XI • The Wish I Made •

57 4 0
                                    

The Wish I Made


Alas onse cinso na ng gabi, nasa loob na si Sharie ng kwartong ipinahanda ni Cxandra para sa kanya. Nang gabing iyon, hindi sya makatulog dahil sa matatalim na kidlat at malalakas na kulog na kasabay ng sumisipol na hangin sa kalakasan ng luhang rq, nakabaluktot sya habang naka talukbong na nakahiga sa malambot na kutson ng king size bed. Napapaigtad sya sa tuwing papasok sa madilim na kwartong iyon ang liwanag na nanggagaling sa matatalim na kidlat na pumapailanglang sa kulay dugong kalangitan, dahil alam nyang kasunod nuon ang mga nakabibinging mga kulog. Mariin syang nakapikit habang pilit na tinatakpan ng dalawang kamay ang kanyang mga tainga upang mabawasan ang panginginig ng kanyang buong katawan dahil sa sobrang takot na nararamdaman nya, pero hindi parin nya maiwasang huwag dumilat sa tuwing natatapos ang malakas na ingay, ngunit sa tuwing dumidilat sya ay lalo lang nadadagdagan ang takot na nararamdaman nya dahil naaalala nya ang araw na iniwan sila ng kanyang ama. Hinawakan nya ang pendant ng suot na kwintas habang mariin paring nakahawak sa tainga ang isang kamay nito at pilit na iniipit sa unang hinihigaan ang isa pa nyang tainga. "I wish you were here." Napabulong sya habang umiiyak. Naalala nya ang kantang laging kinakanta para sa kanya ng kanyang ama, kahit na umiiyak at binabalot ng takot ay pilit nyang binigkas ang mga liriko ng kanta.

"When you wish upon a star
Makes no difference who you are
Anything your heart desire
Will come to you." Dahan dahang winika nya kasabay ng mga hibik.

"If your heart is in your dreams
No request is to extreme
When you wish upon a star
As dreamers do." Pagpapatuloy nya na pinipilit pakalmahin ang sarili.

"Fate is kind
She brings to those who love
A sweet fulfillment of their secret longing
Like a boat out of the blue
Fate steps in and see you through" inulit ulit nya ang kantang iyon hanggang sa gumaan ang kanyang pakiramdam tsaka lamang sya dinapuan ng antok.

-----------------------

Kagayako hoshi n' kokoro no yume wo
Inoreba itsuka kanau de shou
Kira kira hoshi wa fushigi na chikara
Anata no yume wo mitasu de shou♪♪

Biglang nag ingay ang telepono ni Alexsa sa kalagitnaan ng masarap nyang pagtulog sa malamig na gabing iyon. Inabot nya ang cellphone nya pero hindi na sya nagabala pang dumilat.

"Hito wa dare mo hitori
Kanashii yoru wo sugoshiteru
Hoshi ni inobera sabishii hibi wo
Hikari terashite kureru deshou."♪♪

Nagpatuloy sa pagtunog ang cellphone nya kaya wala na syang nagawa kundi dumilat, kahit masakit ang mga mata at nanlalabo ay pinilit nya sipatin kung sino ang tumatawag. Pinindot nya iyon upang sagutin ang tawag.

"Anong nanaman ba'ng trip mo Justine?!" Bungad nya sa kausap. "Alam mo ba kung anong oras na? Twelve thirty three na kaya ng madaling araw." Dagdag pa nya habang naka tingin sa suot na wrisk watch.

"Pasensya ka na Ate Alexsa." Napabalikwas sya sa narinig.

"Tama ba ang narinig ko? Marunong ka pala nyan?" Narinig pa nya ang mahinang pag tawa nito. "Bakit ka nga ba tumawag?" Muling tanong nya rito.

"Nag aalala lang kasi ako kay ate." Malungkot ang tonong wika nito.

"Weh! Wala ka lang mapag tripan kaya mo ako tinawagan eh." Umayos sya ng pagkakaupo.

Heaven's LacrimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon