Chapter 21
Classroom
4-a (rin)Abala ang mga estudyante sa kanya kanyang ginagawa, abala sa pagpaplano sa mga gagawing events sa nalalapit na School Festival sa Rinfel Academy. Bawat section may kanya nyang grupo, hindi pwedeng hindi lumahok sa kahit na anong events ang Rinfelians dahil may kaukulang parusa.
Chris POVs
Nag iisip ako ng magandang itatayong Booth, kaso naalala ko kulang kami. Napalingon nalang ako sa mga nagbabangayan papasok sa Room namin. Gayun din sila Brent at Liz natigil sa pag babangayan dahil natalo sila nung ibang nagbabangayan... Hindi sila pamilyar samin.. Bagong mga mukha ng Rinfelians..
"Sila kaya yung mga Transfer Student??" bulong kong saad sa dalawa
"Siguro/Baka??" wika nung dalawa
Narining naming nagtatalo yung Dalawang lalaki at Dalawang babae mukhang magkakakilala sila."Bakit nyo kami sinundan dito ni Jher ha, Marvs! Isinama mo pa yang si,Brandon" bulyaw nung isang babae na di ko pa alam ang pangalan.
"Ang ingay mo Camz!!! Sakit sa tenga para kang nakalunok ng Mega Phone.. Kalma at pakihinaan ang boses ohh" sabi nung Marvs yata.
"Hoy Brandon, tama si Camz anong ginagawa nyo dito.. Kami lang dapat ang nag transfer bakit sumunod kayo, guguluhin nyo na naman kami. Paano namin mahahanap si Ayah Leigh Alcafort nyan Tsss" bulyaw din nung Isang babae sa pagkakatanda ko sya yung Jher..
"Ooooops teka lang Hon- I mean Jher.. Nagpunta kami dito di dahil gusto namin kayong bakuran okay- i mean gusto namin makita si Ayah Leigh kaibigan din namin sya kaya kami sumunod" mahabang paliwanag nung Brandon, halata naman kung ano talaga gusto nila.. Madali namang napaniwala yung Dalawang babae..
"Mga babae talaga madaling mapaniwala agad" bulong ko kay Brent, sumang ayon naman sya.
"Oo ,sa madaling salita mga uto-uto" saad nya.
"Anong sabi mo Prince!!!" bulyaw ni Liz, eto na naman yung dalawa parang aso't pusa.
"Sabi ko uto-uto kayong mga babae madaling magpapaniwala agad porke sinabi lang na ganun yung dahilan" malakas na sabi ni Brent. Napa face-palm nalang ako sa kahihiyahan sa kanila. Lahat sila napatingin sa direksyon namin,maski yung apat na Bago dito sa 4-a(rin).
Nagkagulo na silang lahat, napabuntong hininga nalang ako."Ibig sabihin pati ang mahal mong espren uto-uto din hahaha nilalahat mo kami hindi ba? Prince!!!" pang aasar ni Liz kay Brent. At nag smirk pa.
At ito namang isang to nakipag sagutan padin hay walang gustong magpatalo at para tumahimik. Pati silang bago nag umpisa ulit ang bangayan."Hindi kasama si Ayah Dito! Amazonang Liza..." pang aalaska pa ni Brent,halata sa kanya na napipikon na. Liz hit his weakness.
"Kitams bago ka mag bitaw nang salita dyan Prince isipin mo muna! At hindi ako Amazona katulad ng Espren mo!" bulyaw ni Liz. Napapatakip nalang ako sa mga tenga ko. Ang lapit lang naman nila sa isat isa para magsigawan.
"Marvin!!!!! Bradon kyle!!!! Niloloko nyo lang pala kami" magkapanabay na wika nung nagngangalang Camz at Jher sa dalawang lalaki. At naghabulan sila pati sila Brent at Liza gumaya sa mga yun parang mga bata lang ang Peg nila..
Dahil ako ang nahihiya sa kanilang lahat at bilang President ng 4-a(rin) tumayo ako at nagsalita ng malakas. Napatingin at napalunok ang ibang kamag aral namin sa Silid. Patuloy padin ang Anim sa bulyawan at habulan. Napuno nadin naman ako,,"KUNG HINDI KAYO TATAHIMIK AT UUPO SA MGA NAKA ASSIGN NA UPUAN NYO!! LAHAT KAYO!! OO LAHAT KAYO!! SA DEAN'S OFFICE AT MAY PUNISHMENT!!!!!" seryoso kong saad. At biglang tumahimik at tumigil na ang nag iingay na mga isip bata. Napatingin sila sa akin... Hindi basta bastang tingin,yung may ibig sabihin... Masamang ibig sabihin.. Akala ko tapos na pero hindi pa pala .. Ang mga loko nag senyasan at mukhang mga nagkasundo.. Bigla akong kinabahan dahil ngumisi silang anim.. Napalunok ako at biglang pinag pawisan ng malapot.
Bigla silang sabay sabay na tumungo sa kinatatayuan ko at sabay sabay nilang sigaw.."Get him!!!!!!!!!!!! Waaaahhhhhhh" silang anim. Kinuyog nila ako kaya ang siste gulo ang loob ng classroom. At kaming Pito.. Oo di kayo nagkakamali ng basa, kaming pito ay nasa Dean's office at naparusahang maglilinis ng gymnasium ng Academy,sa loob ng 3 araw.
"Ang malas naman.. Bakit kasama ako.." maktol ko sa kanila at masamang tinignan.
Nag peace sign lang silang Anim."Malas talaga...bakit ako nadamay sa mga kalokohan nila, riot ang magaganap ngayong Last School Year kapag nadagdag ang Apat na bago na ito." sabay lingon ko sa anim na mukhang magkakasundo na.
"Patay na....
riot...." bulong ko at naisip ko pa ang isa pang inosente pero amazona ding si Rinaya kaya lalo akong napabuntong hininga. Goodluck sa akin.