° Longest Night Ever °
Nag mulat sya, madilim ang paligid, at basang basa ang mga pisngi nya dahil sa sariling luha. Nakahiga sya sa kandungan ni Alexsa.
"A-lex-sa!" Paos na wika nya. "Ba-kit ka umi-iyak?" Tanong nya sa umiiyak na kaibigan.
"Sharie?! Gising ka na!" Niyakap sya nito tsaka humagulgol ng iyak. "I thought I'd lost you."
"Ano ka ba? Hindi ako ma-wa-wala 'no?" Natatawa nyang wika.
"Nagagawa mo pang magpatawa? Ikaw, akala ko iiwan mo na ako." Wika nito habang mahigpit paring nakayakap sa kanya.
"Alexsa! Paano ako napunta rito?" Nagtatakhang tanong nya nang makita ang mahabang pasilyo at sa kalagitnaan nuon sya nakahiga. "Ako ba ang nakabasag nuon?" Paos paring wika nya habang pilit na itinuturo ang basag na vase, ramdam nya sa buo nyang katawan ang labis na panghihina.
Bumitiw si Alexsa sa pagkakayakap sa kanya tsaka nilingon nito ang bagay na pilit nyang itinuturo, unti unting gumapang ang tingin ni Alexsa sa mga patak ng dugong mula sa nabasag na vase na nakakalat sa marmol na daan patungo sa kanya.
"Sharie, bakit duguan ka?" Hindi na nya narinig pa ang huling sinabi nito dahil tuluyan na syang nawalan ng malay, nahapit naman sya kaagad ng kaibigan kaya hindi na sya tuluyang napahiga.
"Sharie-."
"-anong nangyari?" Nananakbong lumapit si Cxandra na mula sa sarili nitong silid at naabutan sila sa gayong posisyon.
"Cxandra, si Sharie." Maiksing usal ni Alexsa.
Kinuha ni Cxandra ang cellphone nito, at may kinontak na kung sino, malakas parin ang ulan at wala paring tigil na naghahari ang nakabibinging ingay ng kulog at matatalim na liwanag ng kidlat.
"Hello, Jerome! Pumunta ka dito ngayon, emergency lang at paki gising si Maria, paki sabi na dalhin nya rito yung first aid kit." Utos nito sa nasa kabilang linya tsaka pinutol ang usapan. "Anong nangyari dito? Alexsa."
.../
/..."Anong lugar ba ito? Nasaan na ba ako?" Sapo ang sugatang baywang, pasuray suray na nag lakad si Yukiro sa mahabang pasilyo "Ang babaing iyon, anong ginagawa nya rito?" Wika nya habang pinipilit na buksan ang pinto ng bawat kwartong nadadaanan nya. "Bakit? bakit kahit nagawa mo sakin ito, hindi parin kita magawang saktan." Muhing muhing usal nya. Hindi nya mabuksan ang mga pinto kaya nagpasya syang bumalik nalang sa kwartong pinangalingan nya. Nakita nya ang malaking portrait na hindi nya napansin nang maggaling sya duon dahil abala sya sa pag labas. Laking gulat nya nang makitang ang nakaguhit sa nakasabit na larawan ay sya at ang babaing kanyang iniirog at sya ring kinamumuhian nya ng todo. Ito ang huli nyang nakita bago sya nakawan ng ulirat.
.../
/..."Jerome." Pagtawag ni Cxandra sa butler na tinawagan nya. "Jerome, pakitulungan naman kaming buhatin si Sharie-."
"-Sharie po? Lady Lee?" May halong pagtatakha sa tonong inulit nito ang pangalan ni Sharie.
"Oo paki dala nalang sya duon sa kwartong ginagamit nya." Utos ni Cxandra dito.
Mula sa naguutos na si Cxandra ay lumipat ang tingin ni Jerome sa walang malay na si Sharie.
"Sharie!" Gulat na banggit ni Jerome sa pangalan ni Sharie tsaka agad na lumuhod habang nakatiyad. "Anong nangyari sa kanya?" Tinapunan ni Jerome ng tingin si Alexsa na naka yakap kay Sharie tsaka muling ibinalik ang tingin kay Sharie. "Sharie!" Tinapik tapik pa nito ang pisngi ni Sharie habang pilit na ginigising, bumaling si Jerome kay Cxandra na nakatayo sa bandang likuran nya. "Ano pong nangyari sa kanya? Lady Lee?"
"Kilala mo sya?" Panabayang tanong ni Alexsa at Cxandra habang si Maria naman
ay nililinis ang nabasag na Vase sa di kalayuan."Opo, Lady Lee, Ate po sya ng kaibigan ko." Pagsagot nya sa tanong ng dalawa tsaka madaling binuhat ni Jerome ang lupaypay na katawan ni Sharie. Agad nyang tinungo ang kwartong paglalagyan kay Sharie kasunod si Alexsa habang kinukuha naman ni Cxandra kay Maria ang first aid kit na ipinakuha nya rito kanina.
"Dahan dahan, may sugat sya sa mga paa nya, baka naapakan nya yung nabasag na vase kanina." Paalala ni Alexsa habang inihihiga ni Jerome si Sharie sa kama.
"Ano ba ang nangyari, Alexsa?" Usisa ni Cxandra habang ginagamot ang mga sugat sa mga paa ni Sharie.
"Natutulog na kasi ako kanina tapos biglang tumawag si Justine, yung kapatid ni Sharie, tapos sabi nya sakin bantayan ko daw si Sharie kasi bumalik nanaman yung sakit nya, after nun di na ako makatulog, tapos pumasok ako dito sa kwarto nya para bantayan sya, kaya lang nakatulog ako habang nagbabasa, nagising ako dahil sa malakas na kulog tapos pag tingin ko sa kama wala na sya, paglabas ko nakita ko nalang syang walang malay sa pasilyo, tapos tumakbo ako palapit sa kanya pagtingin ko sa kanya hirap na hirap syang huminga, tapos ginising ko sya, buti nalang nagising sya, nung nagising sya taska ko lang nakitang duguan sya, nung tinanong ko sya kung bakit sya duguan dun sya ulit nawalan ng malay." Mahabang paliwanag ni Alexsa sa tanong ni Cxandra ayon sa kanyang nasaksihan.
"Ano ba'ng sakit nya, Alexsa?" Usisa ni Jerome. "Tsaka saan nya yun nakuha."
"Nu'ng mga twelve years old palang ako, isang gabi, nag away yung mga magulang ko, after kong masaksihan iyon, I ran away, nagpunta ako sa palaruan malapit sa bahay namin, nung gabing iyon, punong puno ng mga bituin ang kalangitan, minamasdan ko sila habang nakaupo ako sa swing, then I saw her walking, nilapitan ko sya, para syang wala sa sarili nya, hinawakan ko sya sa mga balikat nya, nakatulala lang sya sa kawalan, tapos bigla syang hinimatay, ginising ko sya, sabi ko pa nga 'hoy bata, bawal dito matulog' kase nasa gilid kami ng daan, siguro mga limang minuto ko rin syang ginigising, tapos nung nagising na sya, inalalayan ko sya hanggang sa makalapit na kami sa swing, tapos nun nag kwento sya, sabi nya palagi nya daw napapanaginipan yung daddy nya." Pagkukwento ni Alexsa.
"Bakit? Nasan ba ang Daddy nya?" Tanong ni Cxandra na pumutol sa pagkukwento ni Alexsa.
"Patay na sya!" Maigsing wika ni Jerome habang nakatingin sa ibaba.
"Kwento ni Sharie, he died in a car accident, she witnessed how cruel her dad died with her very own eyes. Hindi daw nakalabas sa nasusunog na kotse ang daddy nya, hanggang sa biglang sumabog yun kotse." Pagpapatoy ni Alexsa saka tumingin kay Cxandra.
"Oh, that's so painful for a child to witness a loss like that." Simpatya ni Cxandra tsaka tumingin kay Sharie ngunit ibinalik rin kaagad ang tingin sa ginagamot nitong sugat.
"Dahil siguro sa trauma kaya sya nagkaganyan, sabi nya noon, after ng aksidente, ilang linggo din daw syang hindi makapag salita, tapos palagi nya daw napapanaginipan ang daddy nya at magigising nalang sya sa ibang lugar, misan nga daw sa ospital na sya nagising eh, akala ko gumaling na sya sa sakit nya, nabanggit pa nya noon na natatakot sya sa mga paputok pati na rin sa kulog at kidlat pero di ko inakalang ganito kaseryoso yung situwasyon nya." Pagpapatuloy ni Alexsa tsaka ibinalik ang tingin kay Sharie. Matapos nyang magkwento ay nahagip ng tingin nya ang kwintas na suot nito. "Cxandra, hindi ba parang may nagbago sa kuwintas ni Sharie."
"Ano? Anong ibig mong sabihin?-"
"-Aaaaaahhhhhhh."
A/N:
Sorry guys..
Nag rearrange po ako ng mga chapters kaya yung naunang chapter ay nalipat sa ibang slot.. Pero wag kayong mag alala, ipo post ko po ulit yun.. •-•
BINABASA MO ANG
Heaven's Lacrima
FantasySharie Jean Kai, a teen age girl who is head over heels in love with an anime character named Yukiro Saizo, do her love has chance? for he's just an anime character, but what if Yukiro comes to life? will he choose Sharie and love her back? or will...