Chapter 29
Zehel
HallwayRinaya POVs
Nakakatawa talaga yung itsura ni Kaito kapag naalala ko yung nangyari kanina. Parang pamilyar sakin ang Mansyon na ito.. Parang nakita kona ito kung saan pero hindi ko lang maalala para mailathala.
Pakiramdam ko safe ako dito. Nagtataka ako wala akong makita larawan ng kapatid nyang si Ayumi.. Nanahimik nalang ako at di na nag tanong baka kasi magalit sya. Pagkabanggit palang nya sa pangalan ng kapatid nya,biglang may mga pangitain akong nakita na lumilitaw sa isipan ko.
Mga imahe ngunit hindi ko maaninag ang kanilang mga mukha at bigla nalang mawawala ang mga iyon. Pagkatapos nuon biglang sumasakit ang ulo ko, at mawawala din naman pagkaraan.
Binabaybay namin ang pasilyo nila sa Mansyon pababa sa Hapag kainan nila.
Mataman kong sinusuyod ng tingim ang mga bagay na nakikita kong nadadaanan namin. Mga ilang Paintings, Mga Antigong Pigurin, nakakamangha dito.. Mas malaki pa ito sa Mansion ni C.A sa Pilipinas, napaisip tuloy ako kung malaki at malawak din kaya katulad nitong kina Kaito ang Mansyon nila C.A dito sa Japan?.Malapit na kami sa baybayin ng hagdan ng maaninaw ko ang isang lamesa na may nakapatong ng mga Larawan.. Nauna saakin si Kaito, Napahinto ako at minasdan maigi ang larawan. Kuha siguro ito nung mga edad 8 ni Kaito.. Napansin ko rin ang larawan ng batang babae.
"Sya siguro si Ayu--" diko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang sumakit ang ulo ko.. Sobrang sakit, maraming mga imahe ang nakikita ko sa isipan ko... Tinatawag ang pangalan ko, ilang mga insidente sa imahe. Medyo lumulinaw na ang mga nakikita ko nagiging klaro na ang ilan...
"Isa kaya ito sa mga ala-ala ko??" napahawak ako sa kanto ng lamesa malapit na ito sa hagdanan pababa, natanaw kong nasa kalagitnaan na ng hagdan pababa si Kaito. Gusto ko sana syang tawagin para humingi ng saklolo dahil di kona kaya ang pananakit ng ulo ko... Nang mahagip ng paningin ko ang nakabukod na Larawan ng mga tatlong bata kasama si Butler Rey.. Biglang parang may naalala ako,isang alalang parang alam na alam ko..
Maya maya pa nawala ang sakit,kung kaya nakapaglakad pa ako malapit sa hagdan . Pababa na sana ako nang bigla nalang sumakit ulit ang ulo ko... Napapapikit ako sa sobrang sakit, sa ilang beses kong pagpikit napakadaming imahe ang nakita.. Unti-unti ko na silang nakikita at sa isang iglap, sa huling pikit ko bumalik isa isa ang mga diko inaasahang nawaglit kong ala-ala.
Alam ko na ang sagot sa mga Imaheng nakikita ko, hindi sya pangitain...
Kung hindi ay ang mga nawala kong ala-ala simula nang Limang taon ako hanggang sa mag Trese anyos na ako.Pagmulat ko natanaw ko si Kaito Chreine Zehel na napalingon sa taas nya, nagtama pa ang paningin namin.
"Kkaa--iittooo".Bago ako tuluyang mapapikit naisigaw ko pa ang pangalan nya. Alam kong mahuhulog ako sa hagdanan na iyon.. Tuluyan ng nag dilim ang paningin ko.
Kaito POVs
Binabaybay namin ang Pasilyo ng Mansyon. Napansin kong sinusuyod nya ng tingin ang mga kagamitan dito sa Loob,tulad ng mga Paintings, Muwebles,mga Antigong Pigurin. Kitang kita ang pag kamangha sa mukha nya. Kaya napangiti ako, hindi ko alam kung bakit bigla nalang gumaan ang pakiramdam ko sa kanya.
Siguro nga tama si Butler Rey, hindi ko dapat sila sinisi sa pag kawala ng kapatid ko. Parepareho lang sila ng sinapit, ang kaibahan lang nawawala ang kapatid ko. Nagsisisi ko sa nagawa ko sa kanya.
Kay Rinaya Leigh Alcafort. Napatawa ako nung sabihin nyang Alegre ang Apelyido nya, sinigurado talaga ni Rein na sakanya lang sya.
Pababa na ako ng hagdan, hindi kona sya nililingon kasi alam kong kasunod ko lamang sya. Nag tuloy-tuloy lang ako, bahagya ko lang sinulyapan ang mga larawan namin nila Ayumi at Princess Leigh at nagdiretso na ako pababa,nasa may kalagitnaan na ako nung napansin kong parang walang nakasunod sakin. Magsasalita pa sana ako nang huminto ako at sabay baling pataas.
Nagtama ang paningin namin ni Rinaya, napansin kong may kakaiba sa tingin na iyon. Pakiramdam ko may hindi tama.. May masamang mangyayari ano mang oras.At Napakabilis ng pangyayari bigla nalamang binanggit ni Rinaya ang pangalan ko.
"Kkaa--iittoo....." at pagkatapos nyang banggitin iyon. Napapikit na sya at nawalan na ng panimbang at nawalan nadin ng malay.
Napamulagat ako dahil mahuhulog na si Rinaya... Napaka layo ko para masalo kagad siya,..
Bigla ko nalang nabigkas
"Hindi....... LEIGH!!!!!" sigaw ko, napapikit nalang ako.... Narinig ko ang kalabog na parang nahulog. Pagdilat ko , nakita kong maagap na nasalo sya ni Butler Rey. Bigla akong napabuga ng hangin natakot at kinabahan ako ng husto...
Nagmadali akong bumaba ng hagdan patungo sa kinaruruonan nila..."Young Master... Mukhang nag balik na ang ilan nyang ala-ala" mahinahong saad ni Butler Rey.
Matagal bago ako nakaimik dahil sa sinabi nya. Napalunok ako pagkatapos napatingin kay Rinaya..."She looks pale.. We need to get her to a hospital.. Butler Rey...." saad ko. At tumango lamang sya bilang pag sang-ayon sakin. Wala na akong pakialam kung hulihin ako ng mga awtoridad dahil sa ginawa ko Six years ago... At sa ginawa kong pagdukot sa kanya...