Chapter XVIII: Light Sebastian and Maxwell Copeland

6.5K 122 6
                                    

Dark Eugene's Point Of View

Nagising ako dahil sa napakalakas na tunog galing sa aking telepono.

"Hello," I answered the call.                                                      

"Still in dream land," the other line said.

"Sino ka?" Tanong ko habang nakahiga parin at parang walang planong tumayo. Tangina! Ang sarap pang matulog. Next i-sa-silent ko talaga ang telepono ko.

"Kapatid mo ito itim! You only got fifteen minutes to pick me up!”

Napabalikwas naman ako, "Kuya," di makapaniwalang sabi ko. What the eeff! He’s here!

"Bye!” tanging saad niya at saka binabaan ako ng telepono.

Agad naman akong tumayo at naligo. Finally he's here; he can take care of everything. Nang matapos na akong maligo ay bumaba na ako para kumain, nakita ko doon si Trinity na kumakain ng mag-isa.

"Hey, bata!” bati ko kay Trinity na kumakain ng agahan.

"Kuya ika-ilang beses ko pa ba kailangan sabihin sa iyo na hindi na ako baby," reklamo ni Trinity. Ginulo ko naman ang buhok niya at umupo.

"Where are they?" I ask my little sister and then I took a bite from my pancake.

"You know where," Trinity answered as she stood up.

"Saan punta mo, bata?" I ask her. Well her mind seems to be occupied.

"Sa paaralan malamang. Naka-uniporme ako eh!”

"For freshmens and juniors, only!”

"Yeah lucky you," she shouted and leave.

I finish my breakfast fast and then leave to fetch my brother. I wonder how long will he'll be staying.

---

"Late ka Dark," Light commented.

"Grabe ka bro parang mga limang minuto lang naman," sabi ko sabay tingin sa aking orasan.

"How's the old man?" Pang-iiba niya ng istorya.

"Same old rude, old man," I answered.

"How about the Supreme Commander? Is he fine?"

"Fine and becoming more evil," I said. Pumasok na ako sa driver's seat at pinatakbo ang sasakyan.

"Hindi parin nagbabago ang Pinas, ma-traffic parin," komento ni Light.

"Hindi ka parin nagbabago Light," wika ko sakanya.

Umiling lang siya, "Ano handa ka na ba?" Tanong niya saakin.

"Matagal na akong handa, Light," sagot ko at iniliko ang sasakyan.

"Mabuti naman, sila handa na ba?" tanong niya ulit. Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagmamaneho.

"Ihatid mo na lang muna ako sa condo ko at huwag mong sabihin na bumalik ako," bilin niya saakin.

"Bakit?" Naguguluhang tanong ko.

"Basta, ihatid mo nalang ako," sagot niya. Tumango nalang ako at pinark ang sasakyan. "Bro ikaw na ang bahala sa lahat, huwag mo lang silang impormahan na nandito na ako," bilin niya ulit. Pumasok na ako ng sasakyan tutal ay wala din naman siyang ganang sabihin saakin kung bakit.

Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan si Sky.

"Yeah," sagot sa kabilang linya.

"I need my private nurse . . . now," pang-aasar ko.

"Dumbass I got classes today, puwede ba na mamaya nalang, at salamat ah, ng dahil sa iyo headline ako ng boung campus," ramdam ko ang inis sa boses niya.

"Anong headline?" tanong ko.

"Kung uso ang mga newspaper sa inyo edi basahin mo!” at pinutol na niya ang tawag.

Anong ibig sabihin niya na headline? Potek na suplada talaga!

---

"Good morning Mister President," bati ng ilan saakin. Nginitian ko lang sila at dumeritso sa SCR.

"Headline today," bati sa akin ni Trevon sabay bato ng newspaper. Sinalo ko naman ito at binasa.

"What's this?" Tanong ko na tila naguguluhan.

"Newspaper malamang," sagot ni Mia. Tinignan ko naman siya ng masama. "Basahin mo nalang Kuya Dark," sabi niya.

Binuksan ko ito at nakita ko doon yung mga litrato na kinuha ng mga media kahapon. Tragis na media iyon. Sisiguraduhin ko na wala na sila bukas. Napahapo nalang ako ng noo at pumasok sa opisina ko a nagsimulang magtrabaho.

Nakatanggap naman ako ng text galing kay Doctor Martines, "MM marks positive. Wala na ang bata, kahapon lang." Muntik ko ng nabitawan ang aking telepono dahil sa aking nabasa. Pati batang walang kamuwang-muwang pinapakialaman nila.

"Meeting, eight sharp," reply ko at pinatay ang aking telepono. Napaisip naman ako ng bagay-bagay.

Sky Nemesis' Point Of View

"Welcome back Miss Sky," bati ng secretary ko saakin.

"Still no sign of him?" Tanong ko. She just shook her head. Umiling nalang din ako at umupo.

"Miss Sky nandito na po ang bagong miyembro ng Mafia Harris," my secretary reported.

"Let him in," utos kaya binuksan niya ang pintuan at iniluwa nito ang isang matipuno at maputing lalake. Lumabas muna ang aking sekretarya. "Upo ka," utos ko kaya naman ay umupo siya.

"Thank you Ma'am," wika niya habang nakangiti.

"I am not going to play fool here, I want you to find that mask man and bring him to me, dead or alive," diretso kong sabi.

A devilish smile form on his face, "As you wish Ma'am."

"Bago ko makalimutan, ano ang pangalan mo?"

"Maxwell Copeland," simpleng sagot niya.

"Good then, you may leave," wika ko. Tumayo naman siya at nag-bow, hindi parin mawala sakanya ang kanyang ngiti sa labi niya nung lumabas siya. Noong tumalikod siya ay may nakita akong pamilyar na bagay na nakasabit. Pinawalang bahala ko nalang ito at nagpatuloy sa aking ginagawa.

Miss Cold-Hearted PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon