Ejie's POV
Alam kong maga ang mata ko. Nakatalukbong lang ako ng kumot dito sa kwarto. Naririnig ko silang nagsasalita pero wala akong maintindihan.
"Party party daw mamaya aa? May emergency daw kasi si Ma'am kaya kilangan nyang umuwi. Kaya ang saya saya. Walang magbabawal. Weeeeehh!!" I think si Kristel yun. Alam ko yung tono ng boses nya nya ehh.
"Girls? Baba na raw sabi ng mga boys nakapagluto na sila. Kakain na tayo." Pag ayaya ni Rowella ata yun.
Naramdaman kong may Lumapit sa kama ko. Kaya agad kong pinikit yung mga mata ko.
"Jie? Kain na raw." Sabi ni Alliah.
"........"
"Sunod ka nalang hah?" Dugtong pa nya. Malamang ay alam na nyang gising ako kaya tumango ako.
Kinapa ko yung yung kwintas na nasa leeg ko at dahan dahan kong tinanggal iyon. Lagi ko tong hinahawakan kapag malungkot ako pero hindi sa pagkakataong to.
Pumikit nalang ako ulit ako habang nasa laylayan ng daliri ko ang kwintas. Di ko alam kung paano ako makakalabas sa sitwasyon kong to. At bakit ba ko napunta sa sitwasyon na to? Ang sakit. Sobrang sakit.
Veinn's POV
I was about to step inside nong may narinig akong kaluskos.
I silently open the door and i saw Lance sitting beside her.
Anong ginagawa ng bastardong yan dito? Gusto ko ng pumasok pero...
"Baby? I'm so sorry." Basag ang boses nya. Alam kong may iba akong hindi alam.
Alam ko ring natutulog si Jie. Bumaba ako dahil ayaw kong marinig ang paliwanag nya kay jie.
Nakita ko si Kaye na nakikipag usap sa ibang girls kaya nilapitan ko.
"Can i talk to you?"
"You already talking to me Vienn." Nakangiti nyang balik.
"Privately." Seryoso kong sabi. Tumango sya at sumumod sakin.
Pumunta kami dito sa Garden.
"Anong meron kayo ni Lance?" Agad syang umiwas ng tingin.
Alam kong di sya sasagot kaya hinayaan ko nalang. "Can i ask you a favor ?" Tanong ko.
"Sure." Balik nya.
Ejie's POV
Nagising ako ng basa ang pisngi ko. Anyare ? Wala naman atang tulo tong bubungan diba? Pinunasan ko inyobgamit ang kamay ko.
Hinawakan ko yung leeg ko. Nakasabit na ulit yung kwentas. Sino nagsuot nito sakin. Bakit parang ang insensitive ko naman at di ko namalayang may naglagay nito sakin.
Bumangon ako at hinawakan ko yung ulo ko. Ang sakit ng ulo ko.
Alas 2 na pala ng hapon. Ano ba yan anong oras na kong nagising. Wala naman akong ginawa.
Dumiretso ako ng kusina at kumain. Bakit ba? Eh sa nagugutom ako ehh.
Nakatingin lang silang lahat sakin. Ngayon lang ata sila nakakita ng taong malakas kumain.
Basta. Nakakailang.
Pagtapos kong kumain ay tumayo ako at nilagay ang pinag kainan ko sa Lababo. Ang daming higasin. -___- kaya ako nalang ang gagawa para naman hindi nakakahiya sakanilang lahat.
*Bzzzzt* *Bzzzzt*
From; Vienn
Punta ka dito sa may Bodega. Tulungan mo ko. Naipit paa ko ehh. -_-
-----End-----
Agad kong pinatay yung tubig at Naglakad sa Gilid ng pool.
*Plok* pag lingon ko di ko namalayang nahulog na pala sa Lapag yung phone ko.
Kaya nong pinulot ko.... Ugh! Wala na ayaw ng mabuksan. Hayst. Bahala na nga. Binulsa ko nalang ulit yun at naglakad na papunta sa Bodega. Likod bahay.
Wala naman akong ibang nakita don kaya pumasok ako sa Loob. Naglakad ako hanggang sa makarating sa pinakagitna. Wala naman si Vienn dito ehh. Niloloko lang pala ako.
"KAYE!!" narinig ko ang boses ni Lance na sobrang nag aalala.
*BLAG!*
Biglang nagsara ang pinto ng Bodega. Fudge!!
Agad akong pumunta sa pinto at kinatok iyon ng kinatok. Fudge!!!
"GET ME OUT OF HERE YOU ASSHOLE!!!" *Blag* *Blag* kinalampag ko ng ginalampag yung pinto.
"HINDI TO MAGANDANG BIRO!!!" *Blag* *Blag*
"KAPAG AKO NAKALABAS DITO VIENN!!!! ISUSUMPA KO MAPAPATAY KITA!!!" *Blag* *Blag*
"Stupid. Don't waste your energy for that thing." Agad ko syang sinamaan ng tingin.
Palibhasa okay lang sakanya kasi wala naman syang paki.
Umupo ako sa kabilang gilid kong saan malayo sakanya. Wala akong choice kundi ng makipag titigan sa Sahig.
Pero may part parin sakin na masaya akong na stuck kami dito. Atleast kahit sandali lang nakasama ko pa sya ng kaming dalawa lang. Ng ako lang ang nasa tabi nya. Sound so Selfish aight? Wala ehh. Mahal ko parin sya. Alangan namang makapag move on ako ng Over night diba?
Nakita kong nilabas nya yung phone ilang sandali ay kumunot ang noo nya at tinago na ulit ang Cellphone sa bulsa nya.
"May phone kabang dala?" Nagulat akong kausapin nya ko. "We need to get out of here." Alam ko namang ayaw mokong makasama ehh. Tumango ako.
"Peram" sabi nya.
Hinugot ko yung phone ko at wala sa sariling inabot sakanya.
"Ano to? Deadbat?" Tanong nya dahil paulit ulit na nyang pinipindot ang power nito.
"Ay! Naalala ko nahulog pala yan bago ako dumating dito." Sabi ko sakanya.
"Bakit kaba napunta rito?" May halong inis yung boses nya.
"Tinext kasi ako ni Vienn na kilangan nya ng tulong ko." Paliwanag ko sakanya. Bakt ganun?
"Tsk." Yan na ang huling sinabi nya pagkatapos nyang iabot ang phone ko sakin at natulog.
Bumalik na ako sa pwesto ko kanina at pumikit nalang din.
*poke* "hey! Wake up." Unti unti kong minulat yung mata ko.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Bukas na. Pwede ka ng lumabas." Sabi nya.
"Hah? Paano?" Masyado bang halata sa boses ko na ayaw ko pang umalis sa tabi nya.
"Sinipa ko." Sabi nya. Bakit ngayon mo lang sinapa? Ibig sabihin ba nyan gusto mo rin akong makasama kahit saglit lang?
Wag kang umasa Jie! Singhal ko sa sarili ko.
Pagabas ko ay nandon si kaye at agad niyakap si Lance. Gumanti naman ng yakap si Lance. Ang sakit.
Pag akyat ko sa kwarto ay agad kong inayos ang mga gamit ko. Kilangan ko ng umuwi.
Nakitext na ko kay Rhazel na magpapasundo ako kay manong.
"Jie? Sorry." His eye was pleading.
"Okay lang. Salamat." Ganti ko kay Vienn at tinap ang balikat nya. "Sige. Alis na ko nandyan na raw kasi si Manong ehh."
Tumango lang sya. Iiwan ko na lahat ng sakit dito. Pagkatapos nito ngingiti na ulit ako.
BINABASA MO ANG
Mistaken Identity (COMPLETED)
Ficção AdolescenteIt's either nagmahal ka ng maling tao sa tamang panahon o nagmahal ka ng tamang tao sa maling pagkakataon. I loved a wrong person. I'm a prisoner of his love. Im obsess. But then someone came. He love me for who i was. For who i am. I feel in lov...
