Sabi nila, walang mabisang gamot sa kahit anong sakit. Dahil kapag oras mo na, oras mo na talaga. Pero dahil may dahilan ang lahat, ibig sabihin may layunin kung bakit nananatili ka pa ring buhay sa kabila ng mga nangyari sa buhay mo o sa buhay natin.
Habang nag-aagaw buhay si Kuya Andrei ay lumapit sa amin si Zen.
"Kunin niyo itong nasa leeg ko, painumin niyo sa kanya. Pasensya na sa idinulot ng aking kaibigan. Sana ay makatulong iyan sa kanya." mahabang pahayag ni Zen sa mga kabigan at kapatid ni Andrei.
Agad naman silang nagpunta sa clinic sa kinaroroonan ni Andrei. Ibinigay naman ni Andrea kay Ria ang potion na iyon at ipinainom sa natutulog na si Andrei.
"Hmm... A-andreaaa.. Riaa..." sabi ni Andrei kasunod ay ang pagmulat ng binata.
Isang linggo matapos ang pangyayaring iyon ay nagpahinga ang mga tao sa Powerful Academy at maski ang mga estudyante sa Powerful Academy. Binigyan lahat ng estudyante ng 2 linggong pahinga dahil sa nangyari at dahil na rin sa may isang okasyon na gaganapin mismo sa nasabing Academy.
Habang nag hahanda ang lahat ay pinatawag ni Sam at Clark ang kanilang mga anak.
"Mommy!!" sabi ni Andrei.
"Daddy!!" sabi naman ni Andrea.
"Maghanda kayong dalawa. Bukas ay may gaganaping isang okasyon." sabi ni Mommy sa amin.
"May ipapaakyat akong mga damit na gagamitin niyo bukas ah. Sige na matulog na kayo." sabi naman ni Daddy sa amin.
~~~~~~~~~~~ cont.
Maaga pa lang nagising na kami ni Kuya Andrei at naghanda na. Kumain muna kami ng almusal pagkatapos ay nag ayos na ako samantalang si Kuya ay nag eexercise pa ng kaunti. Pagkatapos ng 5 oras na pag aayos ay bumaba na kami sa aming kwarto at sinalubong kami ng aming mga butler.
"Wow!! Gumanda ka Lalo Prinsesa.." sabi ni Butler Tris na ikina pula ng aking mga pisngi.
"At gumwapo lalo si Prinsipe Andrei." sabi naman ni Butler Todd.
Nagtawanan lamang kaming apat at inalalayan kami palabas ng palasyo papuntang Academy.
"Please welcome. The New Princess and Prince of Powerful Academy, Andrea and Andrei Martin." sabi ng aming Emcee.
Tanging palakpakan lamang ang maririnig ng oras na iyon. Parehas kami ni Kuya Andrei na nagulat sa mga nangyari pero agad rin naka recover. Nilapitan kami ng kanya kanya naming mga boyfriend at girlfriend.
Natapos ang kasiyahan na iyon ng matiwasay. Sina Amy, Ava, Allen at Allan ay naging mga Prinsesa at Prinsipe rin sa kanilang mga lugar. Ipinalaganap na rin sa iba pang lugar na walang pwedeng kasamaan ang maghari.
*********************
BINABASA MO ANG
POWERFUL ACADEMY BOOK II: THE MISSING PIECE OF LOCKET (completed)
FantasíaThis is it! At last, i finally decided to make the book 2. If you want to read this, better read the first one. ;) ****************** NOTE: Say no to PLAGIARISM. THIS STORY IS BASED ON AUTHOR'S IMAGINATION AND CREATIVE THINKINGS...