Ejie's POV
Ito na yung araw ng Swimming. Syempre! Excited ang lahat. Nandito na kami sa Venue kung saan magkikita kita. Meron ng isang Bus na nakaabang dito. Yung iba pabebe pa ata.. Wala pa ehh. Yung iba naman nagkukwentuhan lang.
Ako? Nandito lang sa tabi. Naka earphone. Wala naman kumakausap sakin ehh.
Nakita kong umupo sa harap ko si Vienn at bumubuka ang bibig nya. May sinasabi wala naman akong maintindihan dahil nga nakaearphone ako.
Tinanggal ko yung isa.. "Hah? Ano yung sinasabi mo?" Tanong ko.
Napakamot nalang sya sa ulo nya. "Di mo pala ako naririnig kanina pa ko nagsasalita ehh."
"Ahh. Sorry. Ano ba yun?" Tanong ko ulit
"Ay! Wala wala. Hayaan mona. Di naman masyadong importante ehh."
"Hay nako. Isa ka pang pabebe ehh!! Ano nha?!!" Hiyaw ko sakanya.
"Wag akang highblood dyan." Tatawa tawa nyang sabi. "Wala lang talaga yun." Dugtong nya.
"Okay." Sagot ko.
May nakita akong paparating na kotse. Kay Lance. Nang bumaba sya sa sasakyan nya biglang bumilis ang tibok ng puso ko at halos malaglag yung puso ko nong ngumiti sya at tinanggal ang shade nya.
Pumunta sya sa kabilang side ng kotse at may pinagbuksan. Dahan dahan kong pinikit ang nga mata ko. Saktong tumigil ang tugtog.
"Break na ba talaga si Lance at Ejie?" Narinig kong sabi ni Lyka.
"Ewan." Nagkibit balikat naman si Lovely.
At muling tumugtog ang iPod ko. Nagsasalita sila pero wala na kong marinig. Nakaalalay si Vienn sakin. Ewan ko kung bakit pero di ko maiwasang tanggalin ang mata ko kay Lance....at kaye.
Umaandar nanaman lahat ng insecurities ko. Dapat ako yan ehh. Ako dapat yung humahawak sakanya ng ganyan.
"Okay! Fall in Line." Sabi ni ma'am.
"Ano ba yan? Ano kami bata?" Bulong ni demar.
Pero sumunod din naman sila. Ewan ko ba naman sa mga to.
"Vienn at Kaye. Don kayo sa sit number 1." Sabi ni ma'am.
"Ano ba yan. Walang kalayaan." Sabi ni Rhazel
"Miss president. Wag nalang kaya nating ituloy ang swimming na to?" Suggest ni Ma'am.
"Sorry po ma'am." Sabi ni Rhazel.
Nagtawag ng nagtawag si Sir.
"Jie at Lance sa number 21." Sabi ko na kaya di pa ko natatawag ehh. Pero di ko inaasahang si Lance ang makakatabi ko.
Naglakad na sya papasok sa bus. Hayst. Labag sa loob akong sumunod. Malamang. Bitter ako ehh.
"Lance? Pwede bang dyan nalang ako pwesto mo?" Tanon ko. Gusto ko harap ng bintana ehh.
"Okay." Naninibago talaga ako sakanya. Kapag nasa katinuan yan makikipagtalo pa. Kaya lang... Hayaan mo na nga. Di nga nya ako naaalala diba?
Bago ako umupo at inilagay ko na muna yung gamit ko sa taas. Yung lagayan ng mga gamit don. Pero di ko inaasahang ma a out of balance ako.
*Blag*
Umasa ako. Umasa ako na sasaluhin ako ni Lance. Pero hindi. Hinawakan ko yung pwet ko dahil ang sakit.
"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Kaye ng nagaalala. Agad kong tinapik ang kamay nya. Di ko sinasadya.
Umupo na ako. Sakit ng pwet ko hutangshet!
BINABASA MO ANG
Mistaken Identity (COMPLETED)
Novela JuvenilIt's either nagmahal ka ng maling tao sa tamang panahon o nagmahal ka ng tamang tao sa maling pagkakataon. I loved a wrong person. I'm a prisoner of his love. Im obsess. But then someone came. He love me for who i was. For who i am. I feel in lov...
