Imagination ko lang pala yung umalis ako sa Coffee Cafe. Dahil nandito parin ako nakatulala kay Bebss di ko maintindihan.
Gusto ko na ayoko. Hayst. Bumuntong hininga ako ng Sobrang Lalim.
"Look Jie.. Nasa rialidad ka! Wala ka sa teleserye o sa kwento sa libro o sa wattpad. Magaan lang naman yang dala mo ehh. Masyado mo lang iniisip kaya bumibigat. Nasa totoong mundo ka at isa lang ang masisiguro ko. Sa ayaw sa gusto nila TATANGGAPIN NILA KAYO!" Alam kong nahihirapan rin sya dahil sakin. "Naiintindihan mo ba ko?" Malamlam nyang tanong.
Tumango ako. Naiintindihan ko naman talaga yung point nya ehh.
"Oh! Naiintindihan moko pero nakaupo ka parin dyan?! Tayo na! Sugurin mo na yung nanay at tatay nya sa bahay nila." Baka nandon.
Pinikit ko na muna yung mga mata ko. Anong gagawin ? Anong sasabihin ko ? Na payagan na kami ?
Nabuburyo na tong utak ko. Tumayo ako ng dahan dahan.
"Di ka naman uminom ng kape pero para kang nakainom ng sampong baso. Sobrang kabado. Wala ka pang ginagawa." Alam kong gusto lang nyang mag ease tong nararamdaman ko. Nawala konte yung kaba ko.
Beneso ko sya saka ako dahan dahang lumabas sa Coffee cafe. Taliwas to sa inisip ko kanina . Na halos malalag yung mga gamit ko sa pagtakbo sa kotse ko.
Pagpasok ko sa kotse ay hinawakan ko ng sobrang higpit yung manebela, pumikit at bumuntong hininga. Alam ko kung saan ang bahay nila. Dahil don ako naghatid ng mga bata nong nag alaga kami.
Dahan dahan kong pinaandar ng kotse papunta sakanila.
Maraming pumapasok sa isip ko. Fuck. Di ko pala alam ang pangalan ng mga magulang nya. -____-
Ginilid ko muna yung sasakyan at hinanap ang ang phone ko. Naghanap ako ng personal information tungkol sakanya.
Gabriel ang pangalan ng daddy nya at Lian naman ang mommy nya.
Pagkatapos kong mang stalk ay piandar ko na ulit ang kotse.
Kinakabahan ako. Kilangan kong lumaban para samin. Ito ang gusto ko. Kung mabigo man ako sa pagkakataong to bukas nalang ako babalik. Yeah. Desperada na talaga ako.
Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila tumingin na muna ako sa Salamin kung may bahid ng karumihan. Eme Hahahahaha
Naka uniform pa pala ako.
Magdodoorbell na sana ako nong biglang pumasok sa isip ko na. Ano ulit ipaglalaban ko? Break na kami at ako ang may kasalanan non.
Biglang nagbago yung isip ko kaya tumalikod ako.
"Pumasok ka." O________O kinakausap ako nong gate nila. Creepy naman.
Unti unti akong lumingon ang nakita ang isang mala dyosa sa gandang babae. Di sya halatang matanda na. Pero pano ko nasabing matanda na? Kasi alam ko sya yung mommy ni Lance ngayon ko lang sya nakita ng personal pero nakita ko naman na sya sa pictures kasama si Lance.
"Aaahhh ehhh.." Ngumiti sya ng matamis. Bigla akong nakaramdam ng kaba nong may lalaking biglang lumitaw sa likod nya.
"We don't bite. Come in." Hinawakan ako ni Tita sa braso. Wow! Tita. -___- marahan nya akong inakay papasok sa loob.
Nong makarating kami sa sala ay sobra na talaga akong kinakabahan. Dahil walang emosyon kung tumingin sakin ang daddy ni Lance.
Just be your self Jie. Kaya mo yan.
May dumating na made at naglapag ng juice. Ohh my godd! Lupa? Eat me now.
"So hija. Ilang taon kana?" Tanong sakin ni tita.
BINABASA MO ANG
Mistaken Identity (COMPLETED)
Ficção AdolescenteIt's either nagmahal ka ng maling tao sa tamang panahon o nagmahal ka ng tamang tao sa maling pagkakataon. I loved a wrong person. I'm a prisoner of his love. Im obsess. But then someone came. He love me for who i was. For who i am. I feel in lov...
