IX • One Special Book •

44 4 0
                                    

One Special Book


TSK PSHHHH..

Bumukas ang pinto ng caja de yero, ibinalik ni Cxandra ang susi sa kanya tsaka nito kinuha ang laman ng caja. Isang gintong libro iyon na may mga mamahaling bato bilang palamuti.

"Hindi ko akalaing makikita kong muli ang bagay na to." Tuwang tuwa ito habang hawak sa dalawang kamay ang gintong libro. "Ate wants you to have this." Baling nito sa kanya.

"This is too much." Makatulalang wika nya.
"Bheng nananaginip ba ako? Paki kurot nga ako." Baling nya kay Alexsa na tulala ring gaya nya habang nakanganga.

"What a co incidence, Bheng, pareho tayo ng panaginip." Wala sa sariling sagot nito.

"Ano ba kayo." Natatawang wika ni Cxandra. "Hindi kayo nananaginip." Maingat na inilapag nito sa lamesang nasa harapan ng portrait ang hawak na libro tsaka lumapit sa kanila at hinawakan ang tig isa nilang kamay. "This all is really happening kaya maniwala kayo." Binitawan nito ang kamay ni Alexsa tsaka mahigpit na hinawakan nito ang kamay nya. "Maniwala ka hindi ito panaginip."

"Sigurado ka bang para sakin talaga ang bagay na iyan?" Di maka paniwala nyang tanong. "That thing worth millions."

"Oo tama ka Milyon Milyon nga ang halaga ng librong iyan." Binitiwan nito ang kamay nya tsaka bumaling sa isang kamay nyang may hawak ng metal book marker na may palawit na susi. "And the mere fact na nasayo ang susing yan, di pa ba sapat na dahilan para maniwala ka? Wag kang mag alala, deklarado yan sa last will ni ate." Muling ngumiti ito habang kinukuha ang libro.

"Pero bakit sakin, bakit hindi sayo?"

"Hindi gagawa si ate ng mga bagay na walang dahilan. at kung ano man ang dahilan nya, masaya parin ako, because the memories we cherish together and the gift she gave me worth way more than this expensive materials, naalala ko pa nung panahong natapos nya ung una nyang akda, tuwang tuwa sya, sa sobrang tuwa nya hindi muna nya yun ipina publish, natatandaan ko pa nga yung mga sinabi nya, 'Gusto ko yung unang kopya nito sakin mapunta.' Malinaw pa sa isip ko ang mga katagang iyon, parang kahapon lang nangyari." Nanunubig nanaman ang mga mata nito habang nag kukwento. Lumakad ito at naupo sa mahabang upuan, sumunod naman sila dito at naupo rin sa tabi nito. "Ang galing nga ng pagkakagawa sa librong to eh!." Ibinigay nito ang libro sa kanya, inabot naman nya ito tsaka hinipo ang pirmang naka emboss sa isang maliit na metal plaque na napapalibutan ng mga maliliit na batong mahahalaga. "Custom made at sya mismo ang nag design, it was inspired by a teasure chest, kasi, sabi nya, that story, yan ang kanyang kayamanan, it's every pages edge was made out of gold and metal, ipinagawa nya pa talaga sa magaling na lock smith iyan pati yung vault, sya rin ang nag request na maging ganyan ang susi." Pinahid nito ang mga luhang umagos sa mga pisngi. "Pero hindi ko inasahang matagal na nyang naibigay sayo yang susi."

"Hindi ko inakalang susi talaga ang bagay na ito, all this time inakala kong book marker ang metal na ito, sya pala talaga ang susi at hindi ang palamuti nya."

"Hindi, mali ka." Natatawang wika nito. "Susi talaga yan, susi yan sa libro." Tsaka ipinakita sa kanya kung papaano iyon buksan. Ipinasok nya ang ilalim na parte ng metal na book marker, hanggang kalahati nito tsaka ipinasok sa gilid ng libro ang susing palawit at inikot pakanan.

Klik..

Pumitik ang lock nito at bahagyang umangat ang cover nito. Tsaka muling tinanggal nito ang mga susi sa mga butas at iniabot sa kanya. "Yan." Wika pa nito habang iniaabot iyon sa kanya.

"Wow! Ang galing." Amaze na wika ni Alexsa.

Sya naman ay manghang manghang binuksan ang libro. "Ito yung-." Bulalas nya ng makita ang titulo ng hawak na libro. "Thank you po!" Wika nya habang naka tingala. Muling ibinalik ni Sharie ang tingin sa aklat at hinipo ang naka emboss na titulo nito. "My Bright Knight." Basa nya rito sa kanyang isip.
Maingat na binuklat nya ang maninipis ngunit matitigas na pahina nito dahil sa gold metal lining nito. "Ang galing! Itong ito nga iyon."

"Iyan kasi ang unang unang akda nya kaya mahalagang mahalaga sa kanya yan, jan nag umpisa ang lahat, yan ang naging katuparan ng mga pangarap nya."

"Salamat, salamat ng marami di ko inakalang makakatanggap ako ng ganitong mga bagay, hindi dahil sa kamahalan ng pagkakagawa nito kundi dahil sa mayaman at saganang memorya na nakapaloob sa aklat na ito."

"Tama nga si Ate." Hinawakan nito ang mga kamay nya na nakapatong sa aklat habang hawak ang mga susi sa isang kamay. "Hindi nga sya nagkamali sa iyo, hindi mahalaga sayo ang materyal na bagay, masaya akong makatagpo ng mga taong tulad nyo." Wika ni Cxandra habang nakatingin sa kanila ni Alexsa.

Humawak naman si Alexsa na magkabila nyang balikat tsaka ipinatong ang sarili nitong ulo sa kanang balikat nya. Isinandal nya ang ulo nya sa ulo nito tsaka ngumiti. "Thanks Bheng, kung hindi dahil sayo wala ako rito."

"Mali ka, kung hindi dahil nasira ang libro mo, wala tayo ngayon dito."

"It's a special gift, because you're the one hundredth holder of the book with my sign. Take good care of that and someday, maybe, that could be the key to your dreams, maybe someday, you'll finally get to know what destiny may bring." Naalala nyang muli and mga katagang sinabi sa kanya ni Clarrize A.K.A Feign Fantasy. "Tadhana!" Maikling wika nya tsaka napangiti. Ibinalik nya ang tingin sa aklat tsaka muling binuklat iyon. "Teka, bakit ganito to?" Usal nya nang may mapansing kakaiba.

"Bakit? Anong kakaiba? Nagtatakhang tanong ni Czandra.

"Yung huling pahina, bakit ganito may blangkong pahina bago yung The End?" Wika nya tsaka ipinakita ang napansin sa Dalawa.

"Oo nga noh, ngayon ko lang din yan napansin." Tsaka kinuha ang aklat sa kanya. "Bakit nga kaya ganito to?" Sinilip nito ang aklat at itinutok pa sa liwanag.

"Teka anu yun?" Muli nyang tanong dito ng may mapansing muli sa libro.

"Ang alin?" Nagtatakhang tanong ni Cxandra habang ininspeksyoon ang aklat.

"Oo nga, ano yung liwanag na yun?" Pukaw ni Alexsa ng makita rin ang kakaibang liwanag na nagmumula sa aklat.

"Ah, Oo nga pala." Inayos nitong muli ang pagkakapatong ng libro sa kandungan nito. "Pahiram nga ulit ako ng susi." Wika nito habang binubuklat sa huling pahina ang alkat. Huminto ito sa makapal na hulihang pabalat ng libro kung saan nanggagaling ang liwanag.
Iniabot nya rito ang susi na hawak nya. Kinuha naman ito ni Cxandra at inikot ang gintong puso sa dulo ng susi tsaka hinila ang kulay pulang bato sa gitna nito. Laking gulat nya ng makita ang isa pang susi galing sa loob ng susi, may mas makipot itong katawan na natago sa glass body nitong pinuno ng maliliit na brilyante. Ipinasok ni Cxandra ang susi sa makipot na butas tsaka muling inikot. Bumukas ang isa pang sikretong sisidlan na pinag mumulan ng kakaibang liwanag. Muli, iniabot ni Cxandra ang aklat sa kanya, Hindi na nya mapigilan ang sarili na makita ang laman sikretong sisidlan, kung ano ang pinagmumulan ng misteryosong liwanag, pagkakuha nya ng libro mula sa mga kamay nito ay kaagad yang binuksan ang bahagyang nakaangat na takip nito.

"Yan ang-." Bulalas ni Alexsa ng makita ang laman ng sikretong taguan.

Heaven's LacrimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon