take 40

3.9K 157 25
                                    

A/N: It's my birthday today! Happy 19th to me! hashtagshare

--

Maine woke up, two hours later. Nakatulog kasi sya sa couch, and Alden, being the gentleman he still was, took the opportunity para ayusin ang higa nya. Nagising sya na may unan at kumot, at dahil sa ingay na naririnig nya mula sa kitchen. Tiniklop nya ang kumot (she could only imagine how Alden went through her messy room just to get that) pero iniwan pa rin ito sa couch at dumiretso na sa kitchen.

The scene greeted her generously. Alden in a yellow apron with pans is truly a sight to behold at kung alam lang nyang isusuot ng binata ang apron nya, e 'di sana pink na lang ang binili nya. Sayang.

She immediately raised her phone and took a picture of Alden's back. Another picture para idagdag sa private album nya. Maine silently walked towards the counter, and rested her face on her hands. Sobrang cute kasi ni Alden and this was the scene she'll never get tired of watching.

"Like what you see?" Nilingon na sya ng binata, hawak ang panluto. Base sa nakikita nya (at naamoy), bopis na naman ang niluluto nito. Palagi namang ganoon ang niluluto nito kapag pinupuntahan sya sa bahay. "I-hire mo na kaya akong tagaluto?"

"Tapos bopis lang ang kaya mong iluto?" Bumalik na ulit ito sa niluluto at naiwan syang ngingiti-ngiti habang nakatitig sa likuran nito. "Seems like you're forgetting my degree."

Nakasimangot na inilagay ni Alden sa isang mangkok ang niluluto, at kumuha ng kanin sa rice cooker. "Iyon na nga, eh," naupo ito sa harap nya. "Culinary ka pero hindi mo inaalagaan ang sarili mo at 'yung mga kinakain mo."

Natawa na lang sya pagkastrikto ng binata. Obvious naman kasing iniintay nito ang sasabihin nya sa niluto. "Mmm," she chewed slowly. "Mas masarap 'yung huli mong luto."

He grunted. "Palagi namang ganyan ang sinasabi mo!"

She chuckled, then pinched his cheek. Iyong may dimple. "Joke lang. They all taste the same."

"Pasado na ba sa chef?"

Maine nodded, while smiling. "Pwede na sa karinderya."

"Yabang nito," sabi ni Alden. "Masarap naman sa karinderya, ah?"

"I know!" Maine defended her point. "Kumain na ako once doon!"

"Maine, it was because for a teleserye," he reminded her. "Hindi ka talaga kumain doon dahil gusto mo."

"Fine, fine," she surrendered. "Pero hindi insulto 'yon, ah. I really like karinderya food, that's why I told you na pang-karinderya levels itong luto mo."

"Eh ayoko nga ng karinderya level," hirit pa nitong isa. "Gusto ko iyong pang-asawa levels."

"Isa pang pagpaparinig, babatukan kita dyan," then she grinned at Alden, showing her teeth na may nakasingit na bopis. "Cute ko 'no?"

Napangiti naman ang binata. "Lagi naman."

"Pero alam mo, nagbago na ang mga sagot ko," Alden mentioned. "Remember five years ago? Pero gusto ko pa rin sa simbahan ikasal."

"Ako rin naman, pero gusto ko sa dalawa," sabi ni Maine. "Isa sa simbahan. 'Yung pwede akong magmaganda with the extravagant gown and such. Tsaka para solemn 'yung ceremony. But then again, being the Pisces that I am, gusto ko meron din sa beach. 'Yung loose. 'Yung pwede kong i-enjoy talaga with my family and friends."

"At ako, syempre," singit naman ng binata. "Bakit ganyan ang tingin mo?"

"Talaga bang confident na confident kang ikaw ang papakasalan ko?" Pagtataray nya.

"Oo naman," ginalaw-galaw pa nito ang kilay nya. "Bakit, may iba ka pa bang naiisip?"

"Hindi nga, Alden. Seryoso ka? Ako talaga?"

Parang nahiya naman ang binata. "Oo," bulong nito. "Masama ba?"

"Kahit wala pang- I love yous?"

"Kahit wala pang I love yous."

Doon na napangiti si Maine, at pinisil nito ang parehas na pisngi ni Alden. "Ikaw talaga," she leaned forward and kissed his forehead. "You're so adorable."

Bumalik na sya sa kinakain nya. Mahirap na kapag hindi nya naubos ang inihain nito. "Maiba ako. Tell me about your leading lady. Sya ba ang kasama mo sa Korea?"

Alden nodded. "Zianne Vee-Wright." Pinunasan nito ang gilid ng labi nya. "Such a messy eater. 'Yun, maganda naman si Zianne, matangkad, sexy, magaling kumanta -"

Maine looked bored. "Pinahaba mo pa. 'Di mo na lang sinabi na she's everything I'm not."

"Oo nga," he looked at her fondly. "You're everything she's not, kaya 'wag ka na magselos."

"Hindi ako nagseselos. Nagtatanong lang ako."

"Talaga?"

"Fine! Curious lang ako, okay? Kasi sayo sya agad pinartner. Anong meron sa kanya?"

"Wala syang kahit ano para paltan ang isang Maine Mendoza, kaya huwag ka na mag-alala," he told her. "But if you're still curious, Zianne was twenty-three. She took theater abroad and had workshops there..."

"Paano sya na-discover ng management?"

"May kakilala yata or nag-audition sya? I'm still not sure. Sa shoot pa talaga kami mag-uusap. We didn't really talk during contract signing."

"Anong title ng show nyo?"

"Ikaw Lang Sapat Na," biro ni Alden, na tinaasan lang ng kilay ni Maine. "Oo na, korni. Love Is All That Matters."

"Lagi na lang title ng kanta, nakakasawa na," puna ng dalaga. "Kung ang title nu'ng atin, God Gave Me You, siguro 'di ko tinanggap 'yun or nakipaglaban ako ng ipabago."

"Kailan ka pa naging picky sa mga projects?"

"Joke lang kasi 'yon. Patola ka, eh. Tsaka tanda mo nu'ng one year na nating kinakanta 'yung One Call Away, tapos akala mo Superman 'yung title nu'n? Grabe ka. But I'm thankful at least. Alagaan mo 'yung partner mo, ha? 'Wag kang masungit. Nu'ng una tayong nagkita sa My Bebe Love, hindi mo ako pinapansin."

"Syempre nahihiya ako!"

"Sino bang may karapatan na mas mahiya? Ako 'yung hindi artista that time, 'di ba?"

"Sineryoso mo talaga 'yung hindi natin pagiging close?" Tumango naman si Maine. "Sorry na."

"Okay lang. Basta, ha?"

"Opo, Madam. MagdDM ako palagi. Magte-text. Magse-send ng picture."

"Sapak ka sa 'kin 'pag picture nyo nu'ng Zianna 'yon."

"Zianne po. Selosa."

"Utut."

Natawa na lang silang dalawa. Ipinagpatuloy ni Maine ang pagkain, and they spent the rest of the day talking about random things. Alden went home late, got into his flight, proceeded with his shoot, but two weeks passed without a word from him.

She could only laugh at how empty his promises can get.

In Between TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon