Chapter XIII: Early Attendance

8.5K 150 6
                                    

Sky Nemesis' Point Of View

"It's good to be back," Ryan said happily.

"Napa-aga nga lang," dugtong ni Frances.

Pinasok na namin ang main building, maang silang lahat na napatingin sa amin at kanya-kanyang bumati. Sumakay kami ng elevator para pumunta sa kuwarto ng mga nakakataas. Still the same, it has been years since the last time I step my feet on this bloody organization building.

"Are you ready?" I asked all of them.

"Ready as always," they all answered me in chorus. Tapos pumasok na kami sa kuwarto ng mga nakakataas.

"Sky?" mama looked at me questioningly same with the others.

"I'm—I mean were all going back." I said. They all let a heavy sigh.

"Ano ang problema Sky, alam ko na may problema kayo." Auntie Shirly asked. The mother of Frances. We all sat down in our own chairs.

"Di ko alam pero mukhang naiinip na ang mga dugo nila," sabi ko. Ipinakita ko ang sulat kina Dad.

"At sino naman ang naglagay ng rosas?" Tanong ni Uncle Noel, ama ni Jake.

"Di ko alam pero titingnan namin mamaya sa CCTV." I answered. Bigla namang tumaas ng kamay si Jake.

"Actually di na kailangan dahil na-trace ko na kung sino, si Dark Sebastian.”

"You need to protect him, Sky." Aunt Amelia said. She's the mother of Michael.

"Pwede ba na bodyguards nalang ang bahala sakanya?" I asked them hoping that they would all agree.

"Para sa akin mas maganda kung ikaw mismo ang magbabantay sa kaniya." Suhestiyon ni Uncle Javier. Magp'protesta pa sana ako pero inunahan na ako ni papa.

"It’s for the better."

"Bisitahin niyo muna siya Sky, at mag-inform." Bilin ni Dad sa akin.

"Why would I need to inform him?" I asked. "You know why," Dad answered.

"Fine," I said defeatedly.

"Kami na ang bahala kay Dark, magpapasend kami ng agents." Uncle Vanderphil said surely.

Sumakay na kami sa kanya-kanyang sasakyan namin nagmaneho patungo sa mansion niya. Bago ka makarating sa mansion niya ay kailangan mo pang dumaan sa isang tahimik na lugar na kung saan ay may maraming puno. What will happen? Seeing that person is like hell. He's a devil in and out. And he's the reason why I'm like this. Curse that person.

Mga ilang kilometro nalang ang natitira ay nakita ko na ang mansion niya. Bago pa ako makalapit ay nakabukas na ang gate, mukhang alam na niya na darating ako pati narin ang mga kasama ko. May nag-escort sa amin patungo sa kuwarto ng tinatawag nilang pinuno. Pinapasok kami sa kuwarto niya.

"Maligayang pagbabalik apo,” bati niya at humarap sa amin.

"Long time no see gramps," bati ko pabalik.

"Tila tama ang sinabi ng iyong mga magulang na nagbago kana," sabi niya at ngumisi. A devilish smirk form on my face.

"Matagal na akong nagbago, salamat dahil tinulungan mo ako."

"Walang anuman apo," sagot niya ng pormal. "Kumain muna tayo at doon na mag-usap." Nagtungo kami sa pavillion at doon kumain."Ano ang problema at bumalik kayo ng madalian?"

"May problema po si Master," pagsusumbong ni Ryan.

"Ano naman iyon?"

Di na ako sumagot, gusto ko na sila ang sumagot. Wala akong ganang makipag-usap sa taong tulad niya.

"Gusto na naman ng away ng Magic Makers," sagot ni Jonathan.

"Hmm... Sigurado ako na kaya niyo na ang mga pipitsugin iyong." Sabi ni Lolo sabay punas ng bibig. "Kumusta naman kayo?"

"Mabuti naman po." Si Frances na ang sumagot.

"Mabuti naman kung ganyon, kung ako pa sa inyo ay patayin niyo nalang iyang si Dark Sebastian para wala na kayong problema." Nakangiting sabi ni Lolo. Natahimik kaming lahat sa sinabi niya.

"Damn you gramps," sabi ko ng mariin.

"Sky, language,” sabi ni lolo ng mariin at binagyan ako ng isang masamang tingin. Binagsak ko ang iniinom kong tubig at padabog na umalis.

Nagtungo ako sa silid ko sa mansyon. Kung nandito lang sana si lola ay siguro alam na niya kung ano ang gagawin ko. Ever since grandma died gramps become a rude old man. Well I can't blame my grandma for making gramps like that, my point is it has been five years since grandma died and still gramps can't move on. I pity gramps.

Tumayo ako at naglibot-libot sa mansyon. Habang naglalakad ako ay nakita ko si lolo na pumasok sa isang silid. Sinilip ko ito at doon ko siya nakitang umiiyak habang yakap-yakap ang litrato ni lola.

"Asterine ang laki na ng mga apo natin, at ako naman ay tumatanda na." Sabi ni lolo habang umiiyak.

"Okay lang naman ang mga apo natin maliban kay Sky, nagbago na talaga siya Asterine. Pinagsisisihan ko na sinali siya sa mafia pero kailangan dahil wala ng mamamahala rito." Nakatayo lang ako doon sa may pintuan habang tinitignan si lolo. "At sana ay patawarin mo ako na nagsinungaling ako tungkol sa pagkamatay mo. Mga walang hiy---" Di natapos ni lolo ang kanyang sasabihin dahil biglang tumunog ang telepono ko. Agad naman akong tumakbo at nagtago.

Nakita kong lumabas si lolo at dali-daling nilock ang pinto. Stupid cellphone, I forgot to put it in a silent mode.

Ano ang ibig sabihin ni lolo na nagsinungaling siya tungkol sa pagkamatay ni lola?

Miss Cold-Hearted PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon