Kinagabihan, pumunta naman si Andrea sa kanyang dorm. Sinabihan na rin siya ng Headmaster ng Academy na siya na lamang ang kulang dahil sa nanduon na rin ang kanyang mga damit. Pagpasok niya sa isang pintong kulay golden brown, nakita niya ang dalawang magandang babae na alam niyang makakasama niya sa room na iyon.
"Hi, ako nga pala si Ava at siya naman si Amy."
"Kambal kami, para hindi ka malito, ako si Amy." Sabi ng isang babaeng may mahaba at pulang buhok.
"At ako naman si Ava." Sabi ng isang babaeng nakangiti sa akin. Buhok niya ay kulay green na hanggang sa balikat lamang.
"Ah eh ako nga pala si Andrea.." sabi ko. Bigla namang napatili ang dalawang babae sa harap ko.
"AAAAHHHHHHHH!!! Ikaw pala yung kapatid ni Andrei. " sabi ni Amy.
"Kamukhang kamukha mo siya. Ikaw yung girl version ng kuya mo." Sabi naman ni Ava.
"Oh okay." Tipid na sagot ko sa dalawa. Tinuro naman nila sa akin ang kwarto ko at saka sila nag kuwento.
"Bata pa lamang kayo nuon ng kuya mo, nung nawala ka sa kanila. Sinisi pa siya ng daddy niyo sa pagkawala mo. Pero dahil nandito ka na at roommate mo pa kami, kami na ang magdadala sa iyo sa mga magulang at kapatid mo. Sa ngayon, dinner muuna tayo ah." Mahabang sabi ni Amy.
Pagkatapos naming kumain ay nagshower lamang ako at nagpalit ng damit saka kami umalis. Ikinuwento rin sa akin ng kambal na may mga kapangyarihan ang lahat ng estudyante dito. Nalaman ko ring si Zaida pala yung babaeng sinampal ko. Patay ako! Baka gamitan niya ako ng kapangyarihan niya.
Nagteleport kami papunta sa mismong bahay ng sinasabi ng kambal na mga magulang ko.
"Tao po!!! *tok tok* Tao po!!" sabi ng kambal habang kumakatok sa mala-palasyong kaharian.
"Sino ba ya--- Andrea!!!" sabi ng isang lalaki sa harap ko sabay yakap.
"Oo, siya na nga si Andrea. Ano ba, Andrei baka mamatay yan sa yakap mo." Saway naman ni Amy dahil sa sobrang higpit ng yakap ni Andrei sa kapatid na matagal nang nawala.
"Pasok muna kayo sa loob, Young Master Andrei." Sabi ng isang lalaki na naka tuxedo.
"Young Master? Ow okay.." sabi ni Andrea sa kanyang isipan.
"Prinsesa, Tyler po pangalan ko. And yes, I can read your mind. Paumanhin po." Sabi ni Tyler.
Umupo si Andrea with Ava and Amy sa isang sofa habang umalis sandali si Andrei. Ito na pala ang kanilang bahay. Napaka ganda. Andaming family pictures. At mag color coding. Ang sala ay kulay sokolate at dahil kita ang kitchen nakita ko agad ang kulay nito na dilaw at ang hagdan papuntang itaas ay kulay piano, black and white. Woah!!
"Ah eh.. Uhmm.. Andrea, ako nga pala si Andrei, ang kuya mo." Panimulang sabi ni Andrei sa kanyang matagal ng nawawalang kapatid.
"At ako naman si Samantha Erinn Aries, ako ang mommy mo." Sabi ng isang mala-diyosa ang ganda na babae sa harap niya sabay niyakap siya ng mahigpit.
"Ako naman si Clark Kent Martin. Isa sa mga anak ng may ari ng Powerful Academy. Ako rin ang ama mo." Sabi ng isang mala Adonis na mukha na nasa harap niya at niyakap rin siya bilang pagpapaalala na sila talaga ang pamilya nila.
"Aakyat na kami ng inyong ina. Feel free to stay here, anak." sabi ng aming Daddy.
Ilang minuto ay nakita naman niya ang isang napakagandang babae na nanggaling sa kusina.
"Gusto mo ba makarinig ng kwento, iha?" sabi naman ng isang... Lola? Lola ko na ba talaga ito? Aba napaka ganda.
"Chelsea Miller, ang lola mo." Sabi niya sa akin sabay lahad ng isang kamay para ako ay mag mano.
"Sige po." Tipid kong sagot.
"Noong mga panahong nagkakilala kami ng Lolo mo, hindi naging madali ang lahat sa amin. Pero dahil sa pagmamahal namin sa isa't isa ay nabuo ang inyong ina. Masaya sa una ngunit nagkakaroon at nagkakaroon ng pagsubok, pero hindi iyon naging dahilan para sumuko sila ng inyong ama. Lumipas ang panahon at ipinanganak kayo. Ngayon, kayo na ang susunod na pinaka malakas sa Powerful Academy. Pero bago mangyari iyon, kailangan niyo muna mag undergo training. Ay mali, secret training. Walang pwedeng makaalam ng training na iyan except your families and friends. Andrea, mag iingat ka lagi apo. Huwag na huwag kang makikipag usap sa isang taong di mo pa gaano kilala. Mapapahamak ka." Pagkukuwento ni Lola habang nagbibigay babala sa amin.
"Oh Mamang, bakit gising pa kayo? Akala ko'y natutulog na kayo? Ah, andrei ikaw muna bahala sa iyong kapatid a mga kaibigan, ihahatid ko lang ang mamang." sabi ng aking ama. Ang gwapo niya sa malapitan. Hindi mo aakalain na may anak na siya.
-------------------
"Ah eh.. ano ba itatawag ko sayo?" sabi ni Andrea habang kaharap at umiinom ng juice ang kanyang kuya.
"Kuya Andrei. Alam mo bang matagal na kitang gustong makasama? Malungkot kapag walang kapatid. Kahit na alam kong may mga kaibigan naman ako. Iba pa din sa pakiramdam ng may kapatid." seryosong sabi ni Kuya.
Agad naman akong napangiti at niyakap ang aking Kuya Andrei.
"Ikaw talaga. Salamat ah. Kasi nararamdaman kong totoo ang iyong sinasabi... Kuya Andrei." yakap sabay ngiti kay Andrei.
"Wala yun.." sabi ni Andrei sabay gulo ng buhok ng kapatid.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaahhh!! Kuya naman eh. Wag mo guluhin buhok ko!" pagmamaktol ni Andrea.
*****************
Will update tommorrow. ;)
BINABASA MO ANG
POWERFUL ACADEMY BOOK II: THE MISSING PIECE OF LOCKET (completed)
FantasyThis is it! At last, i finally decided to make the book 2. If you want to read this, better read the first one. ;) ****************** NOTE: Say no to PLAGIARISM. THIS STORY IS BASED ON AUTHOR'S IMAGINATION AND CREATIVE THINKINGS...