Chapter 52

606 17 0
                                        

Ejie's POV

2 weeks had passed. Okay na si Lance. Nakalabas na sya ng ospital.

Sempre laging magkasama si Kaye at Lance. Kapag lilingon sakin si Kaye tumatango lang ako.

Kapag nahuhuli ko namang nakatingin sakin si Lance iirapan lang ako.

Di ako pinapabayaan ni Vienn. Talagang bantay sarado ako sakanya.

Sya maghahatid papunta sa school at mag uuwi sakin sa bahay.

Parang wala lang kay Lance ang lahat. Kasi nga wala syang naalala diba?

Wala ba talagang part sayo lance na maalala ako. Kahit konte lang?

Nasa room ako ngayon. Nakatulala sa Likod ni Lance. Nasa harap ko na kasi sya ngayon.

Nakikita ko minsan na bigla bigla nalang aakbayan ni Lance si Kaye. Tapos lilingon sakin si Kaye. Parang automatic na kapag may ginawang sweet na bagay si Lance kay kaye titingin sya sakin.

Ano pa nga bang gagawin ko kundi tumango at ngumiti. Oo masakit. Pero masokista na ata ako.

Malaman ko lang na okay sya okay na rin ako. Di mawawala sa part ko na sana ako nalang si Kaye. Pero maswerte parin ako na minahal nya ko.

Pano kung maalala na ni Lance lahat pero narealize nya na si Kaye na ang mahal nya? Paano na ko?

Ilang araw nalang mag babakasyon na. Ilang araw ko nalang syang makakasama.

Nagbubulungan nanaman silang dalawa ngayon. Sa nakikita ko masaya naman sya at the same time napapasaya nya si Kaye.

Baka naman nagpaplano na sila ng future nila. Di maaari ako kaya ang future ni Lance.

Arggg! This is so nonsen.

Tinuon ko yung atensyon ko sa baliw kong teacher.

"Ma'am! Bakot late na ang swimming natin?" Swimming? San naman galing yun?

"Di naman kasama ang buong batch nyo ehh. Tayo tayo lang." Sabi naman nong baliw kong teacher.

"Supperr excited na ko.." Sabi ni Demar. Swimming pa more demar. Ang itim itim mo na ehh. -____-

"Ma'am? Pwede daw bang mag swimsuit ang bakla?" Tanong ni Johnpaul

"Your choice. Pero kung makaka offend kayo. Wag nalang hah!" Balik ni maam

"Ehh ma'am san naman tayo mag suswimming?" Tanong ni Rhazel

"Sa villa ng tita ko." Sagot nya.

"Ma'am? Kilan yan?" Tanong ni Lance na ikinagulat ko.

"Next week. Sumama ang lahat hah? Dismiss!" Sabi ni ma'am at lumabad. Okay?

"Sasama kaba babe?" Tanong ni Lance kay kaye.

Babe?? San nanaman galing yan? Chill Jie dala lang ng init ng panahon yan.

Sa sobrang pag iisip ko di ko napansin na nasa harap ko na pala si Vienn.

"Tara na?" Yaya nya sakin. Oo sabay narin kaming kumakain. Wala naman akong makakasabay ehh.

Si Jane kasi minsan iba ang Lunch break. Kaya wala naman akong pagpipilian na samahan.

Tumayo ako at diretsong naglakad palabas sa room.

"Wait lang naman." Habol sakin ni Vienn.

"Bagal mo ehh!" Binatukan ko sya sabay takbo. Hahahahaha bahala sya dyan.

Mistaken Identity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon