Ejie's POV
Hawak ko yung kamay ni Lance habang tumatakbo kami papuntang ER. God please help him. Help us.
"Miss hanggang dito ka nalang." Pigil sakin nong nurse nang makarating kami sa pinto.
Nagpumilit ako pero in the end sa labas parin ang bagsak ko.
Umiyak ako ng tahimik dito sa kinauupuan ko. Kasalanan ko to. Kung hindi ako nagpumilit kanina edi sana okay sya ngayon kasama ng pamilya nya.
Bahagya kong pinunasan ang mga luha sa mata ko.
Tinitigan ko yung mga kamay ko na puno ng dugo galing kay Lance. Bakit sya pa? Bakit hindi nalang ako.
"Pards! Anong nangyari?" Nag aalala akong nilapitan ni Vienn. Tumayo ako at niyakap sya.
"Sshhhhh.. Husssshhh now. Magiging okay din ang lahat. Ssshhhhh." Hinihimas nya yung likod ko.
Sya yung unang taong pumasok sa isip ko kanina nang nasa loob pa kami ng paramedic. Hindi si Bebs. Sya lang.
"Kasa--- *snif*-lanan ko--*sob* to."
Hindi sya sumagot pero mas hinigpitan nya pa yung yakap nya sakin.
"Bebs!!" Nakita kong humahangos si Jane papunta sa kinaruruonan namin.
Kumalas ako sa yakap ni Vienn at yumakap kay bebs.
Inabutan nya ko ng tubig. Hinimas himas na nya yung likod ko.
Sunod sunod na nagdating ang pamilya ni Lance at ang mga magulang ko.
"Anong nangyare?" Tanong sakin ni Mommy (mommy ni Lance)
Nang pumasok ulit ang mga pangyayari kanina nagsimula nanamang bumuhos ang nga luha ko.
"Sssshhhh." Niyakap ako ni papa.
Umiling iling lang ako. Ayokong maalala ang sakit ng nangyari kanina.
"Pa--*sob*--mawawala sya--*sniff*---sakin" iyak ko sa dibdib ni papa.
"Hinding hindi iyon mangyayari anak. Tama na yan. Magiging maayos din ang lahat."
"Sino ang pamilya ng pasyente?" Tanong nong doctor na lumabas sa ER.
"Ako ang tatay nya." Sabi nong daddy ni Lance.
"Stable na sya...." Nakahinga kaming lahat ng maluwag.
"Mabuti naman.." Sabi nong papa ni Lance.
"Pero..."
"Pero?" Tanong nong Daddy ni Lance.
"Comatose sya. Pero tatagal lang yun ng Linggo. Kausapin nyo sya habang natutulog dahil makakatulong yun sa pagrecover ng pasyente. Excuse me." Agad na umalis yung doctor sa harap naming lahat.
Nilipat na si Lance sa Regular room. Nakapagpalit na rin ako ng damit at nandito ako ngayon sa tabi nya. Kaming dalawa lang.
"Bakit mo naman kasi ginawa yun?" Dahan dahan kong hinawakan ang mga kamay nya.
".........."
"Dapat hinayaan mo nalang kasi ako, Baby." Malambing kong sabi.
"..............."
Pinaglalaruan ko yung hinruturo nya. Di sya gumagalaw. Malamang magulat ako kapag gumalaw yan.
"Dapat ako lang mapapaniginipan mo hah? Dahil kundi kukutusan kita." Sabi ko tapos di ko na pansin na hinahawakan ko na pala ng sobrang higpit ang kamay nya.
".............."
"Grabi ka.. Nakakamiss ka." Tumayo ako at hinalikan sya sa labi. Smack lang. ^____^V
"........"
*tok* *tok*
"Pasok."
Si Linsey na may dalang basket ng prutas. Baka makain na yan ni Lance ehh di pa nga nagigising.
"Pwede ba kitang makausap?" Tanong nya sakin.
Tumango lang ako.
"Labas na muna tayo saglit." Tumayo ako at naglakad papunta sa labas.
Hinintay ko sya dito kasi inayos nya pa yung dala nya sa lamesa.
Paglabas nya binigyan nya ako ng malamlam na tingin.
Dahan dahan na kaming naglakad.
"Alam mo kasi..." Pinutol nya yung sasabihin nya saka sya yumuko.
"Forgiven." Sabi ko sakanya.
"Trip ko kasi talaga lahat ng naging babae ni Lance. Yung relasyon nila ni Kaye ? Di alam ni dad at mom yun."
Nakarating na kami dito sa garden ng Hospital.
"Bakit mo sakin sinasabi yan." Tanong ko.
"Dahil tinakot ko sya noon na papabagsakin ni dad at mom ang negosyo nila. Kaya tinago nila ang relasyon nila sa mga magulang ko. Hanggang sa nagbreak sila at lahat nalang ng magiging girlfriend ni Lance gaganunin ko. Ikaw ang unang babae na Inuna ang kapakanan ng kaligtasan ni Lance. Ang pahalagahan ang mga naipundar ng mga magulang mo." Dahan dahan syang umupo don sa may swing.
Iginalaw nya yung mga paa nya para gumalaw sya ng konte.
"Mahal ko ang mga magulang ko Linsey." Madiin kong sabi.
"Alam ko at napatunayan kona. Pero akala ko titigil ka na talaga. Pero nalaman kong pumunta ka sa bahay at kinausap mo ang mga magulang ko." Tatawa tawang umiiling sakin.
"Bakit?" Inis kong tanong.
Sumeryoso ulit yung muka nya. "Don ko lang napatunayan na mahal mo pala talaga ang kambal ko." Dugtong nya.
"Mahal ko naman talaga si Lance ehh." Umupo ako sa harap nya. Nginangalay na ko ehh. May nakaupo na kasing iba don sa katabing swing. Damo naman to kaya pwedeng upuan.
"Pero mas mahal ka nya." Malungkot ang boses nya. "Dahil nilagay nya sa kapahamakn ang buhay nya maligtas ka lang." Pero ngumiti parin sya sakin.
"Kaya nga nagapapasalamat ako na okay sya ehh." Bumubunot ak ng damo sa gilid ko.
"Sorry sa pantitrip ko." Sincere ang mga maya nya.
"Okay lang. Madami nga akong natutunan sa pantitrip mo ehh." Tumawa ako ng mahina.
Tumayo sya. "Balik na tayo sa loob?" Yaya nya sakin.
Tumango lang ako at tumayo na rin. Naglakad ng sabay.
Nang masulyapan ko yung chapel ay napahinto ako. "Una kana." Sabi ko sakanya.
Tumango lang sya sakin at dumiretso naman ako sa loob ng chapel.
Pagkaupo ay yumuko ako.
Father God, alam kong marami akong pagkukulang at alam ko ring ngayon nalang ulit kita nakausap patawarin mo sana ako sa mga pagkukulang na nagawa ko sayo. Salamat at niligtas mo ang taong mahal ko. Maraming salamat at sana maging maayos na sya. In Jesus name Amen .
Tumayo ako at naglakad palabas. Sa di kalayuan ay nakita ko si Vienn.
"Foods? Para kasing di kana kumakain. Payat mo na." Puna nya sakin habang inaabot yung paper bag
"Thanks." Tipid akong ngumiti sakanya.
"Text mo lang ako kapag kilangan mo ng kausap hah." Ginulo nya yung buhok ko
Ngumiti ako. "Thanks i owe this one."
Kumindat lang sya at tumalikod na. Alam kong nasasaktan ko sya.
Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Lance.
Ganun parin ang lagay nya. Nakapikit. Pero gwapo parin nya. Hehehehe. Ano ba yan Jie. Umayos ka nga! Singhal ko sa sarili ko.
Umupo ulit ako sa tabi nya at hinawakan ang kamay nya.
"Magiging okay din ang lahat." Bulong ko.
BINABASA MO ANG
Mistaken Identity (COMPLETED)
Teen FictionIt's either nagmahal ka ng maling tao sa tamang panahon o nagmahal ka ng tamang tao sa maling pagkakataon. I loved a wrong person. I'm a prisoner of his love. Im obsess. But then someone came. He love me for who i was. For who i am. I feel in lov...
