Tear apart
...and they kiss each other like there's no tomorrow...
...THE END.
Inilibot nya ang kayang mga mata sa kabuoan ng kwarto na punung puno ng mga libro, di mabilang na action figures na naka display, yung iba naka box pa, mga comics and mangas, mga cd's at posters ng kung anu anong anime na napapanuod at nababasa nya.
Maingat na inilapag nya sa lamesita sa gilid ng kama nya ang katatapos nya lang na basahing manga, ito ang pinaka paborito nya sa lahat dahil sa rarity nito, sold out na ang libro sa market at puro collector's item lang ang inilalabas na action figures nito, gayon pa ma'y kahit paulit ulit nya na itong nababasa ay hindi parin sya nagsasawang ulit ulitin ito, dahil na rin siguro sa kakaibang paraan ng pagkakasulat nito, at ang isa pang dahilan ay nainlove sya sa personality ng main male character nito na si Yukiro at naiingit sya kay Narla dahil sa napakagandang lovestory ng dalawa minsan nga pinangarap nya na sana sya nalang si Narla, hindi lang kasi sya inlove kay Yukiro kundi 'head over heels' pa sya rito.
Tumayo na sya mula sa pagkakahiga.
Inisa isang dinampot nya ang mga nagkalat na mga libro at comics na sa sobrang pangit ay naihagis nya, tsaka inilapag ang may nasa limang pirasong comics at tatlong pirasong libro sa ibabaw ng study table na nasa loob kanyang kwarto.
SHARIE, SHARIE JEAN!!.. palabas na sya ng kanyang kwarto ng marinig nya ang kanyang pangalan.
"Po." Pagsagot nya sa tumatawag na Ina, habang papalapit sa kinaroroonan nito.
"Tulungan mo nga muna ako dito." Wika nito ng makalapit na sya rito. "Yung kapatid mo hindi nanaman mahagilap, maya maya darating na yung mga bisita nya di pa ko tapos mag luto."
"Ano pong gagawin ko?"
"Ayan." Tsaka nito itinuro ang naka marinade na karne. "Paki tuhog na nga yang pang barbeque, pagkatapos mo dyan tulungan mo si manang Lilya na mag linis pag dating nya." Ang tinutukoy ng kanyang ina ay ang kasangbahay nila.
"Asan po ba si manang Lilya?"
"Pinabalik ko sa grocery may kulang kasi sa rekado."
"Ahh!, eh, si Justine po?"
"Hay naku, ewan ko dun, kanina pa di mahagilap, lakwatsa ng lakwatsa." Naiinis na wika ng kanyang ina habang naghihiwa ng patatas.
"Bayaan, nyo na po ma, araw naman nya ngayon." Pag alo nya sa inis ng kanyang ina. "Maya maya babalik din po dito yun." Dagdag pa nya habang tinutuhog ang naka babad na karne.
"O sya, bilisan mo jan, mukhang matatagalan pa si manang, maglinis ka muna at baka maabutan ng mga bisita ang kalat ng bahay."
"Opo ma." Walang tutol nyang sagot, kahit kasi may katulong sila ay inuutusan parin sila ng kanyang ina na kumilos sa loob ng bahay, at paminsan minsan ay tinuturuan sila nito na mag luto para daw kahit paano ay may alam sila sa pangungusina.
Natapos na nyang ituhog ang minarinade na barbeque at tinungo ang living room area para maglinis, at mabilis nya lang na natapos ito, sapagkat hindi naman ganoon karami ang kalat sa bahay nila, ibinalik lang nya ang mga throw pillows sa sofa at inayos ang mga libro at photo albums sa ilalim ng center table tsaka nag walis at naglampaso. Matapos nyang maglinis ay bumalik syang muli sa kitchen para tumulong sa pag luluto, nanduon na si manang Lilya, hindi nya nakita ang pag dating nito dahil sa back door na nasa kusina ito dumaan.
"Oh, Sharie, tapos ka na? Pakihanap na nga ung kapatid mo, baka mag datingan na yung mga bisita nya eh sya wala pa."
"Mommy, matanda na po yung si Justine, hindi ko na po kailangan pang hanapin yun, tsaka, baka sinundo nya na po yung mga bisita nya."
"Eh, kasi naman pwede naman kasing magpaalam kung aalis, hindi yung ganyan, nanghuhula pa tayo kung saan sya nag punta."
"Oo nga naman ma'am, si Justine nasasanay na ng hindi nagpapaalam kapag umamalis ng bahay." Singit ni manang Lilya sa usapan nilang mag ina. "Kung nu'ng panahon namin eh naku! nalatayan na yan ng 'yantok mindoro', iba na talaga ang mga bata sa panahon ngayon ma'am." Pagpapatuloy ng kanilang kasangbahay.
"Hay naku!, sinabi mo pa manang Lilya, nung mga panahon namin eh, makuha ka sa tingin dahil kung hindi eh paniguradong lagot ka, mga bata ngayon ibang klase, wala nang takot sa katawan, basta naisip gagawin."
"Hayaan mo mommy, pagsasabihan ko po pag uwi nya." Tugon nya sa ina. Maya maya'y nakarinig sila ng mga tawanan buhat sa labas, senyales na may dumating. "Oh, 'andyan po na pala eh."
"Ay oo nga pala Sharie." Pagiiba ng kanyang ina sa usapan. "Baka may libro kang hindi na ginagamit, pahingi ako, kailangan ko lang ng pang parikit."
"Opo, ma, magbababa po ako mamaya, sige ma pagsasabihan ko lang po tong mokong na to." Tsaka sya lumabas mula sa kusina. Paakyat na sya sa hagdan upang makarating sa kanyang kwarto, nasa ikalawang palapag kasi ng tatlong palapag na bahay na iyon ang kinalalagyan ng kanyang kwarto nang makasalubong nya ang kanyang kapatid na pababa sa hagdan.
"Oh, ate Sharie, bakit hindi ka pa naka bihis?, ano bibihisan pa kita?" Anito habang nasa likuran ang dalawang kamay.
"Ano?, bakit kasali ba ako sa party mo? Tsaka saan ka ba nanggaling? Sa susunod daw magpapaalam ka kung saang planeta ka pupunta ke sa impyerno pa yan, nagagalit na kaya si mommy, kanina ka pa nya hina hanap."
"Kunyari ka pa, alam ko namang gustung gusto mo nang isuot yung costume mo."
"Anung costume? Tsaka bakit ganyan ang hitsura mo? Mukha kang aso." Naguguluhan nya tanong dito habang natatawa.
"Hala, nakalimutan mo na ba? Cosplay po ang theme ng party ko!" Tsaka lamang nya napagtanto na isa ngang character sa anime na nabasa at napanuod nya ang costume ng kapatid. "Bilisan mo na magbihis, pupunta na ako sa garden, parating na rin pala yung mga pinsan natin, bilisan mo lang hah, hintayin kita doon." Hindi lang kasi sya ang addict sa anime, kundi pati na rin ang kapatid nya at pati na ang mga pininsan nila, minsan ay naghahanap talaga sila ng mga cosplays at costume parties at sabay sabay silang nagpupunta minsan naman ay sila na ang nag o organize ng party,kasali din sila sa mga clubs ng mga anime fanatics. Nagmamadali syang umakyat ng makalampas na ang kapatid dahil na eexite sya at muli nanaman nyang maisusuot ang tinatago nyang costume, iyon kasi ang female character sa paborito nyang manga. Agad nyang tinungo ang kanyang kwarto at binuksan ang kabinet na pinaglagyan, bumungad sa kanyang harapan ang tinatagong damit, tagong tago iyon dahil ayaw nyang masira ang costume na iyon, bukod kasi sa mahirap makakuha ng magandang klase na detalyeng detalye ang disenyo ay napaka mahal pa nito. Laking pasasalamat nga nya at nakuha nya iyon sa mababang halaga. Excited nyang kinuha iyon mula sa pinaglalagyan tsaka tinitigan mula taas pababa. "Sa wakas, maisusuot nanaman kita." Tuwang tuwa nyang niyakap ang naka hanger na damit habang nagpapagulong gulong sa kama.
"Uy! Excite sya." Napabaliwas sya at nilingon ang pinanggalingan ng boses, nagulat habang nanlalaki ang mga matang napa-tingin sya sa pintuan ng kanyang kwarto.
"JUSTINE..." Napahiyaw sya ng makita ang kapatid na nakasandal pa sa hamba ng pinto na nakalimutan nyang isara sa sobrang pagmamadali may hawak hawak itong videocam na naka tutok sa kanya. Sa sobrang inis nya sa ginagawa nito ay naibato nya rito ang una nyang nadampot mula sa katabi nyang lamesita, agad namang nailagan ni Justine ang ibinato nya nagulat pa sya ng maiwan sa ere ang cover ng nahablot nyang libro, para syang binuhusan ng malamig na tubig ng mapagtantong yun pala ang pinaka paborito nyang libro na slow motion pang pumapailanglang sa loob ng kanyan kwarto. Inis, mangiyakngiyak, nanlulumo at nanlalaki ang mga matang naka titig lang sya rito habang dahan dahan itong humahalik sa carpeted na sahig ng kanyang kwarto. Si Justine naman ay tuwang tuwa habang nagpapatuloy sa pag bi-video sa kanya. Sinugod nya ito, agad itong umatras bago pa sya makalapit, mabigat sa loob nyang dinampot ang inihagis na libro tsaka padabog na isinara ang pinto bilang pagganti at upang tumigil na ito sa ginagawa nitong pag ti-trip sa kanya. Nanlulumo nyang pinulot ang napilas na cover atsaka naupo sa gilid ng kama habang titig na titig dito, tinapunan nya ng tingin ang costume na katabi nya at nag dadalawang isip kung makikiisa pa sya sa party ng kapatid.
BINABASA MO ANG
Heaven's Lacrima
FantasySharie Jean Kai, a teen age girl who is head over heels in love with an anime character named Yukiro Saizo, do her love has chance? for he's just an anime character, but what if Yukiro comes to life? will he choose Sharie and love her back? or will...