Along the Path

0 0 0
                                    

Chapter 22

C.A POVs

Patuloy padin kami ni Kirito sa byahe,pakiramdam ko napakalayo ng binabyahe namin. Napaigtad ako sa kinauupuan ko ng may tumunog..

KKKKRRRIIIINNGGGGGGG!!!..

Rumehistro ang pangalan ni Butler Tarou kung kaya madali kong kinonvert sa compact drive ko yung Cellphone para makausap namin sya kahit di ko hawak ang gadget. Kapwa kami ni Kirito natahimik,, at inantay kong may magsalita sa kabilang linya.

"Young Master Rein..." wika ni Butler Tarou sa mahinang boses. Naalarma ako kung kaya napalakas ang boses ko.

"Anong nangyayari dyana Butler Tarou!!! Si Ayah!!? Nasaan sya???" histerikal kong wika mataman lang nakikinig si Kirito..

"Huminahon po kayo Young Master.. Huwag ka pong mag alala kasama ko si Young Lady.. Nandito kami sa Shrine namamasyal" mahinahon nyang wika sa akin. At yun ang tuluyang nagpakalma saking nininerbyos na sistema.

"Hahahahaha, naku! Butler Tarou kung alam nyo lang kung paano mag histerikal si Rein.. Baka matawa ka katulad ko hahahaha". Sabat ni Kirito sa usapan.

"Aba! Magkasama pala kayo Young Master Kirito.. Mabuti naman at magkasundo na ulit kayo... Si Young Lady nalang pala ang kulang para manumbalik na sa dati ang samahan ninyo" wika ni Butler Tarou,medyo sumeryoso kami ni Kirito.

"Butler Tarou yun nlang ang hinihintay namin..." wika ko at sabay tingin kay Kirito.

"Ang pagbabalik ni Ayah.." magkapanabay naming turan ni Kirito sabay ngiti.

"Kung ganuon po, hihintayin nalang namin Kayong dalawa ni Young Lady dito sa Shrine" wika pa ni Butler Tarou

"Oo sige,paki bantayan si Ayah" wika ko at binaba ko na ang linya.

Fukushima
Shrine

Butler Tarou POVs

Nagpaalam ako kay Young Lady na tatawagan ko si Young Master para ipaalam kung nasaan ang lokasyon namin. Sinadya kong hinaan ang boses ko ng hindi marinig ni Young Lady ang pangalang binabanggit ko,para narin sa kapakanan nya. Napabuntong hininga nalamang ako. Pagkatapos ng pag uusap namin nila Young Master Rein,kasama nya si Young Master Kirito at nagka ayos na sila.. Si Young Lady nalang ang di pa tuluyang nakakabalik sa dati.. Malaki ang pagkabahala ko kung mangyayari mang bumalik na ang ala-ala nya, Marami ang maaring magbago.
Bigla kong naalala ang pinag usapan namin ng Master Alcafort ang lolo ni Young Lady kagabi kaya hindi ko sya nabantayan.

**flashback**

"Ikaw ang Butler ni Ayah hindi ba??"  wika ni Master Alcafort sa ma otoridad na tinig.

"Opo Master Alcafort" nakayukod kong turan.

"Bantayan mong maigi ang apo ko,dahil iyan ang nakaatas sayo simula nang pasukin mo ang pagiging Personal Bulter nya sanggol pa lamang sya." wika pa nito

"Iyan ay nakakatatak na saking puso at isipan.. Habang buhay akong magsisilbi kay Lady Ayah" sabi ko pa.

"Magaling,, kung ganuon.. Kapag oras na bumalik ang mga nalimot na ala-ala ng apo ko, kailangang ibalik mo sya samin dito.. Wala akong paki alam kung hindi pumayag si Rein,dahil inuurong kona ang kasunduang ipapakasal sila ni Ayah. At wala syang magagawa dahil nag usap na kami ng Papa nya. Maliwanag ba Mr. Tarou??" saad pa nito sa seryosong tono.

"Opo Master Alcafort" yukod ko

"Makaka alis kana" tumayo na sya at pumasok na sa silid nya. Nananatili akong nakatayo at pinanuod ko ang pag lisan nya,nahulog ako sa malamim na pag iisip. Nakaramdam ako ng lungkot para sa mga bata,dahil alam kong mula't sapol ay sadyang sila na ang nakatadhana.

**currently situation**

Napukaw lang ang aking malalim na pag alala sa nakaraan nung mag salita si Lady Ayah.

"Butler Tarou mukhang napaka lalim ng iniisip mo?? Nakausap mo naba si C.A??" nakakunot noong turan nya saakin. Kaya napatawa ako kahit papaano.

"Oo Young Lady.. Sa katunayan malapit na sila dito sa Shrine"nakangiti kong wika

"Sila?? Ibig mong sabihin may kasama sya????" wika nya at ganito ekspresyon..
⊙0⊙ <- Lady Ayah
(ヘ。ヘ)<- Butler Tarou

"Ang kasama ba niya.... Ayyy"" wika nya nsa ganitong ekspresyon. 
(╥﹏╥) <- Lady Ayah

"Ayy ang kababata nyang si..." saad ko.

"Waaaahhhhhhhhhhhh huhuhuhuh" tili ni Young Lady at sa ganito ang ekspresyon.. 
o(╥﹏╥)o <- Lady Ayah

" Si Young Master Kirigaya Chlein Kazuto, Young Lady" pagpatuloy ko. At nakita ko kung paano nag bago ang ekspresyon ng mukha ni Lady Ayah mula sa pagiging ganito..

o(〒﹏〒)o

o(;△;)o

∩( ・ω・)∩

(●⌒∇⌒●)

"Talaga!! Lalaki pala ang kababata nya Butler Tarou.. Akala ko babae na.. ang tagal mo kasing banggitin." naka nguso nyang turan at nginitian ko nalamang sya. Napansin kong palapit na sa kinaroroonan namin aila Young Master Rein At Young Master Kirito..

"Paano kaya nila haharapin ang mga pagbabagong magaganap? Makakabuti kaya ito o makakasama?" bulong ko sabay tingin kay Lady Ayah at sa mga paparating..

Who Among ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon