A/N: Ako po ay nagpapasalamat dahil kahit na matagal na akong hindi nakakapag UD ay naghihintay parin po kayo sa mga updates ko. Salamat po at pasensya na..Ps: I have decided to change the title from My Lover Lives in the Anime World to Heaven's Lacrima (medyo nahahabaan kasi ako sa dating titulo eh!) and the way of my writing kase may nabasa akong 'tips' na sobrang tutol sa paraan ko ng pagsulat (that the way I write is a 'BIG NO NO' and a 'must not be used') dahil sa masagwang pakinggan, masakit sa matang basahin at nakakasira "daw" iyon sa istorya.
Anyway, wag kayong magalala because the plot and the story will be still..
So long, 'till next time, seeya to my next UD.
PPS: Don't forget to like and share.. thank you so much, have a nice day.
Oh and enjoy reading.. (๑^ں^๑)-°-°-°-°-°-°-°-°-°- °-°-°-°-
Broken heart
Wala paring tigil sa pag iyak si Sharie sa loob ng kanyang kwarto, she felt so broken dahil sa nangyari sa pinakamamahal nyang libro. Habang nag bibihis ay di parin nya mapigilan ang pag luha, kailangan nya ng makakausap para mailabas nya ang lahat ng kanyang inis at sama ng loob kaya naman matapos nyang mabihis ay hinanap nya kaagad ang cellphone nya at may kinontak na kung sino. "Bheng!, Im dying." Bungad nya sa kabilang linya ng sagutin ito ng kausap.
"Oh! Bakit? Anong nangyari?" Walang interes na sagot ng kausap nya mula sa kabilang linya.
"Si Justine kasi eh." Wika nya habang tuloy parin sa pag iyak.
"Ano nanamang kalokohan ang ginawa ng kapatid mo?" Lalo syang pumalahaw ng iyak sa tanong nito dahil naalala nya ang lahat. "Oo nga pala birthday nya ngayon diba, iparating mo nalang ang pagbati ko." Pagpapatuloy nito.
"Bheng, they tore my heart at hindi lang yun sinunog pa nila and now I'm dying on the inside, at hindi lang yun I lost my fate today, at ang tanging hiling ko nalang ngayon ay lamunin ng lupa at maglaho sa mundo dahil hindi ko na alam kung saan ko itatago ang mukha ko sa sobrang kahihiyan." Mahaba nyang litanya habang patuloy parin sa pag iyak.
"O sige na, pupunta na ako jan para hindi ka na o-OP sa party ng kapatid mo, pag dating ko jan tsaka natin pagusapan kung paano natin ibuburol yang patay mong puso at kung paano natin ililibing yang kahihiyan bumabalot sayo, ang lakas eh! Umaabot dito. Oh sha, sige na, hintayin mo nalang ako jan sa inyo." Tsaka pinutol ng kausap nya sa kabilang linya ang paguusap nila.
Ilang minuto rin nyang tinititigan ang telepono nang makarinig ng katok sa pinto.
"Ate, galit ka ba?" Si Justine iyon.
"Just leave me alone, hindi na ako lalabas para hindi na masira ang gabi mo." Sigaw nya sa nasalabas ng pinto.
"Sorry na ate, lumabas ka na dito." Paghingi nito ng tawad. "Lets just enjoy the party." Pag alo pa nito.
"I said, just leave me alone, I won't go outside anymore."
"Wag ka namang ganyan ate, wala na akong mapagti-trip-an nyan eh." Tsaka ito humagalpak ng tawa.
"Ganyan ka naman eh, kilala mo lang ako pag pagti-trip-an mo ako, parang hindi kumpleto ang araw mo pag hindi mo ako napag tripan."
"Ano ka ba? Syempre joke lang yun, ikaw pa, huy ate, patawarin mo na ko." Pagmamakaawa ni Justine sa labas ng pinto.
"Just go away and leave me alone." Pagpapaalis nya dito. "Pasalamat ka't birthday mo ngayon." Dagdag pa nya
"Ate, nandyan na si Yukiro Saizo, ilabas mo na si Narla Mitsumi." Ang tinutukoy nito ay ang kaibigan nito na gumaya sa main male character ng paborito nyang libro, ang character na kinababaliwan nya at sobrang mahal na mahal nya.
"Wala akong pakialam sa cosplayer na yan, all I wanted was my book back, hindi naman ako magkakaganito kung hindi mo ipinasunog kay mommy yung libro ko."
"Nagkakaganyan ka because of that stupid book, nagmumukmok ka dahil lang sa sira sirang libro."
"For your information, hindi yun magkakaganun kung hindi dahil sayo at hindi yun basta basta libro lang, yun ang aking kayamanan."
"Ang OA mo."
"Napaka rare kaya ng librong yun."
"Inaalo ka na nga ang arte mo pa, nagpapakumbaba na nga ikaw pa tong galit, humihingi na nga ng tawad, ayaw pa."
"If you want my forgiveness, then go find a copy of that book, baka sakaling patawarin pa kita."
"Ewan ko sayo, ang arte mo, humihingi na nga ng sorry eh."
"Sayo na yang sorry mo, bibili nalang ako ng pasensia ko."
"bahala ka na sa buhay mo, jan ka na nga." Naiinis na wika nito. Nakarinig sya ng mabibigat na yabag na papalayo.
"Talaga, mag enjoy ka sana." Sigaw nya sa kapatid na alam nyang umalis na. Lumapit sya at tumayo sa gilid ng bintana tsaka pinagmasdan ang kasiyahan sa hardin na tanaw mula sa kanyang kwarto, nakita nya ang paglabas ng kapatid at dala dala nanaman nito ang video cam nya. "Hah, kung pinag buksan ko sya kanina, malamang na pagtripan nanaman ako nun." Nag-iinit nyang sabi. "Life's so unfair, why do I need to be miserable while he look so happy and enjoying his party." Bulong nya sa sarili. Nakasimangot syang napasandal sa gilid ng bintana at patuloy na pinanuod ang kasiyahan sa labas, ilang minuto ring napako ang paningin nya sa kapatid ng muling makarinig ng mga katok sa pinto. "Ano ba Justine, wag ka nang mangulit, sinabi ko na kung makakakita ka ng ganung klaseng libro, baka sakaling patawarin pa kita." Wala sa loob nyang sabi habang nakatitig parin sa kapatid na nagkakasiya sa hardin.
"I thought kailangan mo ng kausap? Well you know, pwede naman akong umalis kung ayaw mo ng istorbo sa pagluluksa mo?" Wika ng nasa labas ng pinto.
Natauhan lamang sya ng marinig ang boses ng kaibigan. "Alexsa." Nagmamadali nyang tinungo ang pintuan upang pag buksan ito. "Bheng." Niyakap nya Ito ng mahigpit at tsaka pinapasok sa loob ng kanyang kwarto.
"Bakit ang dilim dito?" Tanong ni Alexsa pagpasok nito.
"Kase nag mo-moment ako."
"Tsk, lighten up your mood okay!."
"Waaaagg." Sigaw ni Sharie ng akmang bubiksan nito ang ilaw.
"Bakit, panira ba ako sa pagmo-moment mo?"
"Hindi, hindi ko kasi kayang makita ang kinahantungan nyan." May tinuro syang kung ano dito habang nakatakip sa mga mata ang isang kamay nya. "At saka sigurado akong ililibing mo ako ng buhay kasama nyan." Dagdag pa nya.
Hindi naman makita ni Alexsa kung anong bagay ang itinuturo ng kaibigan dahil sa kadilimang bumabalot sa kabuoan ng kwarto kaya binuksan nito ang ilaw para makita ito ng malinaw. Tumambad sa harapan nito ang unang bagay na iniregalo nito sa kanya mula ng maging magkaibigan sila. Nanlalaki ang mga matang inabot ni Alexsa ang punit na librong nakapatong sa ibabaw ng kanyang kama.
"Anong nangyari dito?" Nagatatakhang tanong ng kaibigan tsaka iniangat ang libro sa tapat ng kanyang mukha.
Napa ngawa nanaman sya ng makita ang libro. "Waaahaaahhaah! I told you they stole my heart and tore apart, tapos yung kalahati, sinunog pa nila. Wika nya habang umiiyak. "Bheng, please help me find a copy." Pagmamakawa nya sa kaibigan, frustrated talaga syang makahanap ng kopya.
"Nagbibiru ka ba? Alam mo namang sold out na yan sa marker diba? Imposble yang sinasabi mo."
"Pero, pero-."
"-o sha sige na, babalitaan nalang kita kapag nakakahanap ako, wag ka nang umiyak."
BINABASA MO ANG
Heaven's Lacrima
FantasySharie Jean Kai, a teen age girl who is head over heels in love with an anime character named Yukiro Saizo, do her love has chance? for he's just an anime character, but what if Yukiro comes to life? will he choose Sharie and love her back? or will...