2 SAD ENDINGS, NEW BEGINNINGS

3.3K 61 0
                                    

Ilang araw pagkatapos manganak ni Sam ay nagkaroon ng isang malaking hidwaan o away sa pagitan ng Black Academy at sa Powerful Academy dahilan upang mamatay ang mga magulang ni Cara at Clark. Namatay ang kanilang sa Ama sa pag-asang matatalo ang kalaban ngunit kinitil ang kanyang buhay sa harapan ng kanyang pamilya at anak. Hindi pa sila nasiyahan sapagkat buhay pa ang kanilang ina. Sa kasawiang palad, pinatay rin sa kanilang harapan ang kanilang ina na siya namang nasalo ni Clark, huli na pero pinatay mismo ni Cara ang kalaban sa harapan ng kaibigan niya.

Labis ang kanilang paghihinagpis at bago malagutan ng hininga ang kanilang ina, may binulong ito sa kanilang dalawa.

"Sa-sa pinaka *hingang malalim* dulo ng Academy na ito. *sigh* Isang pinto, walong locket. I-ingatan *sobs* niyo iyon *sobs* Ibigay niyo sa magiging anak ninyo." Pagkatapos ay nalagutan na ng hininga ang kanilang ina.

Lingid sa kanilang kaalaman, ay nakita na agad ni Zoey ang isang ganap na mangyayari. Natakot naman si Joshua dahil may lumabas na itim na usok na nagmumula sa bibig ng kanyang asawa.

"Hahahahaha! Kukunin ko ang isa sa mga anak mo, Clark. Hintayin mo ako..." habang tumatawa ngunit nakakatakot na boses ng isang babae.

____________________________________________________

Lumipas ang limang araw simula ng pagkamatay ng mga magulang ng magkapatid ay ginanap na ang binyag ng kambal na magkapatid. Natapos ito ng matiwasay. Isang araw habang naglalaro ang kambal sa hardin ng Powerful Academy.

"Kuya, labas na tayo. Pleaseee...." Pagmamakaawa ng batang si Andrea.

"Hindi nga pwede. Papagalitan tayo. Pagagalitan ako ni Dad. Wag matigas ulo mo." Sabi ni Andrei.

"Hmpp!! I hate you.." nagtatampong sabi ni Andrea

"oh siya sige na nga pero wag kang lalayo sa akin ahh.." paalala ni Andrei sa kapatid.

Tumango lamang ang batang si Andrea. Lihim namang may tumatanaw sa dalawa kaya humanap muna ng tsempo ang isang tao na ito para makuha si Andrea. At dahil sa kalikutan ng batang babae, napadpad siya sa isang lugar na pinagbabawal na puntahan.

Samantala, nag-aalala at natatakot na hinahanap ni Andrei ang kanyang kapatid hanggang sa..

"oh Andrei nasaan ang kapatid mo?" sabi ni Dad.

"Ah eh kasi ano dad.." hindi makatinging sabi ni Anddrei.

"Nasaan ang kapatid mo?!!" pasigaw na sabi ng kanyang Daddy Clark.

"Na-nawawala po siya dad.. Sorry.."nakayukong sabi ni Andrei

"Sinabihan na kita hindi ba? Hindi ka pa rin nakinig!" galit na bulyaw ni Clark sa kanyang anak na lalaki.

"Sorry Dad.." ang tanging nasabi ni Andrei. 

Pinagpatuloy nila ang paghahanap ngunit sinabi na rin ni Zoey kay Clark ang nangyayari. 

"Upo ka muna.." sabi ni Clark kay Zoey. Sakto naman ay lumabas na rin si Sam dala ang isang baso ng inumin at pagkain. 

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy, nakuha ang anak mo ng isang tao galing sa Black Academy. Pero huwag kayo mag alala, may nakakita sa kanila." huminga muna ng malalim si Zoey. 

"Isang Philip Abrams na anak ng isang healer natin sa clinic ang nakakita. At pinaalagaan ko muna. Baka kasi matunton na naman siya ng kalaban. Sinabihan ko na rin si Philip na mag ensayo silang maigi. Huwag muna ngayon, clark. Hindi pa pwede." sabi ni Zoey na punung puno ng pag aalala sa kaibigan. 

Kinagabihan, sinabi rin ito ni Clark sa asawa niya at sa anak niyang lalaki. Humingi rin siya ng paumanhin sa anak na siya namang naintindihan ng anak. 

******************

POWERFUL ACADEMY BOOK II: THE MISSING PIECE OF LOCKET (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon