Hindi ko akalain na nanduon na ang lahat sa room na iyon. Pero paano? May iba pa ba akong dapat na malaman? Hayaan na nga.
Binulungan ni Kuya si Daddy. Oo. Daddy na tawag ko kasi alam kong gusto nila na iyon ang itawag ko sa kanila. Pumayag na rin ako.
"You want to know about the lockets ah? Sige ikukwento ko.." daddy Clark.
(see chapter 2 & 3)
After 2 hours na pagpapaliwanag ay may nilabas sina Ara, Amy, Kuya Andrei, Allan, Allen, at Ria.
"Woahh!! Yan na ba yun? Teka bakit po kulang?" sabi naman ni Andrea sa pagka mangha.
"Dahil sa nawawala ang dalawang kulay na magpapabuo nito. Pero nagtataka ka ba kung paanong nabuhay ang Lola mo?" sabi ni Mommy Sam.
"Opo..Paano nga po ba?" inosente ngunit mausisang tanong ni Andrea.
"Ang mga lockets, kahit hindi buo ay kayang magpagaling ng isang tao. Kung magkakaisa ang mga may suot nito. Nung panahong nag aagaw buhay si Lola, naisipan namin na dalhin ang katawan niya dito at dahil nga sa kagustuhan ng lahat na mabuhay siya, ginamit namin ang lockets. Hindi siya madali, pero wala na kaming pakielam nuon. Inabot kami ng ilang oras hanggang sa narinig na lang namin na nagsalita si Lola." mahabang huwento ni Tita Cara.
"Uhmm.. ehh.. Ma-may gusto po sana ako ipakita sa inyo.." andrea.
"Ahhh... ano yun, anak?" Sam.
Inilabas ni Andrea ang dalawang lockets na nasa leeg niya, dalawa ang kulay ngunit nasa iisang necklace lamang.
"Paanong napunta yan sa iyo?" sabay sabay na sabi nina Andrei, Amy at Ava.
"Kailagan talaga sabay sabay?" sabi naman ni Andrea.
"Anak, paano napunta yan sayo.?" pagtatakang tanong ni Clark sa anak.
"Nung kasagsagan po ng training ko kasama si Philip, may nag abot po sa akin nito. Ang totoo po, nakakakita po ako ng Mababait na multo. Hindi ko po alam pero harmless naman sila. Isang matanda ngunit gwapong lalaki." pagpapaliwanag ni Andrea.
Agad naman naghanap si Clark ng picture ng kanyang ama.
"Siya ba, anak? Siya ba nagbigay sayo ng dalawang kuwintas?" sabi ni Clark habang pinakita sa anak ang picture ng Ama.
"O-opo. Paano niyo po siya nakilala?" Andrea
"May sinabi ba siya sa iyo Andrea?" Andrei
"hmmm.. Oo. Ang sabi niya sa akin, "Ingatan mo ang dalawang kuwintas na iyan, huwag mong hayaang may makakaaalam na nasa sayo na iyan. Pag nakabalik ka na sa inyo, gusto kong ipaalam mo sa kanila ang ginawa kong pagbibigay sayo ng dalawang kuwintas. Ingatan mo.. at wag ka basta basta magtitiwala.. Mapapahamak ka.. Matatanggap mo ang kapangyarihan mo kapag handa ka na pati ang iyong kalooban.." sabay po nuon ay nagpaalam na siya.. Naka ngiti pa nga po siya eh." Masayang pagkukwento ni Andrea.
"Ahh.. Anak, siya ang lolo mo." sabi ni Sam na nagpupunas pa ng luha.
"Alam ko naman na si Papa lang ang may kakayahang humawak nuon." sabi ni Cara.
"Ngayong buo na ang mga lockets at na kay Andrea ang huli, Ava (tingin kay Ava), Amy (tingin kay Amy) I want the both of you to train her. Understood?" sabi ni Tita Zoey kina Amy at Ava.
"Of course mom, we will help her. She's Family." Sabi ni Amy na naka ngiti sa kanyang kakambal.
"Ma, tutulong rin kami. Kailangang mapalabas ni Andrea ang kanyang kakayahan. Sa magandang paraan. Oyy ikaw din. Tulog ka ng tulog." sabi ni Allan sa kanyang Mama Cara habang pinapagalitan ang kapatid na si Allen.
"How about me?" Ria.
"You will tour here here, bes." sabi ni... Kuya Andrei? Hmm..
"Thank you guys." sabi ni Andrea.
"Anak, dito ka na matulog. Pwede ba?" sabi ni Clark kay Andrea.
"Sige po, basta ba dito rin po matutulog si Kuya." Andrea
"Cool. Sigeeeeee.." Andrei.
At natulog na rin ang magkakaibigan sa isang guest room.
*****************
BINABASA MO ANG
POWERFUL ACADEMY BOOK II: THE MISSING PIECE OF LOCKET (completed)
FantasyThis is it! At last, i finally decided to make the book 2. If you want to read this, better read the first one. ;) ****************** NOTE: Say no to PLAGIARISM. THIS STORY IS BASED ON AUTHOR'S IMAGINATION AND CREATIVE THINKINGS...