Ejies's POV
Nagising ako sa ingay ng monitor. Ang ingay nya. Nakita ko na nag flat line kaya agad akong tumawag ng doctor.
Binuksan ang hospital gown nya at tinapat ang dalawang makina sa dibdib nya.
Unulit ulit iyon pero umiling na ang doctor.
"Sorry pero ginawa na namin ang lahat."
"No." Hagulgul akong lumapit sa walang buhay na si Lance.
"Ang sabi nyo nong nakaraan stable na sya? Bakit ngayon?!! I revive nyo sya ulit. Please."
"Im sorry. Excuse us." Lumabas sila.
Lumingon ako kay lang.
"No. This can't be happening to me. To us. Please... Lance wag na muna marami pa tayong pag dadaanan!!! Lance!!"
Niyugyug ko sya pero di sya nagreresponse.
"Heeey!" Napabalikwas ako ng upo nong marinig ko ang isang pamilya na boses.
"Lance?" Gulat kong tanong.
Lumingon ako sa likod ko kung may ibang tao. Wala.
Hinawakan ko sya sa pisngi kung totoo ba ang nakikita ko.... Totoo nga!
"Gising kana!" Nagulat sya sakin. Naguguluhan sya sakin?
"Nasan si Kaye?" Tanong nya. Kaye? Bakit si kaye? "Nasan ang taong mahal ko." Unti unting nadurog ang puso ko sa narinig ko.
Nanghihina ang mga tuhod ko. Gusto kong lumuhod.
"Mahal? Ako ang mahal mo. Di mo ba ako naalala?"
"You're not that familiar. Who are you? Where am i?" Wala syang naalala? Di nya ko naaalala.. But why?
"I'm Jie. Your girlfriend." Mahinon kong sabi.
Tinitigan nya lang ako ng matagal. Baka naalala nya na. "Hahaahaha" he burst in laughter.
"Lance.."
"Please. Paki tawag nalang si Kaye." Naglaban ang isip at puso ko. "Fine. Kung ayaw mo please. Lumabas ka nalang. I want to be alone. Get out." Mahinahon nyang sabi.
Wala akong nagawa. Lumabas ako pero sumandal ako sa pinto.
Pinikit ko yung mga mata ko. Bakit ganun? Bakit si Kaye.
Pinuntahan ko yung doctor nya..
"Bakit ganun doc. Bakit di nya ako maalala?" Tanong ko.
"Dahil tinamaan sya sa ulo posible talaga na magkaron sya ng memory lost. So kung sino yung unang binanggit nyang pangalan ay syang makakatulong para bumalik ang mga ala ala nya." Tumango ako at lumabas ng opisina nya.
Ako nga ang unang taong nakita nya sa paggising nya ibang tao naman ang hinahanap nya.
Bumalik ako sa kwarto ni Lance.. Nandon na si Gregg.
"Uy Jie! Nandyan ka pala." Ngiting bati sakin ni Gregg.
"You know her?" Nagtatakang tanong ni Lance.
Agad na lumingon si Gregg kay Lance. "Dude. Malamang! Girlfriend mo yan ehh."
"Huh? I don't get it. Just please Gregg tell kaye to visit me." Sa pangalawang pagkakataon nagulat si Gregg.
Bumuka ang bibig ni Gregg pero walang lumabas na salita mula roon. Tumango nalang sya kay Lance.
Tumayo sya at hinatak ako palabas. "Maalala nya rin lahat."
BINABASA MO ANG
Mistaken Identity (COMPLETED)
Teen FictionIt's either nagmahal ka ng maling tao sa tamang panahon o nagmahal ka ng tamang tao sa maling pagkakataon. I loved a wrong person. I'm a prisoner of his love. Im obsess. But then someone came. He love me for who i was. For who i am. I feel in lov...
