Meeting the Author
Nag mulat si Sharie dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana, nanlalabo pa ang paningin nya dahil sa pagkasilaw, nakatulala syang naka tingin sa wallclock na nakasabit sa dingding na para bang lumulusot lang ang paningin nya dito. Ilang kurap ng mata rin ang ginawa nya tsaka lamang nya naalala ang pinagusapang lakad nila ni Alexsa.
Unti unting nanlaki ang mga mata nya ng makitang twelve twenty three na sa orasang nakasabit. Nagkukumahog syang mag ayos ng sarili, nagmamadali syang pumasok sa banyo ngunit hindi nya mabuksan ang pinto nito dahil nakalock iyon mula sa loob, kaya wala na syang nagawa kundi magbihis nalang. Kinuha nya ang suklay na nakapatong sa lamesa nang makita ang sariling repleksyon sa salamin.
"JUUUUUSTIIIIIIIIINE!" Sigaw nya habang nagpupuyos sa sobrang galit."HUWAG KANG MAGPAPAKITA SAKIN." Kinuha nya ang alcohol at naglagay sa bulak, tsaka pinahid sa mukha at gigil na gigil na kinuskos ang mga sulat dito. Napag tripan nanaman sya nito, ginawa nitong canvas ang mukha nya at pinag sulatan ng marker na may iba't ibang kulay. "DON'T YOU DARE ENTER MY ROOM EVER AGAIN." Gigil na gigil nyang sigaw sa kapatid.
Lumabas sya sa kanyang silid matapos nyang alisin ang mga sulat sa mukha at tinungo ang kwarto ni Justine, kinatok nya ang pinto na para bang gigibain na nya ito, hindi na sya makapagpigil sa sobrang inis sa kapatid.
Napatigil sya sa kalagitnaan ng pag giba nya sa pinto ng kwarto nito nang dahan dahang bumukas ang pinto ng kanyang silid at iluwa nito ang kapatid nagtago lang pala ito sa banyo sa kanyang kwarto kaya hindi nya iyon mabuksan kanina, kumaripas ito ng takbo nang makita nitong naka tingin sya dito. Pagkakita sa kapatid ay agad nya itong hinabol, nag habulan sila pababa sa paikot na hagdan at sa wakas ay inabutan nya rin ito papasok sa sala. Inundayan nya ito ng sunud sunod na suntok sa braso nito tsaka pinagpipingot ang mga tainga nito."Aray ko, ate! aray, aray ate tamana, aray masakit." Wika ni Justine habang todo sa pag ilag at pag pupumiglas upang maiwasan ang ginagawa nyang pag ganti dito.
"Anong ingay ba yan? Ang aga aga nag kakagulo nanaman kayo, pwede bang bawas bawasan nyo yang pag aaway nyo, nai-stress na ako sa inyo." Natigilan si Sharie sa ginagawang pangbubugbog sa kapatid ng marinig ang kayang ina.
"Maaga?" Naisaloob nya tsaka lumingon sa ina, nakita pa nya itong pupungas pungas habang nag hihikab at sabukot pa ang buhok, halatang kagagaling lang nito sa pagkakahiga. Binalikan nya ng tingin ang kapatid tsaka pinitsarahan. "A-nong-gi-nawa-mo-sa-wall-clock-ko...?" Dahan dahan nyang tanong habang nandidilat sa sobrang pagkagigil.
"In-ajust ko lang naman ng kaunti eh, mga six hours." Maloko itong ngumiti, ini angat nito ang braso tsaka ipinakita sa kanya ang wrisk watch na suot nito. "See." Dagdag pa nito.
"Kaunti, that's a fourth of the day." Pinagsusuntok nya itong muli sa braso.
"Aw! Aray! Aw! aw! Tama na nga aw!" Sunod sunod na reklamo nito habang sinasalo lahat ng mga suntok na pinakawalan nya.
"Last blow!" Wika nya kasabay ng isang malakas na sipa ang pinakawalan nya. Tumama iyon sa ilalim ng tuhod ni Justine
"Aaaahahawww!" Nagtatatalon sa sakit ang kapatid habang nakahawak sa tinamaang parte ng katawan. Sya nama'y nagmadaling tumakbo sa kanyang kwarto.
"Ayan kasalanan mo yan, ang aga aga kasi nagti trip ka nanaman, may kasabihan ngang mag biru na sa lasing wag lang sa bagong gising, ano ngayun ang napala mo? Nagising ka ano?" Wika ni Aileen sa anak nang masaksihan ang bugbugang naganap. Hindi nya rin naman masisi si Sharie dahil lagi nalang itong niloloko ni Justine.
"Gumanti lang naman po ako kasi hindi ako nakatulog, ang ingay ingay nya sa kwarto nya, kung anu anong nagbabagsakan, kalabog ng kalabog, ang sakit nga ng ulo ko, tapos pag pasok ko sa kwarto nya, ang sarap ng tulog nya."
"Hay naku, ewan ko sa inyong dalawa." Wika ni Aileen tsaka tinalikuran ang anak.
"Pasalamat sya't puno na ang memory ng video cam ko at hindi pa ako nakakapag upload, kundi ..." Naisaloob ni Justine habang naka ngisi.
------
Kinuha agad ni Sharie ang cellphone nya pagpasok nya sa kwaro nya, upang ipaalam sa kaibigan na mahuhuli sya sa pag dating sa pinagusapan nilang oras. Six forty seven na kasi nang umaga. "Bheng, male late ako ng konti, hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi kaya medyo late na akong nagising." Matapos nyang isend ang mensahe sa kaibigan ay naalala nyang muli ang ginawa ng kapatid sa kanya. Ngunit ang ipinagtatakha nya ay kung bakit hindi nito dala ngayon ang video camera nito na hindi nawawala sa tuwing pinag titripan sya nito.
Ngunit wala na syang panahon pa para isipin pa ang bagay na iyon. Naligo na sya dahil sa wakas ay bukas na ang pinto ng banyo.-•-•-
"Wrong timing yata tayo, Bheng?" Baling ni Sharie kay Alexsa na katabi nyang nakatayo sa tapat ng isang malaking Gate.
"Pero nandito na tayo, Bheng."
"So, what now?" Nagdadalawang isip nyang sabi.
"I don't know?"
Humigop sya ng hangin tsaka pinindot ang maliit na buton sa gilid ng gate na may telang itim na nakasabit.
"Sino sila?" Isang malamyos na boses ang narinig nila na nag mula sa isang speaker na nakalagay sa bandang itaas ng buton.
"Ah, ako po yung tumawag kahapon, naandyan po ba si Ms Feign Fantasy?" Si Alexsa ang sumagot.
"Tuloy kayo." Muling wika ng boses na nagmula sa maliit na speaker. Matapos nila itong marinig ay otomatikong bumukas ang malaking gate sa harapan ng kanilang kinatatayuan. Pagpasok nila ay may tatlong lalaking nakaitim ang humarap sa kanila at isa sa mga ito ang nag giya sa kanila papasok sa malaking lupain. Medyo malayo sa gate and kinaroroonan ng mansyon kaya kinailangan pa nilang sumakay sa isang minicar. Makulay ang pailgid, iba't ibang mga bulaklak ang nakatanim sa gilid ng kongkretong daan at berdeng berdeng Bermuda grass ang nakalatag sa malawak na parang. Pagdating nila sa harapan ng mansyon ay may tatlong babae na nakasuot ng unipormeng pang katulong naman ang sumalubong sa kanila kasama ang isang napakaganda at napaka eleganteng babae, may suot itong itim na ribbon sa kamay nito."Hi!" Paumpisang bati nito kasabay ng isang mainit na ngiti ngunit halata ang lungkot sa mga mata nito.
"Hello po, I'm Alexsa" Ganting bati ni Alexsa dito sabay lahad ng palad nito.
Inabot naman ito ng babae. "Nice to meet you, Alexsa, I'm Cxandra. Tsaka marahang nakipag shake hands ito kay Alexsa. "And you must be Sharie." Baling ni Cxandra sa kanya. "Sharie Jean Kai if I'm not mistaken?" Paguulit pa nito tsaka inilahad ang kamay sa kanya at marahang ngumiti.
"Huh! P-papano nyo po nalaman ang pangalan ko?" Nagtatakha nyang tanong habang inaabot ang kamay nito, tumingin sya kay Alexsa na wari nag tatanong ngunit pareho lamang sila ng reaksyon.
BINABASA MO ANG
Heaven's Lacrima
FantasíaSharie Jean Kai, a teen age girl who is head over heels in love with an anime character named Yukiro Saizo, do her love has chance? for he's just an anime character, but what if Yukiro comes to life? will he choose Sharie and love her back? or will...