The Trusted Butler

3 1 0
                                    

Chapter 19

C.A POVs

"Kirito.. Masama ang kutob ko.." saglit na sulyap ko kay kirito habang patuloy ako sa pagmamaneho. Pakiramdam ko may nangyaring hindi maganda sa Hotel.

"Sabi ko naman sayo kumalma ka lang Rein.. Hindi nakakatulong yang pagiging paranoid mo.."seryosong wika ni Kirito na hindi mo makikitaan ng pangamba.

"Pero di mo maalis sakin ang hindi mag alala Kirito.." nakapout kong wika sa kanya. Napa buntong hininga nalamang sya.

"Hindi ka parin nagbabago Rein.." pailing iling na wika ni Kirito

"Tsss talagang nag aalala lang ako para sa kanya.. Lalo pa at di pa bumabalik ang alala niya.. Hindi pa bumabalik ang kaalaman nya kung paano dipensahan ang sarili.." nakapout ko pading sabi kay kirito.

"Rrrrre....eeeeiiiinnnnnnn!!!! Itigil mo nga yang kaka pout mo at nagmumukha kang Bibe! Akala mo Cute ka !!! Pwes Hindi!! tsssss Pasawayyy!" napipikong wika niya. Napatawa nalang ako at pati sya nahawa sa pagtawa ko.

"Tama ka hindi dapat ako mag alala.." wika ko

"Dahil kasama nya ang tapat nyang Butler na si Tarou, " magkapanabay naming wika habang nakangiti.

"Oo yan ang gusto kong sabihin sayo kanina pa Rein.. Hanggat kasama nya ang Butler nya.. Imposibleng mapahamak sya. Siguro kung kasama natin ang dating si Ayah kanina pa tayo pinapagalitan dahil nagtatalo na naman tayo" masaya at kampanteng wika ni Kirito sakin. Tumango nalang ako sa kanya, nagpatuloy ang mahaba habang byahe namin pabalik sa Fukushima Hotel..

Fukushima Shrine

Rinaya POVs

"Wow! Ang ganda talaga dito.. Hanggang ngayon,walang pinagbago. Butler Tarou" masaya kong wika habang minamasdan ang Shrine.
Napapalibutan ang Shrine ng napakaraming Bulaklak,hindi lang yan may ibat ibang mg Puno at halaman pa ang mga nakapaligid dito. Masarap ang samyo ng Hangin. May iilang tao ang nasa Shrine,, madami na ang mga panindahan dahil malapit na ang Fukushima Shrine Festival. Ang daming unaayos na mga lampara at ilang mga banderitas bawat kanto ng lugar. Masaya kong sinuyod ng tingin ang mga taong masayang gumagawa ng mga gawain malapit sa Shrine.
Pakiramdam ko malimit ko nang ginagawa ang pagpunta sa Lugar na ito. Pakiramdam ko parte ito ng pagkatao ko,. Patuloy lang ako sa Pamamasyal kasama ang Butler kong si Tarou.
Sabi nila matagal ko na syang Butler, yun din naman ang pakiramdam ko ngunit hindi ko talaga maalala. Bakit wala akong matandaan...
Napagod na ako kakalakad kaya naupo muna ako sa isang bakanteng upuan dito. Napalayo na ako sa Shrine pero sakop padin ito ng Fukishima Shrine. Binalingan ko ang nakatayo kong Butler na kanina pa nakasunod sa akin. Si Butler Tarou ang nagdala sakin dito.

**flashback**

Nagising ako dahil bigla nalang ako nakaramdam ng kaba. Kakaiba ang pakiramdam ko, pakiramdam ko may nakatingin sakin kaya napamulat na ako.
Nakita kong natutulog ang mga nagbabantay sakin. Nakita kong nakatayo malapit sa higaan ko si Butler Tarou. Nagtataka ako at panay ang lingap nya sa bawat sulok ng silid.  Nagulat ako nang biga syang lumapit sakin.
"Nagulat ba kita Young Lady..patawad kung nagulat kita .." wika nya

"Bakit parang may tinitignan ka?" sabi ko

"May napansin lang akong isang micro chip malapit sa iyo Young Lady.. Hindi basta basta ito kung kaya tinignan ko kung may natitira pang ganito dito sa loob ng kwarto" sabi ni Butler Tarou habang pinapakita saakin ang bagay na iyon.

"Hmm anong kakaiba dito?" wika ko

"Isa itong transmitted device na maari kang makuhanan at makita ang ginagawa ng mga tao sa loob ng kwarto.." patuloy ni Butler Tarou

"Hindi kaya si C.A ang naglagay niyan? Para masubaybayan tayo?" nakangiti kong saad. Ngunit umiling lang sya saakin.

"Ibig sabihin.. May sumusubaybay saatin??" bigla akong nakaramdam ng takot. Naalala ko ang nagyari kagabi.

"Young Lady, kung gusto nyo ipapasyal ko muna kayo habang wala pa si Young Master Re-Clyde"
saad niya. Napansin kong may babanggitin pa sana sya kaya lang din na nya naituloy.

"Uhmm tara ipasyal mo ako.. Para makapagpahinga naman sila" baling ko sa mga nagpapahingang taga bantay.

"Pero ikaw ,Butler Tarou hindi kaba inaatok? Magpahinga kana kaya muna?" alala kong wika sa kanya. Umiling lang sya at nagwika

"Tungkulin kong bantayan ka Young Lady,matagal ko na itong ginagawa. Sanggol ka palamang nang nagsimula akong maging Butler mo, huwag mo akong alalahanin dahil malakas pa ako. At nagpahinga ako kagabi dahil sila ang nagbantay sayo." sabay tingin nya sa mga natutulog na taga bantay ko. Napangiti sya kung kaya napangiti din ako.

"Marahil nagtataka kung bakit wala kang matandaan maski isa sa mga nasabi ko ..tama ba Young Lady?" wika nya
Napatango ako dahil totoo namang wala akong maalala.

"Nagtataka ako dahil wala akong matandaan sa isa man sa sinabi mo Butler Tarou, pero pakiwari ko dito sa puso ko kilala kita at alam nito ang mga sinasabi mo" wika ko sabay turo sa puso ko.

"Huwag kang mag alala Young Lady.. Magiging maayos din ang lahat. Natitiyak kong gagawin nila ang lahat para sa kapakanan mo" nakangiting wika ni Butler Tarou. At nilahad nya ang kamay nya para abutin ang kamay ko. Iniabot ko naman ito pagkuwan inalalayan nya akong tumayo.

"Hintayin mo nalang ako sa labas ng pinto Butler Tarou,magbibihis lang ako" wika ko at nagtungo na sa isa pang kwarto at kumuha ng maisusuot sa closet.
at dinala nya ako sa lugar kung saan pakiramdam ko duon nagsimula ang lahat ng masasayang ala-ala ko..

**currently situation**

"Butler Tarou,bakit dito mo ako naisipang ipasyal?" wika ko habang kumakain ng Ice cream. Binilhan nya ako habang nakaupo ako dito sa Bench,sa kalapit na nagtitinda ng Ice cream. Binibigyan ko sya ngunit ayaw nya naman.

"Dahil matagal ka ng hindi napupunta ulit dito.. Anim na taon nadin ang nakararaan Young Lady, at isa ito sa lugar na pinaka gusto mo at napakarami mo ditong magagandang ala-ala" maramdamin nyang wika sa akin. Mataman ko lamang syang tinitigan at pinakinggan maigi ang mga sinabi nya,Nagulat ako sa nalaman ko..napahawak ako sa sentido ko,may bigla akong nakita sa isipan ko na mga pangyayari ngunit malabo ito. Namalayan ko nang na hawak ako ni Butler Tarou.

"Hindi mo kailangang piliting maalala Young Lady.."nag aalalang wika nya saakin. Napatungo nalang ako.

Who Among ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon