IV • Tricks He Played •

73 4 0
                                    

Tricks He Played


"Ano ba kayong dalawa?, bakit hindi parin ba kayo nagkikibuan?" Wika ni Aileen na hindi na natiis ang tensyong bumabalot sa pagitan ng dalawang anak habang kumakain ng agahan."

"We already have a deal mom." Tugon ni Sharie sa ina.

"I never agree with that stupid deal, mom." Kontra naman ni Justine.

"He wants my forgiveness, I set a deal as commutation.

"She was so angry because of the stupid book you burned."

"Anong libro?"

"Yung sinunog nyo nung birthday ko."

"Isang linggo na yun ah, yun lang ang pinag awayan nyo?"

"That's not just a book, yun yung unang iniregalo sa akin ni Alexsa when we became friends and that's a rare one, at alam kong si Justine ang may kasalan kung bakit yun nasunog.

"She's non sense."

"He's a worthless arrogant."

"Kill Joy!"

"Batty lunatic!"

"Hopeless romantic!"

"Brain sick!"

"Bitter!"

"Senseless dumbass-"

"-Will you both quit it, nakukuha nyong mag away sa harapan ko? Gusto nyong tanggalang ko kayo ng allowance?" Putol ni Aileen sa pagtatalo nilang dalawa.

"Eto kasing si ate napaka taas ng ere."

"Ahh, ako pa ngayon, eh kung hindi ka pumasok sa kwarto ko at pinakialaman ang mga gamit ko, edi sana happy tayo?!" Inis nyang wika, si Justine naman ay nag pe-face dance while mimicking her.

"Stop it already, or else I will punish you both."

"Dun nalang po ako sa kwarto, nawalan na po ako ng gana eh!" Tumayo sya sa pagkakaupo at iniwanan ang hapag kainan, dirediretso syang lumabas at tinungo ang hagdanan.

"Sharie!!"

"SHARIE JEAN!"

"SHARIE JEAN KAI?!" Sigaw ng kanyang ina na hindi nya pinansin at dirediretsong umakyat sa hagdan. Ngunit narinig nya ang pagkalam ng sikmura at nakaramdam ng marahang pagkirot nito kaya naman nag pasya syang bumalik sa kusina.

"Wohhooo! I win, mom pabayaan mo na sya, she's on diet." Tuwang tuwang wika ni Justine as he savour the taste of success. Napabuntong hininga naman si Aileen dahil sa pagtatalo ng mga anak.

"I'm not on diet!" Wika nya ng makabalik sa hapag kainan. "Nagugutom pala ko, ayoko pang mamatay dahil sa gutom noh, dun nalang po ako kakain sa kwarto ko, baka po kasi di ako matunawan dito." Wika ni Sharie habang kumukuha ng pagkain. Aalis na sana sya ng biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa nya, inilapag nyang muli sa hapag ang pagkain tsaka sinagot ang tumutunog na telepono ngunit hindi pa sya nakaka bati ng hello ay naputol na ang linya. "Huh!" Tanging nasabi nya habang nakatitig sa telepono.

Napahagalpak naman ng tawa si Justine. "Wahahah, kahit mga kaibigan mo pinagtitripan ka." Pang aasar pa nito.

"Pshh!." Naisa dila nya habang ibinabalik sa bulsa ang telepono tsaka kinuha ang plato ng pagkain.

"JUSTINE!" Saway ni Aileen sa anak while fiercely looking at him, tumahimik naman na ito. "Sharie, sino yung tumawag?" Baling ni Aileen sa kanya.

"Ah, si Alexsa po, baka mali lang po ng dial." Pagsagot nya sa tanong ng ina. "Sige po ma, dun nalang po ako sa kwarto ko kakain." Pagpapaalam nya sa ina, at nag mamadaling tumungo sa kanyang silid. Pagpasok nya sa loob ay kaagad nyang isinara at ini-lock ang pinto. Dinukot nyang muli sa kanyang bulsa ang cellphone nya habang inilalapag ang hawak na pagkain sa lamesang katabi nya. She made a return call para sa kabigang tumawag. Unluckily, busy sa kabilang linya kaya naman hinarap nalamang nya ang pagkaing dinala.

Heaven's LacrimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon