Chapter 10

1.1K 32 0
                                        

September 03 20xx (Tuesday)

"Good morning ma'am, sir." I smiled sweetly. "What suit do you want? The simple one with one bed, small but elegant living room, and has a peaceful color kitchen. Or the medium suit, Or the presidential suit with four bedrooms and has a master bedroom." Naka awang ang bibig nila sa sinabi ko. Why?

"Medium suit will be fine hon, aight?" Tanong nong babae sa lalaki.

Tumango lamang yung lalaki sakanya.

Hinatid na sila ng mga Room service guys.

"Good morning sir!" I smiled sweetly again.

"Can i have....... You?!" What the fck? Humarap sya sakin at nakita ko nanaman ang arogante nyang muka!

"What are you doing here?!" Pataray kong tanong.

"Ano bang ginagawa sa Hotel na kagaya nito?" Pagbabalik nya ng tanong.

Nakapolo sya at nakabukas ang una at pangalawang butones nito. At naka shade pa sobrang maaraw daw kasi.

"Wala kabang bahay?"

"Well... Meron mas malaki pa nga ata sa Presidential suit nyo rito ehh."

"Bakit ka naman nandito aber?!"

"Ejie? Pinapatawag ka ni miss manager." Kalabit sakin nong katabi ko. Malungkot itong tumingin para sakin.

-

"Ma'am" panimula ko.

Naka upo sya sa swivel chair nya.

"Maupo ka muna." Hindi iyon imbetasyon kundi isang utos mula sakanya.

"Bakit nyo po ako pinapatawag ma'am?" Magalang kong tanong.

"Bakit ganon ka umaasta? Do you not know the word RESPECT?" Mahinahonn nyang tanong.

"What do you mean ma'am?"

"Bago ka palang Ejie ahh.. Ayusin mo pakikitungo mo sa ibang tao. Lalo na sa mga taong pinagmumulan ng pera ng kompanyang ito." Ano nanaman bang nagawa ko?

"Wala naman po akong ginagawang masama ma'am." Pagdedepensa ko sa sarili ko.

"Mr. Lance Alvarez is a big time costumer of this hotel so please. JUST PLEASE. Give a damn respect!" Seriously? Wala sa itsura nya ang pagiging manager.

"Im sorry ma'am. Di na po mauulit." Nakayuko kong sabi. Nakakainis.

"Good. Now! Go back to work." Agad akong lumabas dahil baka mapatay ko sya ng maaga. Tsk.

-

"Anong sabi ni Ma'am Jhen, Jie?" Tanong sakin nong katabi ko kanina. Di ko alam name nya ehh.

"Wala naman. Why?" Sagot ko.

"Ilang taon kana ba?" Habang tinitignan yung mga papel na nasa harap nya.

"17" maikli kong sagot.

Agad syang napabaling ng tingin sakin. May hint ng pagkagulat sa muka nya.

"Seriously?"

"Yeah. Why?"

"Wala naman. Hirap na hirap kasi mag apply yung mga 18 years old above dito tapos ikaw na 17 palang nakapasok ng ganon kadali."

Nginitian ko na lamang sya at baka kung saan pa kami mapadpad ehh.

-

"Sino kasama mong mag la'lunch?" Tanong sakin ni Cheska. Yeah. Cheska daw ang pangalan nya sabi sakin. 21 year old na sya pero di naman halata iyon sa muka at balat nya. Muka lang kasi syang 18 something.

"Hmmmm. Wala. Bakit?"

"Sabay na tayong kumain. Wala rin kasi ako kasabay eh."

"Sige." Tipid akong ngumiti sakanya.

Pumunta kami sa gilid ng hotel na yun at kumain sa karindirya.

"Ano palang sinabi sayo ni ma'am Jhen?"

"Wala naman."

"Akala ko una't huling araw ko ng makikita ka sa hotel. Hahahaha" bahagya akong napalingon at napakunot ang akin noo sakanyang sinabi.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala. Wala kasing tumatagal na empleyado si ma'am Jhen."

"Bakit naman?"

"Masama kasi ugali non ehh. Akala mo sya yung pinaka mayari nong hotel ehh manager lang din naman sya."

"Hmmm.."

"Bata pa si maam Jhen, 23 palang ata sya." I'm not asking and i don't care.

Di na ko nagsalita at pinagpatuloy ko na lamang ang aking pagkain kahit medyo maalat yung ulam. Tsk. Walang wala to sa luto ni Bebs.

Speaking of her dahil walang pasok ngayon nasa resto nya sila kasama ata si Gregg.

"Nga pala may boyfriend kana?" Napalingon ako sakanya ng di oras. Ako daw yun?

"Bata pa ko." Matabang kong sagot.

"Sus! Nong mga ganyan yung edad ko sayo. Tatlo tatlo boyfriends ko." Naka peace sign pa ito.

Ngumisi ako sa sinabi nya. Well maganda naman kasi talaga sya.

"Naka ilang boyfriend kana ba?" Tanong nito sakin. Parang gusto nyang malaman buong buhay ko ahh?

"Wala pa."

"First year college ka diba?"

Tumango ako bilang sagot sakanya.

"Working student ang peg mo huh! Hahahaha"

Nginitian ko na lamang sya.

"Wala ka bang magulang na susuporta sayo? Wala ba silang mga trabaho?" Kapag nasa trabaho sya sobrang seryoso nya pero kapag kayo kayo nalang nag daldal at matanong sya.

"Meron silang trabaho at sapat iyon para makapag aral ako sa kahit saang university ko gustuhin. I just need this."

"Ohhh! Yun naman pala ehh. Bakit kilangan pang magtiis?"

"Para magkaron lang ng history."

"History?" Paulit ulit?

"Para kapag nag apply ako ng trabaho in the near future di ako mahihirapan. Besides kilala ang hotel na to, right?"

"Hmmmm. Tama ka naman dyan. Kasi ako nakailang trabaho muna bago makaabot dito." Meron syang malungkot na expresyon sa muka.

Sinubo ko na natitirang kanin sa plato ko.

"Oppss! Work time na Jie."

Sabay kaming naglakad pabalik sa hotel. Madaldal talaga sya. Kinwento nya sakin yung mga nagibg karanasan nya sa mga past boyfriends nya.

Meron don sinampal nya at ipinahiya sa harap ng tao dahil lang sa trip nya.

Bi'nreak nya ng walang dahilan. Tawa sya ng tawa sa mga kwento nya. Ako naman ngiti lang ng ngiti.

Mahirap pala ang tabahong to. Kilangan mong ngumiti palagi at seriously? Nakakangalay yun.

"Baby? Anong oras uwi mo?" Nakangisi ang aroganteng to sa harap ko. Yung mga katabi ko nagbubulungan na.

"Not now." Matabang kong sagot.

"Anong oras nga? Sabi ni tito sunduin daw kita eh." He smiled playfully.

"Tito?" I smirked alam kong di sya kilala nila dad.

"Gusto mo ba talagang sabihin ko ang pangalan ng papa mo?" Tanong nya. Playing dirty.

"7:30."

"Hmmm. Lapit na pala. Hintayin nalang kita sa lobby. And baby sabi ni tito wag ka daw nagpapalipas."

"Don't call me baby. Ejie. Ejie is my name."

"Okay then, baby" kumindat sya at naglakad na palayo. Tsk.

"Yieeeeeeee" pang aasar sakin ni Cheska.

"Shut up." Mahinahon kong tugon sakanya.





Mistaken Identity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon