Chapter 17
Kazuto Mansion
Kirigaya POVs
"Young Master mukhang may di inaasahan kayong bisita ngayon" wika ng butler ko. Kaya natigil ang ginagawa ko,at humarap sa kanya,pagkuwan tumingin sa monitor. Nakita kong may kotseng patungo sa Mansyon ko.
"Sino namang bibisita sakin??" pagkuwan ay tingin ko sa kanya
Napangiti lang sya. Alam ko ang ngiting yun.."Papasukin nyo sya at papuntahin dito.. Matagal tagal din syang hindi nakapunta dito.. Anong masamang hangin ang nagdala sa kanya para bumalik ngayon dito..." wika ko
"Sa tingin ko po, may problema.. May nabalitaan ako na napasok ng di kilalang tao ang hotel kung saan sila tumutuloy ni Lady Ayah.. Wala namang nangyaring masama kay Lady Ayah pero natakot daw ito ng husto".. Patuloy pa nito
Napatayo ako sa sinabi nya.
"S*it!! Nag uumpisa na ang taong yun! Bakit si Ayah!! Anong kinalaman ni Ayah dito.." galit kong turan"Sa tingin ko Young Master may galit sa inyong tatlo ang taong yun.." wika pa nya. Napatigil lang kami sa pag uusap ng may marinig kaming kumakatok sa pintuan. Kinalma ko ang sarili ko at umupo na ulit. Mataman kong inaantay kung ang pagpasok nya..
Pinapasok na sya ng butler ko. Pagkuwan lumabas na ito pagkapasok nya.
Mataman kong tinitigan ang kadadating lang na panauhin. Nginitian ko sya."Anong kailangan mo at pumarito ka sa Mansion ko.. Clyde" wika ko
"Naparito ako para tanungin ka Kirigaya" mataman nyang wika at mataman din akong tinititigan.
"Maupo ka muna,,"sabi ko
Umupo naman sya at may nilabas na puting papel at may nakasulat duon
"Ikaw ba ang nagpadala nito!?" wika nya. Kinuha ko ang papel at napangunot noo. At tumingin sa kanya..
"At bakit ko naman gagawin ang ganyang bagay. Ang manakot?? Parang hindi mo ako kilala Clyde Aifel Rein" i smirk..
Napatayo siya at kinuwelyuhan ako"Kiriiiiii-gaaaaaya!!! Ikaw ba ang may kagagawan sa pag ka aksidente ni Ayah anim na taon na ang lumipas!!!!" galit nyang turan sa akin at kinuwelyuhan ako.
Hinawakan ko ang mga kamay nyang nakahawak sa kwelyo ko."Sa tingin mo ba ganun akong klaseng tao!? Ha Clyde!! Sa tingin mo ba! Kaya kong gawin yun sa babaeng pinakamamahal ko!? Kung ako ang taong may kagagawan nun.. At gagawa nun.." huminto ako at pagkuwan binitawan ko na sya at ganun din sya sakin.
"Ikaw.. Ang dapat kong ginawan ng ganun at hindi si Ayah!," patuloy kong wika sa kanya habang sya naman ay parang nahimasmasan na
"Kirito..."wika nya kaya napatingin ako sa kanya
"Kirito... Patawarin mo ako sa mga nangyari dati.. Hindi ko sinasadyang saktan kita. Alam kong nasaktan kita ng husto, nagturingan tayong parang magkapatid na talaga simula nung mga bata pa tayo, pero nasira ko yun dahil sa pagmamahal ko kay Ayah.." patuloy nya, nagulat ako dahil umiiyak siya..
"Pero sana Kirito.. Kung ikaw man ang nasa likod ng mga nangyayaring ito.. Huwag mong idamay si Ayah.. Ako.. Ako nalang.." patuloy nya sa pagtangis
"Mahal na Mahal mo talaga si Ayah.. Rein.." napaangat ng tingin si Rein dahil sa tinawag kong pangalan sa kanya.
"Kaya nga kampante naakong ipaubaya sya sayo dahil alam kong Mahal na Mahal mo sya katulad nang pagmamahal ko para sa kanya, Pinapatawad na kita.. Pinapatawad ko na kayo. Matagal na..." patuloy kong wika sa kanya
"Salamat! Kirito!" masaya nyang anas at lumapit sakin at niyakap ako, gumanti din ako ng yakap sa kanya
"Namiss kita Shinyu!!" wika pa ni Rein habang pinapahid ang luha
"Lumayo ka nga sakin..Shinyu.. Hahahaha ang pangit mo kapag umiiyak,hindi bagay.." buska ko sa kanya"Ano!!!! Ako? Pangit??? Aba kirito! Ako?? Hindi kaya!!!" hinabol nya ako , naghabulan kami sa maluwag kong sala na parang mga bata, patuloy kaming nagtatawanan. Natigil lang ito ng biglang tumikhim ang butler ko. Di namin namalayan na nakapasok na ito sa loob.
"Ehemm.. Mawalang galang na po Mga Young Mastet kung iistorbohin ko muna kayo sa masaya nyong paglalaro" nakangiti nyang sabi. At pagkuwan ay bigla kaming napaubo ni Rein at sumeryoso.
"Butler Han, ano ba iyon??" wika ko
May iniabot sya sakin na puting papel,at pagkuwan ay yumukod at lumabas na sya."Kirito,ano yan??" wika ni Rein
"Halika umupo muna tayo, at basahin natin".
Umupo na kami sa magkapanabay na upuan,bubuklatin ko palang ito ng biglang may nahulog na mga litrato.. Nagulat kami dahil si Ayah ang mga nasa larawan.. Nakahiga si Ayah at mukhang natutulog.. Napansin kong napangunot noo si Rein at parang balisa..
"Rein.. Anong problema?" nag aalala kong wika
"Kirito..basahin na natin ang nilalaman ng sulat ,bilis.." wika nya nakakuyom ang kanyang kamao
Binuklat ko na ang papel at nagimbal kami sa mga nakasulat
*LACK OF SECURITY TO YOUR BELOVED GIRL IS THE MOST STUPID MISTAKED YOU'VE ALL DONE.. BE READY SHE'LL BEGONE IN A FEW DAYS.. I WILL TAKE HER.. AND LEAVING NO PROOFS*
Biglang tumayo si Rein ganun din ako. Alam kong parehas kami ng iniisip ngayon.
Tumatakbo kami patungo sa kotse nya. Pababa na kami nang magsalita sya.
"Ang mga litrato na yun, mukhang kanina yun kinuhanan .. Iniwan ko si Ayah sa pangangalaga ng mga tauhan ko. Iniwan ko syang natutulog.. Mukhang may natatraydor sa mga tauhan ko.." galit nyang wika.
At nakarating na kami sa kotse at sumakay na din."Kalma kalang muna,, makakarating din tayo kay Ayah.." pag aasure ko kay Rein.. Nag iisip ako habang nagbabyahe kami ni Rein...