Sky Nemesis' Point Of View
Mahigit dalawang oras na kaming naglalaro ni Dark. Parehas kaming pawisan. Nangunguna ang SWH, dalawang puntos lang ang pagitan namin.
He smashed the ball and I was about to grabbed it when I saw a red small light pointing on Dark's head. Sniper. . .
"Kuya!" Nadinig kong sigaw ni Trinity. Dinambagan ko si Dark at tumama ang bala sa may gilid ni Dark. Tahimik kaming lahat. Nagkatinginan kami ni Dark. He seems shocked and confuse.
"Sweet naman. . ." Wika ng isang pamilyar na boses galing sa itaas habang pumalakpak. Tumingala kaming dalawa sa itaas at nakakita ako ng tatlong tao. Dalawang lalaki at isang babae.
"J. . . M. . . M. . ." halos walang boses kong sabi ng mabasa ko ang naka-print sa kanilang mga itim na t-shirt.
"Ano wala ba kayong planong tumayo?" Pagalit na sigaw ng babaeng naka-puting maskara.
"It is really sweet Jess, I would like to see them like that anyways." A tall man interrupted from right back and wrinkled its nose. He is wearing a red and black stripes mask.
Agad naman kaming napa-ayos. What the hell! I think both of my cheeks heat up.
"Awe, the queen is blushing." She-Jess commented.
"Cute ah, binata kana Dark Sebastian." Komento ng lalaking naka-itim na maskara.
"Sino ka? Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Galit na tanong ni Dark at niyukom ang kanyang mga kamay.
"Hindi mo ba ako ma-recognize?" He spit a gum. "Ikaw Sky, hindi mo ba ako makilala? E, si Marcus, hindi mo rin namumukaan? Ang tanga niyo naman." Tumawa ng mala-demonyo si Jess. Si Marcus naman ay tiningnan lang ako ng diretso. Nagsindi ng sigarilyo ang lalaking sinabihan kami ng tanga.
Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng gym. Rumespunde ang mga pulis kasama ang mga ahente namin.
"Sa susunod!" Sigaw ni Jess at nagtapon ng limang smoke bomb.
"Call me babe." Wika ng lalaking maangas kanina at kinagat ang tainga ko ng mahina. Para akong naging istatwa. Alam ko ang amoy na iyon. Kung hindi ako nagkakamali ay si Maxwell iyon.
Nagkagulo sa loob ng gym. Nilapitan ako nina Michael.
"S-Sky," wika ni Frances at niyakap niya ako.
Nakita kong kinuha ni Missus Amanda ang mikropono. "Ahem, s-sorry f-for the small---"
"Straight to the point please." Mukhang naubusan na ng pasensya ang kapatid ni Dark.
"T-the sport fest is over and we, judges decided that we are not going to continue the game anymore. . . The winner is. . . SWH."
Para kaming nawalan ng bait dahil sa narinig namin. Shoot!
"Excuse me," I said and walked away. Naglakad lang ako papunta sa kung saan ako nakitang umiyak ni Dark.
Dark na naman! Bakit ko ba iniisip ang tanginang lalaking iyon? Bakit palaging siya ang bukambibig ng utak ko. Walang hiya naman o! Napasabunot agad ako ng buhok. Napaluhod ako at tumingala sa batis. Nakikita ko ang repleksyon ng buwan sa tubig.
Lumapit ako sa batis at tinutukan ang aking mukha sa tubig. Nasira ang repleksyon ko ng matuluan ito ng luha ko.
"Why am I crying?" Napatawa nalang ako sa inasal ko. "Ganyan naba talaga ako kamalas! Natalo ako sa pag-ibig pati narin ba sa palakasan matatalo rin ako!"
Two strong arms wrapped my waist and crashed my back into its chest. "Too much drama." I was tensed by the voice. My hot blood turned into cold blood.
BINABASA MO ANG
Miss Cold-Hearted President
Mystery / ThrillerCOMPLETED || Unedited She was the student council president. One day she met Dark, and of course, it's too obvious on what will happen next. Either, mahuhulog siya or si Dark, but fate is too strict for them to be together. A sudden twist of story...