August 25 20xx (Saturday)
Jane's POV
From; ChickMagnetGrr
Magbihis ka, nasa labas ako ng bahay nyu. ASAP.
To; ChickMagnetGrr
What if i dont want? Just go away! I dont want to see you here.
From; ChickMagnetGrr
Sasama ka sakin o, kakalat ng fiancé moko? ;)
Naligo ako at lumabas ng bahay.
"What now? Idiot." Inaayos ko yung skirt na suot ko.
"What the fck. Bakit ganyan suot mo?!" Nagigting ang kanyang mga panga.
"Bakit ganyan suot mo?" Pagbabalik ko ng tanong sakanya.
"Magpalit ka." Maikli at ma'uturidad nyang sabi.
"What if ayoko?" Paghahamon ko sakanya.
"Ako ang magpapalit sayo." Nag smirk lang sya sakin.
"Ano bang problema mo sa suot ko?" Inis kong tanong sakanya.
"Tsk. I don't want any son of bitches look at you the way only can i do. Get it idiot? " Normal lang na sabi nya.
Kesa sa makipagtalo sakanya umakyat na ko sa kwarto at nagpalit ng skinny jeans at loose T-shirt.
"Much better." Bungad nya sakin sa labas.
Pinasakay nya ko sa sasakyan nya.
Inalalayan nya kong makasakay. Bakit naman kasi ang taas taas ng sasakyan na to?
Umikot sya at sumakay na sa driver sit.
"San ba kasi tayo pupunta?" Bwiset na tanong ko.
"Sa resto nyo. Sabi ni Tito ako daw ang magiging guide mo for this." Nakatuon lang sya sa kalsada.
"What? 1st year palang ako." Pagmamaktol ko.
"Tsk. Di yun counted, tignan mo nga si Rocky maagang umalis ng apartment nyo para makausap nya ang Papa nya at makapagtrabaho isa sa mga hotel nila kahit yung pinakamababa lang ang gusto nya. Gusto nya lang magkaroon ng karanasan para di sya mahirapan sa pagpapatakbo ng isa sa mga malaking hotel nila." Grabi! Ang dami nyang sinabi. -___- ang sabi ko lang naman ay 1st year palang ako.
About bebs? Umalis nga sya ng maaga kanina para daw makausap nya si Tito na nasa Manila ngayon.
Di ko alam na gusto nya palang magtrabaho. Di nya yun sinabi sakin. Sabagay! Yan naman ang Hilig nya pero ako? Pagluluto ang gusto ko.
"Pero pagluluto ang gusto ko." Bulong ko.
"Ayaw mo bang magkaroon ng sarili mong Resto. Pwede naman na ikaw ang magluto doon habang pinapatakbo mo." Kung magsalita sya para syang professional at malaki na ang natapos sa buhay.
"Were here!" Masigla nyang sabi.
Hinawakan nya ko sa bewan ang binuhat pababa. Ano ba naman yan? Brezzy! Tsk.
"Wag mo ng uulitin yun hayop ka!!"
"Ano bang ginawa ko?" Inosente nyang tanong habang papasok kami ng Resto.
"Nandito si Sir Gregg. Ang gwapo nya talaga." Sabi nong babae. At itong katabi ko? Naka smirk lang.
"Ay! Girlfriend for the week ba yang kasama nya?" Empleyado 1
"Baka. Pero maganda huh!" Empleyado 2
Hindi ba nagbubukas dahil magna'nine palang.
"Guys! I have something to tell you." Sabi ni Gregg kaya pumalibot samin yung mga empleyado.
"This is Jane Montemayor, daughter of Mr. Joel & Mrs. Ginalyn Montemayor." Panimula nya.
"Sya yung nakikwento nong manager natin." Bulong ng bulong. Putakte!
"Hi." Ngiti kong sabi habang nagwe'wave pa.
Nakakailang to, badtrip kasi. Ayoko pa nito. Hmmmm
"Restroom lang ako, Gregg." Tumango naman sya.
Nag ayos lang ako ng muka. Simpleng polbo lang. Ngumiti pa ko sa harap ng salamin para ma'satisfied ako.
Lumabas ako at nagtatrabaho na ang lahat dahil nag open na ang Resto. Ito ba ang mukang nalulugi? Sabagay di pa naman ito ang Main namin. Isa lang to sa mga branch.
-
Ejie's POV
"Please pa... Ibigay mo na po to sakin. Please.." Nagmamakaawa ako sa papa ko.
Di naman sa kilangan ko ng extra income pero gusto ko magkaron ng experience.
"No." Matigas na sabi ni papa.
"Please pa.. Di ko naman po pababayaan ang pag aaral ko."
Pumikit ng mariin si papa. I think i won. Napangiti ako ng unti unting tumango ito sakin.
"Di nyo ba hihingin opinyon ko?" Nagmamalditang tanong ni mama.
"What do you think hon?" Malambing na tanong ni papa kay mama.
It's gross! Am i really stuck with them?
"Okay na. Pumayag kana eh. Ano pang magagawa ko? Kontrabida nanaman?" I think kay mama ko nakuha ang pagiging cold ko.
"But pa. Ayokong gamitin ang Ladia." Sambit ko habang nagaartihan silang dalawa ni mama.
"What?! That is no no no baby." Iiling iling ni papa.
"Pa, you know me. I hate attentions. Ayokong ituring nila akong mas mataas sakanila dahil lang sa ama kita. Gusto ko pong makatanggap ng parangal gamit ang pangalan ko hindi ang pangalan nyo." Nakipagtitgan ako kay papa. Sana pumayag sya.
"Fine! Pero hayaan mo kong tulungan kang ipasok sa Grand Ladia Hotels." Tumango lang ako. Alam kong di ako makakapasok by my own bukod kasi sa wala pa kong experience minor pa ko. 17 palang ako remember?
Tumayo ako at niyakap si papa.
"Okay! Kayo na!" Giit ni mama. Sempre niyakap ko din sya.
Di ngumiti si mama pero alam kong natutuwa sya dito.
"Pa..ma.. Uwi na po ako." Paalam ko.
"Ipapahatid na kita." Matigas na sabi ni mama.
Tumango lang ako.
Miss ko na si Gregg so i text him.
To; Gregg
Gregg let's see each other. I miss you.
From; Gregg
Okay. See you then, tommorow! :)
This is it!
BINABASA MO ANG
Mistaken Identity (COMPLETED)
Teen FictionIt's either nagmahal ka ng maling tao sa tamang panahon o nagmahal ka ng tamang tao sa maling pagkakataon. I loved a wrong person. I'm a prisoner of his love. Im obsess. But then someone came. He love me for who i was. For who i am. I feel in lov...
