17 THE WAR BEGINS

868 27 0
                                    

Nandito kami ngayon sa labas ng kastilyo. Kalat kalat kaming magkakaibigan dahil ngayon na ang umpisa ng matinding laban. Naramdaman iyon ni Ria at Tita Riley na sinabi agad sa amin dahil sa nangyari kay Ria 3 araw bago ang araw na ito. 

FLASHBACK

"Riaaaa!! Anak gumising ka na diyan at kakain na tayo.." pagtawag ni tita riley kay Ria ngunit ilang minuto na ang nakakaraan ay wala pa ring bumababa sa kwarto ni Ria.

Kaya hindi na nag-aksayang muli ng ilan pang minuto si Tita riley at tinawag kami pati ang aming mga magulang.

"Oh tita ano pong nangyayari?" sabi ni Andrea

"Andrei, tulungan mo ako.. Kanina pa hindi bumababa si Ria. Nag aalala na ako. Tulungan niyo ako.." pagsusumamo ni Tita Riley sa aming mag kambal. 

"Tita kami na po bahala.." sabi ni Andrei kay Riley. 

Pumanik ang kambal ngunit hindi pa tumatagal ng 2 minuto ay hindi sila makalapit sa mismong pinto ng kwarto ni Ria. 

"Kuya, let me handle this.." sabi ni Andrea sa kapatid. 

"Red, Blue make an invisible door for us to enter this room." pinikit ni Andrea ang mata habang binubulong ito.

Nang makapasok s Andrea kasunod ang kambal na si Andrei ay nagulat silang lahat dahil nakalutang lamang si Ria at walang malay. Nang akmang kakawakan ito ni Andrei ay bigla na lamang ito nagsalita. 

"Hahahahahaha! Akala ko di niyo na ililigtas itong kaibigan niyo! Kukunin ko na sana eh. Maghanda kayo.. Dahil sa ika-tatlong araw magmula ngayon lulusob kami at wala kaming ititira sa inyo kahit kayong dalawa pa ang pinakamalakas na tatalo sa amin." sabi ng isang aninong kulay usok kasabay nang paglisan ng anino ay bumagsak si Ria.  Nasalo naman siya ni Andrei at dahan dahan namang pinalabas ni Andrea ang kanyang alagang dragon na sina Blue at Red at hineal ni Blue si Ria.

Kaya nanumbalik muli ang lakas ni Ria sa tulong ni Blue. 

FLASHBACK ENDS~~~~~~

Sina Amy at Ava ay kasama ang mga estudyanteng mga babae samantalang sina Allen at Allan ay kasama ang mga estudyanteng lalaki, samantalang ang mga magulang namin ay kasama ang mga guro at si Headmaster na nagpupulong sa underground ng Powerful Academy. Samantalang kami ni kuya andrei ay nandito sa tuktok ng Academy, nakatanaw.. at nagbabantay. 

Napag alaman namin nung isang araw lamang na kaya pala namin mag usap gamit ang isip kaya ngayon ay iyon ay gamit namin sa aming komunikasyon. 

"Allen & Allan, Naririnig niyo ba ako?" Andrei

"Copy!" sabi nina Allen at Allan kay Andrei. 

"Amy & Ava, do u hear me?" Andrea

"Yes sis." sabi nina Ava at Amy kay Andrea. 

Agad naman nagbigay ng senyales si Andrei sa aming mga mga kaibigan.

"Allen at Allan, sa timog kayo, kami ni Andrea sa hilaga, Ava at Amy kayo sa silangan at mananatili naman sa kanluran ang ating mga magulang. Nangako kayong lahat sa amin ah. Walang mamamatay. Walang pwedeng mamatay. Lalaban tayo at ipapakita natin sa kanila ang lakas ng mga estudyante ng Powerful Academy." sabi ni Kuya Andrei sa aming mga kaibigan gamit ang isip lamang. 

Tanging buntong hininga lamang ang sagot na narinig namin. 

"Kuya.... nandiyan na sila..  Guys.. Ready.." sabi ni Andrea sa kakambal. 

AUTHOR'S POV

So, ako muna mag kukuwento. ;) 

Nakita agad ni Andrea ang mga kaluluwang umaangat sa lupa na sumasabay sa kalaban na papunta sa Powerful Academy. Agad naman nilang nasira ang barrier na nilagay ng kambal. ANg kasunod ay naglalaban na sina Andrea, Andrei at Zen, Zach. Samantalang si Zion na power stealer ay pumunta pa-silangan, timog at kanluran ngunit hindi rin siya nagtagumpay na makuha ang lahat ng lakas ng mga estudyantengtaga Powerful Academy. Dumami pa ang kalaban dahil sa mga estudyanteng taga black academy na nasa spell na black power na namamanipula ni Zion. 

Samantala, nangalahati naman ang mga kalaban na taga black academy dahil sa team up nina Ava, Amy, Allen at Allan gayun rin ng iba pang mga grupo grupo sa powerful academy na tumulong mapuksa ang mga estudyante na taga bLack Academy. 

Sa kabilang banda.... 

"May nakapag sabi sa akin isa ka sa mga pinakamalakas dito sa Powerful Academy. Well, mahina ka pala sa inaakala ko.." sabi ni Zen dahil nakita niyang nanghihina na si Andrea. 

******************

Cont. 

POWERFUL ACADEMY BOOK II: THE MISSING PIECE OF LOCKET (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon