XII • Sleep Walking •

74 4 0
                                    

Sleep Walking


Lumubog na ang araw at unti unti nang kumakagat sa makulimlim at mapulang kalangitan ang kadiliman ng gabi.

Naglalakad si Sharie sa gitna ng kakahuyan, maputla ang kulay ng kapaligiran, kulay abo ang mga dahong pumapailanglang na nagsasayaw sa indayog ng sumisipol na hangin Nakita nya sa di kalayuan ang kanyang nakatalikod na ama. "Daddy?" Bulalas nya ng makita ang ama, nilingon sya nito tsaka bahagyang ngumiti.

"Sharie!" Akmang lalapit na sya rito nang biglang magliyab ang paligid nito, tumakbo sya upang abutin ang mga kamay nito ngunit nakarinig sya ng nakabibinging tunog na wari'y may sumabog kasabay ng lagaslas ng mga bubog na wari'y humahalik sa makinis na bato at biglang humarang ang makapal na apoy sa pagitan nila kaya't hindi nya maabot ang mga kamay nito habang unti unting lumalayo ang pigura nito. "Daddy! daddy, don't leave me here." Sigaw nya sa papalayong presensya ng kanyang ama ngunit walang anomang boses ang lumabas mula sa kanyang hanggang sa mawala ang mga bakas nito sa kanyang harapan, unti unting nawala ang makapal na apoy na humaharang sa kayang dinadaanan, tumakbo sya papunta sa tinungo ng kanyang ama hinanap nya itong mainam, luminga linga pa sya sa kulay abong kakahuyan ngunit hindi nanya ito masumpungan. Napaigtad sya ng maapakan ang isang kulay pulang rosas na punong puno ng mga tinik, maingat na dinampot nya ang naapakang rosas na nakakalat sa kanyang dinadaanan at inilagay iyon sa tapat ng kanyang dibdib habang lumilinga linga sa di pamilyar na lugar na iyon.

Nag patuloy sya sa pag lakad hanggang sa makarating sa dulo nito, isang bangin ang biglang lumitaw sa kanyang harapan, lumapit sya sa dulo nito tsaka duon sya huminto.
Pinagmasdan nya ang ibabang bahagi ng bangin, napakataas at napakatarik nyaon at malakas na hangin ang nanggagaling sa ibabang parte nito kasabay ng paghampas ng malalakas na alon sa matatalas na bato sa ibaba ng bangin.
Tumanaw sya sa kalayuan ng malawak na karagatan, ang madilim na pagkabughaw nito ay nagpapahiwatig ng kalungkutan, tiningnan nyang muli ang hawak na kulay pulang rosas at laking gulat nya ng makitang ito'y naging kulay itim at unti unting nalalanta, iniumang nya ang kanyang kamay at saka inihulog sa bangin ang rosas na unti unting naging abo habang dinadala ng payapang hangin, tumingin sya sa makulimlim na kalangitan na nagbabadyang magpakawala ang napakalakas na ulan ngunit may nasumpungan syang isang matingkad na bituwin na unti unting nawawalan ng kinang habang nahuhulog sa asul na dagat. Nang biglang may tumulak sa kanya mula sa likuran, pinilit nyang humarap para malaman kung sino ang may gawa bago pa sya tuluyang mahulog, nalingunan nya ang isang lalaking nakatalikod, unti unti itong humarap kasabay ng unti unti nyang pagkahulog, inunat nito ang kamay nito na pilit nyang inaabot ngunit hindi nya maabot.
Dumungaw ang lalaki sa dulo ng bangin at pilit rin syang inaabot habang unti unting syang nahuhulog.

"Sharie!"

Narinig nyang sigaw nito. Tinitigan nya ito na para bang nagtatanong.

"Kilala nya ako?"

Malungkot ang berdeng mga mata nito, ang mukha nito'y pamilyar sa kanya, ramdam nya ang kalungkutan sa puso nito.

Biglang tumalon ang lalake upang sundan sya habang unti unting kumakagat ang kadiliman sa malungkot na lugar na iyon, habang unti unting lumalatag sa mapulang kalangitan ang lungkot na dala ng kadiliman.

"Ililigtas ba nya ako?"

Nag abot sila sa ere, hinagkan sya nito, idinikit nito ang ulo nya sa malapad nitong dibdib gamit ang malakas nitong bisig, habang nakalapat ang isang palad nito sa kanyang palad, napayakap naman sya rito dahil sa pagkagulat at sa takot na ano mang oras ay hahalik sa nagngangalit na alon at matatalim na bato ang kanilang mga katawan...

Heaven's LacrimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon