Naglalaro ako nuon, este kami pala ni Kuya ng bigla akong mawala o maligaw. Iyak ako ng iyak hanggang sa may manghablot sa akin na naka itim na kapa. Hindi ko alam gagawin ko. Papunta na kami sa ilalim ng gubat na iyon ng may lumitaw na lalaki sa harap ko. Akala ko ay papatayin niya ako pero niligtas niya ako kaya naging magkaibigan kami.
Lumipas ang labing anim na taon na nanirahan ako kasama si Philip, maraming nagbago. Ikinuwento niya rin sa akin sa kung paano namatay ang aking lolo at lola na hari at reyna ng Powerful Academy, paano ako nawala at sa kung bakit ako nag eensayo at para saan.
Samantala, sa Powerful Academy. Masayang naghahanda si Andrei para sa kanyang pagpaasok sa Academy. Ganun din ang kanyang mga kaibigan na anak ng mga kaibigan ng magulang niya.
"Siguro kung nandito ka lang Andrea, masaya siguro tayong papasok ng magkasama.." sa isip isip ni Andrei habang nakatanaw sa malayo.
"Anak, halika na. Kakain na sa baba." malambing na sabi ni Mama.
____________________
"Andrea, maghanda ka na. Ipapasok na kita sa Powerful Academy. Ngayon na ang tamang panahon para magkakila-kilala kayo ng kapatid at magulang mo. Pero lagi mong tatandaan na hindi nila pwedeng malaman na nasa sa iyo na ang locket mo. Huwag na huwag kang magtitiwala kahit kanino." bilin ng kanyang Kuya Philip.
"oho.. Opo..opo.." sabi ni Andrea ng hindi nakatingin sa kanyang kuya.
"Huwag kang mag alala, kasama mo akong papasok sa Academy. Nanduon kasi si Papa eh." Philip
"Ha? bakit hindi mo sinabi sa akin?! *pout* kainis ka naman eh. Akala ko naman iiwan mo ako."
Tinahak ng dalawang magkaibigan ang daan papuntang Powerful Academy. Hanggang sa nakarating sila sa isang bakal na gate.
"Alam mo na gagawin mo, Andrea." Philip
Ang sumunod na nangyari ay hindi na kagulat gulat sa nakita ni Omen (see book 1). Ang pagpatak ng dugo ni Andrea sa bakal na gate kasabay ang pagbukas nito.
"Welcome to Powerful Academy!" sabi ng .... isa.. dalawa.. anim?
"Hi, we are butlers Tyler, Toni, Todd, Tom, Troy, Tris and we are the T6. We are not just an ordinary butlers because we also create barriers only a powerful people can." sabi ni Tyler. Siguro siya ang leader dito.
"Ehem! Welcome. Ahh ehh.. Andrea.. Ikaw na pala iyan. Kamukhang kamukha mo ang iyong ina. Ako nga pala so Master Lee. Kinagagalak kitang makilala. At bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin philip?" Master Lee.
Uh-oh.
******************
BINABASA MO ANG
POWERFUL ACADEMY BOOK II: THE MISSING PIECE OF LOCKET (completed)
FantasyThis is it! At last, i finally decided to make the book 2. If you want to read this, better read the first one. ;) ****************** NOTE: Say no to PLAGIARISM. THIS STORY IS BASED ON AUTHOR'S IMAGINATION AND CREATIVE THINKINGS...