Burn it babe
"Hoy! Justine, Anong nginingisi ngisi mo dyan?" Wika ni Aileen ng makita ang anak na tuwang tuwa sa kung ano ma'ng pinanonood sa video cam nito. "Bakit ganyan hitsura mo?.. Mukha kang aso."
"Mommy, cosplay ang tawag dito." Natatawang sagot ni Justine sa ina.
"Nasaan ate Sharie mo?"
"Si ate Sharie ma? Eto!" Pagsagot ni Justine na hindi mapigilan ang kakatawa habang ipinapakita sa ina ang pinapanuod na video.
Nakita ni Aileen mula sa video ang pag akyat ni Sharie sa hagdan at dumire-diretso sa kwarto tsaka may kinuhang kung anong kakaibang damit sa tokador, inakap ito at nagpagulong gulong sa kama, napa-palahaw sa katawa si Aileen dahil sa kalokohan ng mga anak.
"Mommy, meron pa yan, tignan mo lang si ate." Pukaw ni Justine sa tuwang tuwang ina. Pinanuod naman ni Aileen ang natitirang bahagi ng video, hindi nya mapigilan ang tawa ng makita ang ekspresyon ng mukha ng anak matapos paliparin ang libro. Hindi nya maipaliwanag ang itsura nito.
"Anu yan, bakit ganyan hitsura ng ate mo?" Natatawang tanong ni Aileen sa anak.
"Nagalit po sya kasi pumasok nanaman ako sa kwarto nya, alam mo naman po na ayaw na ayaw nyang naaalikabukan mga laruan at mga libro nya eh."
"Oo nga pala, hingin mo na nga yung hinihingi kong libro sa kanya, yung para susunugin."
"Hala ma, ayoko."
"Ano kamo, pauwiin ko na mga bisita mo?"
"Mommy, siguradong bubugbugin ako ni ate pag nakita nya ako dun, pagkatapos ko syang pag tripan."
"Aba, problema mo na yun! Basta yung utos ko sundin mo, Ako madali lang naman akong kausap eh!"
Walang nagawa si Justine kundi sundin ang ina, pero hindi ibigsabihin nun ay mag papakita na sya sa ate nyang si Sharie, kaya pumuslit sya papasok ng kwarto nito, wala syang nabungarang tao, malamang ay naliligo ito, pero wala na syang balak na alamin pa iyon. Mabilisan nyang kinuha ang sira-sirang libro na nakapatong sa bedside table tsaka kumaripas ng takbo palabas ng kwarto, dumiretso sya pababa at lumabas papunta sa garden inilapag nya ang libro sa tabi ng ihawan, dumadami na rin ang mga bisita nya kaya iniwan na nya doon ang libro. ...
...Katatapos lang ni Sharie na maligo, naisip kasi nyang i-enjoy nalang ang gabi kesa magmukmok dahil sa kalokohang ginawa ng kapatid, nag tapi sya ng tuwalya tsaka lumabas mula sa banyo, humarap sya sa salamin na nakapatong sa lamesang katabi ng study table nya, hinila nya ang upuan sa tapat ng study table at inilagay sa likuran nya tsaka naupo sa harapaan ng salamin. Inumpisahan na nyang suklayin ang buhok at inayos iyon ngunit nakakalahati pa lamang nyang naaayusan ang buhok nya ay naubusan na sya ng hairpin kaya kinailangan nyang tumayo upang kunin ang extra na itinago nya sa drawer sa lamesita sa gilid ng kama, ngunit bago pa nya mabuksan ang drawer ay napansin nyang wala na duon ang librong ipinangbato nya sa kapatid na ipinatong nya duon bago sya maligo, kaya naman dalidali syang lumabas ng kwarto at bumaba. ...
... Nilabas na nila Aileen at manang Lilya ang mga pagkaing niluto, tsaka ang tinuhog na barbeque na isasalang sa ihawan sa garden, inihilera na nila ang mga pagkain sa mahabang mesa na nakahanda talaga para paglagyan ng mga iyon, kasama ng mga plato at kubiyertos. Inihiwalay nila ang minarinade na karne dahil kanya kanyang luto ang mga may gusto. Sinipat ni Aileen ang anak na si Justine, hawak hawak nanaman nito ang video cam nito at bising-busy sa pagkuha ng video sa mga bisita.
"Justine!" Pag tawag ni Aileen sa anak. Lumingon naman ito sa kanya tanda na narinig siya nito sa kabila ng malakas na tunog ng musikang may kakaibang liriko, hindi ito tagalog kundi pinaghalong ingles at hapon, hindi ito nagabalang lumapit at hawak parin nito ang camera na nakatutok sa kung sino, ngunit wari'y nagtatanong ang mga tingin nito.
"Nasaan na?" Pabulong na tanong ni Aileen dito habang iminimuwestra ang kamay, agad namang naintindihan ni Justine ang sinasabi ng Ina, itinuro nya rito kung saan nya inilagay ang librong kinuha nya sa kwarto ni Sharie, agad din namang nakita ni Aileen ang hinahanap, inumpisahan nya nang pilas pilasin ang bawat pahina nito tsaka sinilaban iyon, pinaparingasan na nya ang ihawan para makapag ihaw na ang mga may gustong mag ihaw. ...
... "Waaaaaaaaaaaaaaagg..." Sigaw ni Sharie na papalabas sa garden. Hindi sya narinig ng ina na sige parin sa pagsunog sa mga pahina ng libro dahil sa malakas na tugtog.
"LUCY! NASAAN SI NATSU?" Sigaw ni Jerome, (Isa sa mga kaibigan ni Justine) na pumukaw sa atensyon ng lahat at napatingin dito, si Justine naman at itinutok sa kanya ang hawak hawak na video cam tsaka nagtapon ng tingin sa kung saan sya nakatingin.
Napalingon naman si Aileen dahil sa katahimikan sa kabila ng mga malakas na tugtog. Tumambad sa kanyang harapan ang anak na naka tapis lang ng tuwalya, habang nakataas ang kamay at naka tingin sa kanya na para bang may inaabot mula sa kanya o para bang may pinipigilan sa reaksyon ng mukha nito.
"Ano yan, Sharie? bakit naka tapi ka lang Costume ba yan?" Naguguluhang tanong ni Aileen sa papalapit na anak.
Ngunit hindi pinag abalahang sagutan ni Sharie ang tanong ng ina sa halip ay kinuha nya ang hawak nitong libro na pinag pipilasan nito kanina. "Mommy, bakit nyo po ito sinusunog, hindi naman po to yung hiniwalay ko para sunugin eh." Mangiyak ngiyak nyang sabi.
"Eh hindi ko alam, sabi ko kay Justine, kunin nya syo yung hinihingi kong para sa susunugin, hindi ko naman alam na hindi ito yung inihiwalay mo." Pagpapaliwanag ng kanyang ina.
Pagkarinig nito ay hinagilap ng paningin nya ang kanyang kapatid, at madali naman nyang natagpuan ito, may hawak nanaman itong video cam at nakatutok nanaman sa kanya. "Ikaw, inuyasha!" Sigaw nya sa kapatid, akmang dadaluhungin na nya ito ng magsalita ito na dahilan ng pagtigil nya sa pagsugod.
"Ate, akala ko ba si Narla ang gagayahin mo bakit naging si Lucy?" Walang ekspresyong tanong ni Justine sa kanya.
"Anong Lucy?" Naguguluhan nyang tanong sa kapatid tsaka dahan dahang tinapunan ng tingin ang sarili, duon laman nya napagtantong naka tapis lamang sya ng tuwalya, laking pasalamat lang nya at mahigpit ang pagkakakabit nya duon at hindi humulagpos habang tumatakbo sya. Nag angat sya ng tingin at nakita nyang makatutok parin sa kanya ang digicam ng kapatid, tsaka nya inikot ang tingin sa paligid lahat ng mga bisita ay naka tingin sa kanya, unti unti nyang naramdaman ang pagiinit ng mga pisngi habang unti unting humihigpit ang pagkakahawak nya sa punit na libro. Kahit nilalamon ng kahihiyan ang buo nyang pagkatao ay nakaisip parin sya ng palusot. "Y-yung mga susi ko nga pala naiwan sa kwarto." Wika nya tsaka mabilis na bumalik papasok sa bahay dala ang punit na libro, naka masid lang ang lahat sa kanya. Pagpasok nya ay tumakbo sya patungo sa kwarto nya, at nang maisara na nya ang pinto at mai-lock iyon ay hindi nya napigilan at napa palahaw na sya ng iyak parang ayaw na nyang lumabas mula sa kwartong iyon kahit kailan dahil sa sobrang kahihiyang inabot nya ng gabing iyon.
BINABASA MO ANG
Heaven's Lacrima
FantasySharie Jean Kai, a teen age girl who is head over heels in love with an anime character named Yukiro Saizo, do her love has chance? for he's just an anime character, but what if Yukiro comes to life? will he choose Sharie and love her back? or will...