Heaven's Lacrima
"Yan ang-." Bulalas ni Alexsa ng makita ang laman ng sikretong taguan. "-Heaven's Lacrima!""Heaven's Lacrima?, diba yun yung 'gem of legends'?
It said to be the heaven's sympathy for your grieve and sorrow. Just like how the snow was formed, pero once in a blue moon lang daw ito kung mangyari, once the water vapor with different gases in between of hot and cold atmosphere compresses with the help of a high voltage lightning, a clear smooth crystalline was form. It was called Heaven's lacrima, dahil sa langit lang ito nabubuo and because of the teardrop shaped appearance nito. It was the legendary variety of jewel. Way too expensive than crystals you could even buy the half of the earth with that single gem. Legend says that it can grant a wish of the holder. I thought it was just a myth." Mahabang litanya ni Alexsa.
"Ano ka ba, that thing was just a myth, nabasa ko rin yan sa akda ni Clarrize, imposible yun, hindi pwede, hindi naman totoo yun eh." Di makapaniwalang wika nya.
"Hindi, nagkakamali ka, that's a real Heaven's Lacrima." Sabay silang napatingin kay Cxandra. "Nung una, hindi rin ako naniniwalang totoo ang heaven's lacrima, kasi nga laman rin yan ng kwento nya diba? akala ko produkto lang yun ng imahinasyon nya, pero nung ipinakita nya sakin yan, syempre di rin ako makapaniwala hanggang sa ikinuwento nya sakin kung paano napunta sa kanya yan. Sabi nya, nahulog daw yan galing sa langit habang nakatingala sya sa malawak na kalangitang punong puno ng mga bituin, parang bituin daw iyan na nahuhulog mula sa lagit. Its sapphire blue color and the flaming red core creates a yellow bright light na kapag nasa dilim ay parang nagliliwanag na bituin, para syang nagliliyab na apoy na nakulong sa loob ng kristal." Mahabang paliwanag ni Cxandra. Tinanong ko nga sya kung humiling sya sa bato, sabi nya 'oo'daw, tinanong ko sya muli kung ano yung hiniling nya.
"Anong sabi nya?" Usisa ni Alexsa.
"Ayaw nyang sabihin eh, kaya tinanong ko nalang sya kung nagkatotoo ba yung hiling nya, sabi nya oo daw." Sagot naman ni Cxandra.
Hindi sya makapaniwala sa narinig, "Gem of leagends? Heavens lacrima? Im the holder? Hindi parin nag sink in lahat sa kanya.
"Bheng, ang swerte mo, pwede, patingin ako?" Wala sa sariling iniabot naman nya ang buong libro kay Alexsa.
"Make sure not to touch the gem, only Sharie can touch it." Paalala ni Cxandra ng akmang hahawakan na ni Alexsa ang hiyas.
"Huh! Bakit?" Tanong nya nang mabalik sa realidad.
"Mamalasin ang taong hahawak sa hiyas kung hindi naman sa kanya ipinagkaloob ng dating may ari." Sagot ni Cxandra sa tanong nya.
"Oo, nga pala, I almost forgot." Wika ni Alexsa tsaka maingat na ibinalik sa kanya ang libro.
Tumayo naman si Cxandra at kinuha ang kuwintas sa pinaglalagyan nito. At iningatan huwag madikit sa pendant. "Masbagay ito dito." Humarap ito sa kanya tsaka maingat na isinuot sa kanya ang kuwintas.
"Ang ganda, bagay na bagay sa'yo Bheng." Tuwang tuwang wika ni Alexsa habang nakatingin sa kanya.
Knock.. knock.. knock..
Sabay sabay silang napalingon dahil sa mahihinang katok mula sa labas ng naka lock na pinto ang narinig nila.
"Yes?" Sagot ni Cxandra, tsaka mabilis na tinungo at isinara ang vault at ibinalik ang portrait sa dati nitong ayos.
"Lady Lee, ako po ito, may sasabihin lamang po ako sa inyo." Muling tugon ng nasa labas ng kwarto.
"Ah, Maria? Sandali lang lalabas na ako." Wika nito tsaka sya sinenyasang isara ang libro at ibalik ang susi sa dati. Nakuha naman nya agad ang pahiwatig ng senyas nito kaya ginawa nyang gayon. Ipinatong nya iyon sa center table at tumayo kasabay ni Alexsa.
Lumapit silang tatlo sa pinto at agad iyong binuksan ni Cxandra. Isa sa mga maid ang nakatayo sa tapat ng pinto, sa pakiwari nya ay kaedaran lamang din nya ito."Naka handa na po ang sasakyan, kaya lang po masyadong malakas ang ulan." Pag uulat ng maid na may pangalang Maria.
"Naku, ganon ba?" Wika ni Cxandra kay Maria. Bumaling ito sa kanila. "Dito nalang kaya kayo magpalipas ng gabi, delikado na kasing bumiyahe kapag ganitong malakas ang ulan at madilim pa, para makampante na rin ang kalooban ko, marami namang kwarto dito.
"Malakas ba talaga-"
"-Sige, dito nalang kami mag papalipas ng gabi." Putol ni Alexsa sa sinasabi nya tsaka bumaling sa kanya. "Tatawagan ko nalang sila tita Aileen, ipagpapaalam nalang kita para hindi sila mag alala."
"Eh ikaw?"
"Hindi naman mahigpit sila mama, basta magpaalam lang daw ako, tsaka wala rin naman akong kasama sa bahay kasi nasa business trip sila ni papa."
"Teka, tatawagan ko lang si tita Aileen." Dinukot ni Alexsa ang telepono na nasa bulsa, matapos mag dial ay itinutok nya iyon sa kanyang tainga. "Hello po tita?" Pagabiti nito ng sagutin sa kabilang linya.
"Hello! sino to?" Tanong nito habang inila-loud speaker ni Alexsa ang telepono.
"Ah, tita si Alexsa po ito."
"Oh Alexsa, pasensya ka na hah, hindi kasi naka save number mo sa cellphone ko." Nahihiya habang natatawang wika nito.
"Naku, okay lang po yun."
"Nga pala, magkasama ba kayo ni Sharie ngayon, nagpaalam kasi sya sakin kaninang umaga, sabi nya may lakad daw kayo."
"Ah, opo, kaya nga rin po ako tumawag para ipagpaalam po sya na hindi po kami makakauwi ngayong gabi, malakas po lasi ang ulan, makikitulog po muna kami sa kaibigan po namin, wag po kayong mag alala kay Sharie, ako nalang po ang bahala sa kanya." Pagpapaliwanag ni Alexsa.
"Ah ganun ba? Oh sige mag iingat kayo dyan hah, Alexsa ikaw na ang bahala kay Sharie ko huh." Dagdag bilin ni Aileen.
"Opo tita, wag po kayong mag alala." Paninigurado naman ni Alexsa "Sige po tita, babye po!" Pagpapaalam ni Alexsa dito
"Sige, magiingat kayo dyan ah!"
"Opo tita."
"Sige, ikaw na'ng bahala kay Sharie ko hah, sige babye na."
"Opo tita, wag po kayong mag alala, babye po." Pinutol na nga ni Alexsa ng tuluyan ang koneksyon, dahil alam nyang hahabang lalo ang usapan.
"Ang kulit talaga ng mommy mo noh." Natatawang binalingan ni Alexsa si Sharie na katabi lamang ni Cxandra
"Well, it's all settled then." Wika ni Cxandra matapos marinig ang paguusap nila. "Maria, pakisabi kay Jerome na okay na, tapos pahandaan nalang kami na pagkain para makapag pahinga na rin kayo." Baling nito sa maid na nasa harapan ng pinto. "Tsaka pala, paki sabi kay Lien na ihanda yung dalawang kwarto na katabi ng kwarto ko." Dagdag utos nya dito.
"Opo, Lady Lee." Pormal na tumugon naman ito, tsaka lumisan upang sundin ang utos.
BINABASA MO ANG
Heaven's Lacrima
FantasySharie Jean Kai, a teen age girl who is head over heels in love with an anime character named Yukiro Saizo, do her love has chance? for he's just an anime character, but what if Yukiro comes to life? will he choose Sharie and love her back? or will...