deleted scene

5.8K 231 21
                                    

"Huwag mo ngang hawakan 'yung kamay ko, shokoy."

"Hahawak lang eh."

"Ayoko nga. Malamig. 'Di ko ilalabas."

"And let it stay under your blanket? Mas mainit naman 'yung palad ko."

"It's not what's hotter. Nakakatamad maglabas ng kamay. Safe na sya sa ilalim ng blanket ko."

"Sige..."

"Bakit kaya 'di pa tayo natutulog?"

"Ewan ko rin. Siguro mas masaya lang sa kotse ko."

"Dapat 'yung kotseng autobot."

"Autobot?"

"Convertible."

"Akala ko kung ano. Ang dami mong alam."

"Witty kasi."

"Kaya pala korni ka."

"Kaya pala nauutot ka na kapag nagjojoke ako."

"Kailan pa ako nautot?"

"Sinabi ko bang nautot ka? Sabi ko nauutot. Bago pa lang."

"Ang dami mo talagang alam."

"Powerful kasi ako. Ganoin."

"Okay."

"Boring mo naman kausap."

"Ano bang gusto mong pag-usapan?"

"... gusto mong malaman?"

"Oo naman -"

"Panonood mo ng porn."

"..."

"..."

"..."

"Joke lang! 'Di maipinta 'yang mukha mo, alam ko namang private thing 'yon for you!"

"Anong private thing?!"

"Oh, bakit hindi ka maka-hindi?! E 'di nanonood ka nga!"

"HINDI NAMAN AKO UMOO!"

"E hindi ka rin naman humindi!"

"Automatic na bang oo 'yon?!"

"Bakit, pwede bang maybe? Maybe nanonood ako ng porn? Maybe yes, maybe no?! Close-ended 'yung tanong kaya yes or no lang ang sagot! Oh, bakit 'di ka makatingin sakin? Huy! Tumingin ka! Huy. Huy. Huy!"

"Huwag mo ngang tusukin 'yung pisngi ko!"

"Eh ang taba kaya!"

"... wow, nagsalita."

"Yabang neto. Kasalanan mo 'to eh."

"Ako na naman?"

"Oo. Sino kayang walang sawa sa pagpapakain sa akin gabi-gabi kahit hindi naman ako humihiling?"

"Tinatanggap mo naman."

"So would you rather have me hand it back?"

"No. I don't like starving you."

"Starving? Agad-agad?"

"Ang payat mo kasi."

"Hindi lang talaga ako tumataba."

"Kaya ka nga pinapakain at inaalagaan."

"E 'di sana pet ang hinanap mo kung gusto mo ng ganu'n."

"Mukha ka bang pet?"

"Hindi. Pokemon."

"Pokemon? 'Yung palabas dati?"

"Hindi. Ngayon."

In Between TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon