° Who Are You? °
"Huwag mo akong hawakan, lapastangan." Natigagal ang mga nakarinig, si Cxandra ay napaatras at lumayo sa kanya. Matalim ang mga matang lumingon si Sharie sa mga ito.
"A-anong sabi mo?" Tiim bagang na sabi ni Cxandra, lubhang ikinagalit nito ang sinabi nyang iyon, dahil hindi ito nasanay na inaastahan ng ganoon ng ibang tao.
"Ano ka ba? Bakit nagkakaganyan ka?" Wika ni Alexsa na sa sandaling panahon ay parang di na nakikilala ang kaibigan.
"Sino ka ba para pagsalitaan ako ng ganyan? Tunay ngang hindi nyo ako nakikilala, hindi ako ang iyong minamahal na kaibigan." Natigilan sina Cxandra at Alexsa sa tinuran niya, natulala naman si Jerome na nakaluhod parin sa uluhan ni Yukiro.
"Jerome, papuntahin mo na kaagad si Doktor Soriente dito. Ngayon na!" Matigas na utos ni Cxandra, ramdam ni Alexsa ang galit sa bawat kataga sa utos nito habang naguguluhan ang kanyang isipan dahil sa kakaibang ikinikilos ni Sharie, nahintakutan naman si Jerome at sinunod kaagad ang utos ni Cxandra at tinawagan agad ang doktor sa sariling telepono, ngayon lamang nito nakita na sobra ang galit ni Cxandra.
Bumaling si Sharie sa wala paring malay na si Yukiro. "Sabihin nyo, sino ang gumawa sa kanyang nito?" Sumulyap sya kay Jerome nang hindi nag-aabalang lumungon.
"Hindi namin alam, Nakita nalang namin syang ganyan." Paliwanag ni Cxandra, dahil abala si Jerome sa pakikipag usap sa telepono nito.
Itinapat ni Sharie ang kaliwang kamay nya sa tapat ng sugat ni Yukiro habang sapo ng kanang kamay nya ang kaliwang dibdib.
Nakita nila ang unti unting paghihilom ng sugat ni Yukiro habang bakas ang kapaguran at kirot sa mukha ni Sharie.
Nanlalaki ang mga mata nilang nakamasid dahil sa pagkagulat, naguguluhan ang kanilang isipan dahil sa mga kakaibang kaganapan, napatahimik naman si Jerome na naka tapat parin sa tainga ang sariling telepono.
"What in the world is happening!?" Bulalas ni Alexsa.
"Sharie, how can you do that!?" Wika naman ni Cxandra, napawi na ang kanyang galit ngunit napalitan 'yon ng pagka-takot, pagka-gulat at maraming mga katanungan ngayon ang umusbong at tumatakbo sa kanyang isipan.
"K-kailangan parin po bang papuntahin si doktor?" Tanong naman ni Jerome na namamangha sa nasasaksihan.
Napatukod si Sharie dahil matinding panlalata, dahandahan nyang idinaiti ang sariling katawan sa malamig na marmol, namimigat ang mga talukap ng kanyang mga matang ipinag paubaya nya sa kapaguran ang sariling diwa at tuluyang sinakop ng kadiliman.
"Sha. Sharie!" Wika ni Alexsa nang makabawi.
"Je-jerome!!" Natatarantang sigaw naman ni Cxandra.
Si Jerome naman ay muling kinontak ang doktor at pinapuntang madali sa mansyon.
Humahangos na lumapit naman sina Maria at si Lien na pupungas pungas pa.
"Maria, Lien, pasensya na sa abala, Pero, please pakitulungan muna kami."
• • •
Nakailang kurap si Sharie habang sapo ang sariling ulo, namimigat parin ang mga talukap na mata at nanlalabo pa ang kanyang paningin, Ramdam nya ang sakit ng buo nyang katawan na para bang nakipagbuno sya sa isang daang barumbado at nabugbog dahil kaunting galaw lang ay ramdam nya ang matinding panghihina.
Napakislot sya ng marahang kumirot ang kanyang mga paa sa munti nyang pagkilos, inalis nya ang kumot na tumatakip sa parte at laking gulat ng makita ang mga benda sa dalawa nyang paa.
Unti unti nang lumilinaw ang kanyang paningin saka lamang nya tinapunan ng tingin ang paligid. Hindi nya ito nagawang tingnan ng nakaraang gabi dahil sa sorang takot nya sa kulog at kidlat, at mas abala ang kanyang isipan kung pano pakakalmahin ang sarili.
"Wow! Ang dami palang mga libro dito!?" Namamanghang wika nya sa sarili.
Naputol ang kanyang pag suri at napalingon sya sa pinto ng bigla iyong bumukas at iluwa ang matalik na kaibigan
"Sha. Sharie!!" Pagkakita sa kanya'y napatakbo ito palapit sa hinihigaan nya na para bang matagal na panahon silang hindi nagkita at mahigpit na yakap ang iginawad sa kanya.
"A.Alexsa!? Bakit!?" Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. "May nangyari ba kagabi? May ginawa ba akong kakaiba? Nag sleep walk nanaman ba ako?" Sunod sunod nyang tanong dito.
"Di mo natatandaan!?" Balik tanong ni Alexsa sa kanya. Mayamaya'y muling bukas ang pinto at pumasok si Cxandra, kasunod nya sina Maria na may dalang tray ng pagkain, si Lien naman ay may dalang isa pang tray na may isang baso ng tubig at isang maliit na lalagyan na sa tingin nya ay gamot ang laman, si Jerome ay may dalang maliit na kulay puting kahon, at may isa pang lalaki na hindi nya nakikilala.
"Napanaginipan ko si Daddy." Wala sa loobin nyang sabi ng muli syang humarap kay Alexsa. "Weirdest part is nanduon si Yukiro." Napalingon sya sa mga paa nyang may benda. "What am I saying!?" She titter, saka muling bumaling sa kaibigan "Weird naman talaga ang mga panaginip diba?" Nakamasid lang si Alexsa sa kanya.
"How are you, Sharie!" May lambing sa tinig na sabi ni Cxandra ng makalapit sa kanila. Ipinatong naman nina Maria at Lien ang dala nilang mga tray sa bilog na lamesa malapit sa hinihigaan nya. Inilapag naman ni Jerome ang dalang puting kahon sa upuang katabi ng lamesa saka sama-samang lumabas mula sa silid.
"Masakit lang yung katawan ko saka kumikirot yung paa ko, Pero I think okay naman ako." Sagot nya rito.
"Are you sure, Wala ka bang nararamdamang kakaiba?" Paninigurado nito.
"Wala naman, bakit?"
"Wala ba talaga? Like another being within you? Or something like that."
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan nyang tanong dito.
"Ahh.. Cxandra, can we just don't talk about that now? I think mas confuse sya ngayon kaysa sa atin." Sabat ni Alexsa sa pag uusisa ni Cxandra.
"Oh! Yeah, you're right I'm sorry about that, nag aalala lang siguro ako masyado." Pagpapaubaya nito.
"I'll listen later to what your dreams all about, kwento mo sakin mamaya hah. But for now, you need to eat, and we'll tend to your cuts afterwards, Okay." Baling ni Alexsa sa kanya.
"Cxandra, pasensya ka na hah, nag aalala ka pa dahil sakin, pasensya na rin dahil sa mga sakit ng ulo at abalang naidulot ko." Paghingi nya ng paumanhin.
"We'll talk about that later, okay! Marami rin kasi kaming gustong itanong sa'yo at isa pa, may importanteng bagay pa kaming sasabihin sa'yo. But for now, please do eat." Sagot ni Cxandra sa kanya. "By the way, this is Dr Soriente, Doktor, this is Sharie." Pagpapakilala nito sa kanya sa Kasama nitong doktor. "I think, you should give her a counseling later." Suhestyon pa nito.
"Nice to meet you po." Magalang syang nakipag kamay dito.
"Same here, hija, we'll talk later okay." Sagot ng doktor habang nakangiti sa kanya, bumaling ito kay Cxandra saka nagusap ang dalawa habang lumalakad palayo sa hinihigaan nya.
Hinila naman nya ang braso ni Alexsa na nananatili sa tabi nya. "Alexsa, bakit may doktor pa? Ano bang ginawa ko kagabi?" Usisa nya rito.
"Malalaman mo rin mamaya at tungkol dun din ang gusto naming itanong sa 'yo, kaya kumain ka na jan."
"Wala akong gana eh!"
"You need to eat kahit wala kang gana, Kasi kailangan mong uminom ng gamot."
"Anong gamot? May sakit ba ako?" Wika nya sabay hipo sa sariling leeg.
"Oo, kailangan mong uminom ng amoxicillin para sa sugat mo sa paa." Sabay silang napalingon sa mga paa nya. "Paracetamol para sa lagnat mo."
"May lagnat ako!?" Muli, hinipo nya ang kanyang leeg. "Wala naman eh!"
"Akala mo lang wala, pero meron! At saka, kailangan mo rin uminom ng mga vitamins."
"Alexsa, umuwi na tayo, masyado na akong nahihiya kay Cxandra, isa na akong malaking perwisyo."
"Pano tayong uuwi? Ni hindi ka nga makalakad ng maayos eh, saka yari ako panigurado kay Tita Aileen."
BINABASA MO ANG
Heaven's Lacrima
FantasySharie Jean Kai, a teen age girl who is head over heels in love with an anime character named Yukiro Saizo, do her love has chance? for he's just an anime character, but what if Yukiro comes to life? will he choose Sharie and love her back? or will...