Bequeathed Legatee?
Matapos nilang kumain ay sama sama silang tumungo sa crematory. Binigyan sila ni Cxandra ng taling kulay itim tanda ng kanilang pakikiramay. Itinali nya iyon sa natural na kulay hookers green nyang buhok. Bago pa idaos ang cremation ay hindi na mapigil sa pagiyak si Cxandra. Niyakap nya ito habang patuloy ito sa pag iyak, hindi na rin nya mapigil ang sariling luha kaya pinabayaan nalamang nya itong tumulo. Si Alexsa nama'y nakatayo sa kanilang likuran habang malunglot na nakayuko. Gayon na ang kanilang kalagayan hanggang sa patapos ang cremation.Sakay ng isang limousine pabalik sa mansyon, walang kibo parin sila, ramdam sa katahimikan ang lungkot at kirot sa kanilang mga puso.
Katabi nya sa upuan si Cxandra, may suot itong sunglasses para maitago ang pamumula at pamamaga ng mga mata nito dahil sa pagiyak habang hawak nito sa kandungan ang jar na pinaglalagyan ng mga abo ni Clarrize nasa kabilang upuan naman si Alexsa na malungkot lang na nakatitig kay Cxandra."Can you guys stay for a while." Basag ni Cxandra sa katahimikan habang nakatingin parin sa kawalan. "Is it okay kahit one month lang or two?" Wika pa nito tsaka tumingin sa kanya. Malapit na silang makabalik sa mansyon.
Napangiti naman ang kanyang puso. "Of course, para sayo." Masaya nyang wika. "At least alam kong gumagawa ka ng paraan para ituloy ang buhay." Naisaloob nya habang sumasagot dito.
"But, is it okay, Kung umuwi muna kami at magpaalam? kukuha rin kami ng mga gamit." Wika ni Alexsa na iniingatang may masabing hindi maganda o ikasama ng loob nito.
Ngumiti lang ito bilang pag sang ayon. "Sige, ipahahatid ko nalang kayo."
"Naku wag na, nakakahiya naman po." Nahihiyang wika ni Sharie.
"Pahintulutan nyo na ako, Kung nabubuhay pa si ate Clarrize siguradong gagawin nya rin ito."
"Sharie." Pukaw ni Alexsa sa kaibigan. "Sige po Ms Cxandra, we'll accept your offer." Baling ni Alexsa kay Cxandra. Ngumiti naman si Cxandra sa sagot nito.
Alas sais na sila nakarating sa mansyon, muli, bumalik sila sa kwarto kung saan sila dinala ni Cxandra nang makarating sila dito.
"Is it okay kung dito ko nalang ilalagay ang mga abo ni ate Clarrize?" Tanong ni Cxandra pag pasok nila sa loob habang hawak parin ang sisidlan ng abo.
"Bakit po kailangan nyo pang magpaalam sa kin, bahay nyo naman po ito."
"Ano ka ba? Wag mo na ako i-po, magkasing tanda lang naman tayo eh."
"Ay ganun ba! Pasensya na."
"Itong kawarto kasi, ikaw ang may ari, lahat ng nasa kwartong ito ipinagawa ni ate para sayo, pati yung mga laruan na ginawa nyang yun." Itinuro nito ang mga action figures na katabi ng kwadrong ipinakita nito sa kanya. "Para sayo daw yun." Nanlalaki ang mga mata nya habang nakikinig sa sinasabi nito. "Tsaka." Muli, may itinuri itong book shelf. "Lahat ng kopya ng mga akda nya ipina personalize nya para din daw sayo yun."
"Wow! That cost a million." Amaze na wika ni Alexsa.
"Si-sigurado ba kayo? Hindi makapaniwala nyang sabi. Bawat gawa kasi nito ay libo ang halaga.
"Mas madalas kasi kami ni ate mag stay dito, bago sya namatay, pinapanood ko kasi sya kapag gumagawa sya ng laruan, o kaya nananahi ng costume na outfit ng mga karakter sa akda nya." Masayang wika nito. "Ah! Oo nga pala, yung kwartong yun." Lumakad ito palapit sa isang pinto sa malaking kwartong iyon. "Dito naka display lahat ng mga ginawa nyang costume." Binuksan nito ang pinto at tumambad sa kanila ang katakutakot na costumes na nakasuot sa mga mannequins na nakahilera sa paikot na kwarto.
Di makapaniwalang nilapitan nya ang bawat costume at manghang mangha sa mabusising pagkakagawa nito, detalyadong detalyado ang bawat disenyo. "Sya lang ang gumawa ng lahat ng ito?" Manghang tanong nya kay Cxandra na hawak parin ang sisidlan.
"Oo, kahit yung mga laruan, gusto nya daw kasi bawat gawa nya may personal touch, lalo na pagdating sayo, and she want you to have all this."
"Ang suwerte mo Sharie, I'm so happy for you." Masayang wika ni Alexsa. "Alam nyo po ba Ms Cxandra, gustong gusto nya talaga ang anime, lalo na ang mga gawa ni Ms Feign Fantasy." Pag mamalaki pa nito.
"Talaga? Pareho pala kayo ni ate." Nakangiting wika nito. "I just wanna know kung anong balak mong gawin sa mga pamana nya?
"I'm more than willing to accept all this, Gusto kong ma preserve ang lahat ng to, for her loving memories, dito mo nalang sya ilagay, a complete collection of her artwork para itong museo, to have it is my honor nararapat lang na dito natin sya ilagak, this room tells the story of her life, Ito ang buhay nya. I'm thankful and honored na mapili nya sa dami ng tao, hindi ko na kukunin ang mga ito dito, wala naman kasi akong paglalagyan ng mga yan at isa pa, mas mape preserve sila dito." Masayang masayang wika nya.
"Saan mo sya gustong ilagay?" Muling tanong nito.
Ngumiti sya habang nakaharap dito. "It's for you to decide." Pagpapaubaya nya.
Lumapit naman si Cxandra sa isang mahabang lamesa sa tapat ng isang malaking bintana. "This is the nicest spot, dito rin sya mas madalas pumuwesto, kapag gabi na, lagi syang nakatingin sa langit lalo na kapag napakaraming mga bituwin, I think she'll like this spot." Tsaka nito ipinatong sa gitna ng mahabang lamesa ang sisidlan ng mga abo ni Clarrize. Lumapit din si Alexsa sa mahabang lamesa at ipinatong sa tabi ng sisidlan ang bouquet ng bulaklak na daladala nito buhat sa crematory. "Don't worry Clarizze, we'll help her to cope with her loss, tutulungan namin sya at hindi namin sya pababayaan para mabuhay sya ng masaya." Masaya nitong saloob habang nakatayo sa tapat ng sisidlan.
Lumapit naman si Sharie sa ceter table at kinuha ang kwadro na ipinatong nya doon. "Salamat sa tiwala Clarrize, thank you very much for the friendship you gave even though we didn't get to spend time with each other nor make a happy memories, but the gifts of friendship you gave me, the treasure I will cherish for the rest of my life, don't worry I'll make it up with Cxandra, gagawa kami ng masasayang alaala na ipinagkait sa atin ng tadhana. Masayang winika ni Sharie sa sarili habang papalapit sa bagong kaibigan, inilapag nya sa bandang kanan ng sisidlan ang kwadro tsaka ngumiti nang maalala nya ang tungkol sa metal na book marker na ibinigay nito. Kinuha nya iyon sa dala nyang maliit na shoulder bag at masayang ipinatong sa tapat ng sisidlan.
"Yan yung-" Bulalas ni Cxandra tsaka kinuha ang book mark na ipinatong nya. "Ito nga! Ito nga yun! Saan mo to nakuha?" Naiiyak na tanong nito sa kanya.
"Sa book signing, ibinigay nya iyan sakin, special gift daw yan, bakit?." Nagtatakha nyang sagot dito.
Nagmamadaling inilock nito ang kwarto at hinila ang mga kurtina ng mga bintana tsaka lumapit sa isang malaking portrait ng anime couple sa akda ni Clarrize na My Bright Knight. Hinila nito ang portrait na para bang isang pinto at tumambad sa kanila ang isang vault.
"May isang bagay pa pala syang gustong mapunta sa iyo." Wika ni Cxandra tsaka humarap sa kanila, lumapit naman sila dito.
Ibinalik nito ang tingin sa vault tsaka ipinasok ang card sa maliit na butas, nang iluwa ng vault ang card ay muli nitong ipinasok sa mahabang butas ang card at pinadaus-os sa kabilang dulo.
TSK PSHHHH...

BINABASA MO ANG
Heaven's Lacrima
FantasySharie Jean Kai, a teen age girl who is head over heels in love with an anime character named Yukiro Saizo, do her love has chance? for he's just an anime character, but what if Yukiro comes to life? will he choose Sharie and love her back? or will...