Chapter 27
Day 3Rinfel
AcademyMarvs POVs
Pangatlong araw palang namin dito sa Rinfel Academy pero parang ang tagal na namin dito..
Ako nga pala si Marvin Mendoza, Schoolmate namin sila Ayah sa Nishikado Junior High nuon sa Japan pati sila Hon ko Camille Jade Divino at ang mag Babe na sila Brandon Kyle Gonzales at Jheralyn Aquino.Oo tama kayo ng iniisip, mag couple kami.. Naka arrange Marriage samin ni Brandon sila Hon ko at Jher.. Sshhh lang kayo wala silang ka alam alam na kami ang fiancei nila.
Mataman kong pinagmamasdan ang Hon kong si Cams kausap nya yung Balugang James Red na yun bwisit sarap ibaon nang buhay sa likod ng Academy nato. Nakakagigil talaga kala mong matagal ng magkakilala kung mag asaran at kuwentuhan ang mga yun.
Nawala lang ang atensyon ko sa mga yun ng magsalita yung katabi ko."Kawawa ka naman Marvs tignan mo ang sweet nila Cams at James Red na yun ooh,,buti pa ang Babe ko hindi nakikipag close sa iba" pang aalaska nya sakin. Kaya napasimagot ako,lalo akong nagngitngit,pero nawala ang yamot ko at napangiti. Pumasok si Jher at may kasamang lalaki,walang iba kung di si Mart ng 4-b(fel). Inginuso ko kay Brandon at napalaki ang mata at napanganga sya sa nakita nya. Ako naman ang mang aalaska sa kanya.
Brandon POVs
Hi mga chicks at chocks ahaha.. Ako nga pala si Brandon Kyle Mendoza ang Babe ni Jheralyn Aquino. Pero ssshhh kalang kasi di nya pa alam... Bawal pa,, fiancei ko ang magandang binibini na iyon...
Lingon... Lingon... Huh?? Nasan ang Babe ko??.. Kakahanap ko ng tingin sa Babe ko,iba ang nakita ko.. Si Cams ni Marvs yun kausap si James Red ng 4-b(fel) . Napansin kong iba ang aura ng katabi kong si Marvs, kaya nakaisil ako ng kalokohan.. Iinisin ko sya tutal wala ang Babe ko... Walang kagatol gatol akong nag salita kay Marvs para makuha ko ang atensyon nya.."Kawawa ka naman Marvs tignan mo ang sweet nila Cams at James Red na yun ooh,,buti pa ang Babe ko hindi nakikipag close sa iba" sabi ko sa kanya sa tono ng pang aalaska.. Lalo syang napasimangot.. Success ang plano ko,natahimik sya .. Maya maya nakita kong napangiti sya.. At may inginuso sya sakin... Pag baling ko ng tingin nakita ko ang Babe ko!!!!!
Kasama ang Mart Angeles nayun.. Napalaki ng mata at napanganga ako ng bongga nun... Hindi ko inaasahan na ang Babe ko makikipag close sa iba...
Para akong pinag bagsakan ng langit at impyerno.. Pakiramdam ko gusto kong mag transform dahil sa nakikita kong kaswitan nila.... At harap harapan pa talaga akong pinagtataksilan ng Babe ko huhu..Dahil sa masidhi kong kagustuhang paglayuin sila nakapag pasya na ako. Kaya tumayo ako sa kinauupuan ko. Napatingin sakin si Marvs at bahaygang napapitlag.
"Anong gagawin mo Brandon??? Huwag mong sabihin aaminin mona sa kanya..." nag aalalang saad nya na may pagkahalong niyerbos sa tinig.
Ngumiti lang ako sa kanya at lumapit sa kinaruruonan nila Babe ko at ng Hampas lupang Mart na yun.Tumigil ako sa harapan nila,kaya napatigil sila Babe ko sa pakikipag usap sa Haliparot na lalaking yun,pati sila Cams at James Red na yun napatigil sa pag huhuntahan.
"Ahmmm-- Kyle anong problema???" takang tanong sakin ni Babe ko. Malapit na... Malapit nang bumagsak....
Ang mga luha ko...."Brad... May problema ba?" sabat pa nung payasong yun..
Diko na kaya ang nakikita ko.. Nagbulungan pa silang dalawa pagkuwan ay nagtawanan sa harap ko.
"Taksil ka Babe!!!!! Taksil ka!!!! Huhuhu pinag palit mo ako sa Hampas Lupang Payasong yan" wika ko habang umiiyak at tumytulo ang uhog at tumakbo na palabas ng Silid,nadaanan ko pa Sila Liz,Chris at Travis.