rinfel.. At hindi lang yun mukhang Transfer Student sila" patuloy kong saad. Natameme lang yung dalawa,nakanganga pa nga kaya sinara ko muna ang mga nakauwang na bibig.
"Baka pasukan ng langaw kawawa naman sila kasi baka malanghap nila yung badbreath nyo hahaha" pang aasar ko sa kanila,sinamaan lang nila ako ng tingin.
"Waaaaaaahhhh bakit may bago na naman!!!! Ayos lang sana kung puro lalaki ang mga bago... Bakit may kasama pa silang mga Babae!!!" maktol ni Liza
"Tsss babaw mo talaga Liz.. Buti hinayaan sila ng Owner kahit late na silang nagpa transfer?" tanong ni Topher sakin.
"Aba malay ko bakit akong tinatanung nyo?" saad ko.
"Halina na nga kayo at pagplanuhan na natin ang gagawin nating Booth.. Maghanap tayo nang makakasama natin sa itatayo nating Booth" anyaya ni Liza. At yun nga ang nangyari kaya nagpatianod nalang ako sa mga mangyayari...