° Dead or alive °
[Maria]
Nililinis ni Maria ang nagkalat na mga bubog mula sa nabasag na vase, matapos kasing kunin ni Cxandra ang first aid kit sa kanya ay dumiretso na ang lahat sa kuwartong laan kay Sharie at naiwanan siyang magisa sa mahabang pasilyo. Inilagay nya ang mga piraso ng nabasag na vase sa isang supot na gawa sa papel at winalisan ang natitirang butil tsaka kinuha ang dalang basahan upang punasan ang mga patak at bakas ng dugo na nagkalat sa marmol na daan, nakarating na sya kung saan natagpuang walang malay si Sharie, ngunit ang ipinagtatakha nya ay hindi natapos duon ang mga patak ng dugo kundi tuloy tuloy ito sa mahabang pasilyo, nakakalat ang mga ito sa tapat ng bawat pinto, gumapang ang kilabot sa kanyang buong katawan ng makita ang bawat seradura ng bawat pinto, may bakas din ng dugo ang mga ito at ang iba ay may mga bakas ng kamay na may dugo.
Kahit dinadaga sa kaba ang kanyang dibdib ay tumayo sya at dahan dahang lumapit sa nakabukas na pinto sa bandang dulo ng mahabang pasilyo, laking gulat nya ng makita ang isang duguang lalaki na walang malay sa bungad ng pinto, dahil sa sobrang pagkagulat ay matumba sya at napaupo.
"-Aaaaaahhhhhhh." Napahiyaw sya dahil sa sobrang takot habang umuusad paatras hanggang sa lumapat ang kanyang likos sa dingding, muli ay napahiyaw sya ng pagkalakas lakas. ...
[Cxandra & Jerome]
..."Ano-"
"-Aaaaaahhhhhhh." Naputol ang paguusap ng tatlo ng marinig ang malakas na hiyaw ni Maria.
"Si Maria!" Gulat Na sabi ni Cxandra. "Jerome si Maria, Alexsa ikaw na nga muna dito." Iniabot nito ang hawak na bulak na may betadine kay Alexsa tsaka lumabas kasama ni Jerome upang tingnan kung anong dahilan ng pagtili ni Maria.
"Aaaaaahhhhhhh." Muli, narinig nanaman nila ang pagpalahaw ni Maria, kaya't nananakbo silang nilapitan ang kinalalagyan nito.
Naabutan nila itong nakaupo sa tabi ng dingding habang nakayakap sa sarili at pawang takot na takot na nanginginig habang umiiyak sa madilim na pasilyo.
"Maria! Anong nangyari sayo?" Takang tanong ni Cxandra sa umiiyak na si Maria. Nag-angat ito ng mukha bakas ang sobrang takot.
"Lady Lee!" Gumapang ito palapit sa kanila na sa sobrang takot ay hindi na nagawa pang makatayo. Agad naman iyong sinaklolohan ni Jerome at inalalayang makatayo, ng makatayo ay yumakap ang babae dito tsaka humagulgol ng iyak habang mahigpit na nakakapit sa suot nitong t-shirt.
Napansin ni Csxandra ang bukas na pinto sa tapat ng pinagkalugmukan ni Maria.
"Maria? Ano bang ginagawa mo, diba't ipinagbabawal kayong pumasok dito?" Akmang lalapitan nya ang kwatro upang isara ang pinto ng hawakan sya ni Maria sa kanyang kaliwang braso upang pigilan. Napatingin sya sa tumatangis na babae
"L-Lady Lee, m-may patay po! May patay po sa loob ng silid." Wika ni Maria sa pagitan ng mga hikbi. Ikinagulat naman nya ang sinabi nito.
"Ano? anong patay? Sinong patay?" Nagmadali syang lumapit sa tapat ng pinto, laking gulat nya ng makita ang isang duguang lalaki na nakadapa sa bungad ng pintuan.
Agad namang kumalas si Jerome mula sa pagkakayapos ni Maria at nilapitan ang lalaki upang inspeksyunin. "Lady Lee, buhay pa po ang isang ito."
"Maria, gisinigin mo si Lien, Jerome, anong kalagayan nya?" Hindi na nagawa pang sumagot ni Maria na agad na umalis, upang sundin ang utos.
"Mukhang masama po Lady Lee, may malalim na sugat po sya sa baywang, at batay po sa pag hinga nya mukhang hindi na sya aabutin ng bukas.
"Ipasundo mo ngayon si Dr. Soriente-"
"-Sharie!" ...
[Alexsa]
"Ano kaya iyon? Bakit kaya sumigaw si Maria." Tanong ni Alexsa sa sarili nang makalabas ng silid sina Cxandra at Jerome, hawak parin nya ang bulak na iniabot sa kanya ni Cxandra bago ito lumabas. Dahan dahan nyang idinadampi ito sa mga sugat ni Sharie.
"Aaaaaahhhhhhh." Muli ay narinig nanamang nya ang pagsigaw ni Maria, dahil sa pagka gulat ay napaigtad sya at napa diin ang pagkakapahid nya ng bulak sa sugat ng kaibigan.
"YUKIRO." Muntik pa syang mahulog sa kinauupuan ng biglang bumangon ang kaibigan habang isinisigaw ang pangalang Yukiro. Buti na lamang at naka bawi sya kaya hindi ito naisakatuparan.
"Sharie mabuti naman at nagising kana." Napabulalas sya sa kaibigan. "Kumusta ka na? Ano? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Sunod sunod nyang tanong dito.
"Nandito sya! Nandito sya! Iniligtas nya ako, nandito sya!"
"Sharie ano bang sinasabi mo?" Naguguluhan nyang tanong dahil sa inaasal ng kaibigan.
"Si Yukiro, nandito sya, iniligtas nya ako." Wika ni Sharie tsaka bumaba mula sa higaan, nakita pa nya ang pag ngiwi ng kaibigan at mapaupo pabalik sa higaan.
"Dahan dahan lang, malalim ang mga sugat mo sa paa." Ngunit hindi sya pinansin ng kaibigan at muli ay dalidaling tumayo, di alintana ang mga sugat sa paa ay mabilis itong lumabas mula sa silid na iyon.
[Sharie]
"Ipasundo mo ngayon si Dr. Soriente-" Utos ni Cxandra sa naka tiyad na si Jerome.
"-Sharie!"
Napatingin si Cxandra sa humahangos na si Sharie na hindi alintana ang mga sugat sa mga paa habang kasunod naman si Alexsa na todo pigil sa kaibigan.
"S-sharie? Bakit tumayo ka na, ayos na ba ang pakirandam mo?"
"Cxandra, pasensya ka na, Hindi ko sya mapigilan eh, kahit nga dumudugo yung paa nya tumakbo sya papunta rito, ano bang nangyayari? Si Sharie nga mukhang dinidiliryo pa, sabi nya pa narito daw si Yukiro, impossible namang mangyari yun diba?"
"Ano, anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Cxandra kay Alexsa, bumaling sya kay Sharie. "Sharie?" Nagtatanong ang mga tingin niya.
"Sabi nya nandito raw si Yukiro, iniligtas daw sya ni-"
Hindi na naituloy pa ni Alexsa ang sinasabi dahil nagtuloy na si Sharie papasok sa nakabukas na silid, ngunit di pa man sya nakakapasok ay napaluhod sya sa tapat ng pinto dahil sa biglaang panghihina.
"Sharie!" Panabayang wika ng tatlo na nag aalala sa kanyang kalagayan. Ngunit Hindi nya pinansin ang mga ito.
"Sharie, ayos ka lang ba?" Nilapitan sya ni Jerome ngunit tinabig nya ang kamay nitong akmang tutulong sa kanyang tumayo.
"Yukiro, Yukiro, tumayo ka dyan." Pilit nyang inabot ang binti ng lalaking naka dapa at marahan iyong inuga dahil iyon nalang ang kayang gawin ng katawan nyang nanlalata.
Naguguluhan man ay hinila ni Jerome ang balikat ng lalaking naka dapa upang ito'y itihaya. At laking gulat ng lahat sa nasaksihan. Ang pananamit nito, ang matikas na pangagatawan, ang mapupulang mga labi, ang mapusyaw na kulay dilaw nitong buhok, walang duda, tunay ngang ito ang lalaki.
"Yukiro!" Gumapang sya palapit sa ngayo'y naka higang si Yukiro.
"Sharie, anong nangyari? Anong ginawa mo? Bakit mo sya dinala dito?" Usisa ni Cxandra sa kanya na mukhang napagtanto na ang mga nangyayari, ngunit parang hindi nya ito naririnig at patuloy sa pag yugyog sa katawan ng binata. Hindi na nakatiis si Cxandra sa hindi pag bibigay pansin ni Sharie dito. "Sharie, Sharie." Nilapitan sya nito at hinawakan sya sa balikat ngunit, muli ay tinabig nya ang kamay nitong nakapatong sa kaniyang balikat.
"Huwag mo akong hawakan, lapastangan." Sigaw nya na sobrang ikinagulat ng lahat.
BINABASA MO ANG
Heaven's Lacrima
FantasySharie Jean Kai, a teen age girl who is head over heels in love with an anime character named Yukiro Saizo, do her love has chance? for he's just an anime character, but what if Yukiro comes to life? will he choose Sharie and love her back? or will...