"Ash honey, ibibigay ko lang si nathan kay aling erma!" I shouted habang nagluluto si ash
Lumabas si ash mula sa kusina at hinalikan nito si nathan
"Bye for now baby, I'll see you later. Be a good boy!"
Natawa sya sa trying hard english ng asawa nya, well not in a way na kasal sila pero tinuturing na nya na asawa ito
"Tama ang grammar ah" asar ko sa kanya
Tumawa si ash at piningot ang ilong ko
"Dapat english speaking itong si nathan, para habulin ng chicks"
I rolled my eyes
"Osya dadalhin ko muna ito sa kapitbahay!"
Dinala ko si nathan kay aling erma, isa sa mga kapitbahay namin at mabuting kaibigan, wala itong anak at wala ring trabaho kaya inalok nya ito na mag-alaga sa anak nya na pumayag din naman
"Kayo na po ang bahala kay nathan"
"Oo , iingatan ko ang magandang lahi nito"
Natawa sya sa sinabi ng matanda, her son is indeed a good looking, pinaghalong features nila ni ash ang anak nya , nakuha nito sa ama ang pagkasingkit ng mga mata at ang kaputian nito samantalang sa kanya naman ang ilong at mga labi ng anak
Bumalik ako sa bahay at naabutan ko si ash na naghahanda ng agahan
"Anong oras ang klase mo?" I asked
"9 pa, tapos labas na ako ng 1pm kaya dederetso na ako sa trabaho, halfday na lang ang schedule ko sa trabaho kaya mababawasan ang kita naten" he informed
"Okay lang yun, kapag may pagkakataon ay mago-overtime na lang ako, basta kapag wala na tayong gagawin ay umuwi na kaagad ha para maalagaan pa din natin si nathan"
He smiled and hold my hand
"Pasensya ka na ha, wag kang mapapagod at salamat din, mahal kita"
"Mahal din kita, galingan mo ha, no girls baby"
He smiled, a boy next door smile
"Iyong iyo ako"
Kahit na madalas na silang magkasama ay kinikilig pa din sya
We parted ways at nagpunta na sa kanya kanyang destinasyon namin
I AM walking on the lobby when someone called me
"Hey nathalia!" It's blake , a good friend of mine
"You're pretty today" he said then winked at me
"Ngayun lang? " I joked
New employee lang sya and I am working as a communication staff sa isang company, hindi na rin masama para sa isang undergraduate . Sa buong pagtatrabaho ko dito sa loob ng walong buwan ay walang nakakaalam na may anak na ako, ang hirap kasing humanap ng trabaho lalo kapag may anak na at alam naman yun ni ash
"Araw-araw, wait let me take a selfie" he flashed his camera at nagulat ako kaya sa picture e nanlalaki ang mata ko habang si blake ay nakangiti
After that we head towards our business place, mabilis na lumipas ang buong araw at pauwi na ako sa bahay , agad kong kinuha si nathan pagdating ko at ako na ang nag-alaga, habang natutulog si nathan ay naghanda ako ng hapunan namin, nakakapagod pala talaga ang maging ina pero kakaiba yung fulfillment kapag nakita mong masaya sila sa piling mo
Pinagbuksan ko si ash ng marinig ko ang pagkatok nito sa pinto, alam kong sya yun dahil may ' secret code' kami sa pagkatok na kaming dalawa lang ang may alam para malaman namin na kami yun .
"Good evening hon" I greeted him
Halata sa mukha nya ang pagod pero kaagad din naman itong ngumiti
"Stress?" I asked ng umupo sya sa sofa habang ako naman ay pumupwesto sa likuran nya at inumpisahan syang imasahe
"Naninibago lang" maikli nyang tugon
"Tulog na si nathan, tara kain na tayo" aya ko sa kanya at nagpunta na kami ng dining area
Nagkwentuhan lamang kami sa nangyari sa amin buong araw . Nanibago daw si ash sa pagpasok, kung sabagay 2 years din syang tumigil pero syempre pinapalakas ko ang loob nya.
Naghahanda na kaming matulog, we are cuddling each other ng hiramin ni ash ang phone ko, mago-online daw muna sya kaya hinayaan ko sya habang nakahiga ako sa dibdib nya at ipinikit ang mga mata ko
"Fuck!" Napamulagat ako mula sa papahimbing kong tulog ng malutong na magmura si ash
"Bakit hon?" I asked half asleep
"Sino ito?!" He hissed at ipinakita nya sa akin ang cellphone ko
Nakatag ako sa photos ni blake na kinuhanan kanina at may caption pa na 'she's the good in every morning ' at may puso pang emoticon , oh great!
Dahan-dahan pa akong tumingin kay ash, seloso pa naman ang isang ito, at nakakamatay yung titig nya.
I heaved a deep sigh, kapag ganyan sya dapat hindi mo sabayan ang pagkairita nya dahil sigurado na mag- aaway lang kami ng matindi, that's what I have learned for the past two years that we've been together .
"New employee sya sa accounting department , mga 1 month na sya dyan , ako ang laging nyang nakikita kapag may kelangan sya sa general manager kaya naman medyo close kami" I explained with so much tenderness
Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo nya , nagseselos na naman sya
"Hon, ano ka ba naman? Hayaan mo na sya" I leaned at his chest
"Ayos lang sana , bakit ganyan ang caption?"
Pinitik ko sya noo ng bigyan nya ako ng kaduda-dudang tingin"May I remind you Mr. Ash na hindi alam sa trabaho ko na may asawa at anak na ako di ba ?" I said with full of sarcasm
Marahas itong bumuga ng hangin
"Fine, I trust you"
"Yan ganyan dapat, magsisimula ka pa ng away e" may halong panenermon ko sa kanya
Yumakap sya sa akin at hinalikan ako sa leeg
"Don't you find it sweet? I am possessive, you're mine and mine alone"
Parang biglang lumabas yung puso ko mula sa dibdib ko, nakakakilig talaga sya kapag bumanat, para akong binibigyan ng 'kiss and make up session'
"You're the sweetest" I said as I bent to kiss him on the lips
He respond as he hugged me tight
"Thank you" he said when our kiss ended
"For what?" I asked
"For trusting me, for being with me always and for choosing me despite the fact that your parents hated me because they think I am cruel, a not-so-ideal man"
Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita sya for two years na magkasama kami, ngayun lang sya naging vocal tungkol sa nangyari nuon, and t'was something unexpected.
"Welcome, thank you din ha , for being there always and for taking care of me and our nathan" I kissed him once again
Sinagot nya lang ako ng isang ngiti, I really love this man
"Nakakahawa ang page-english mo lagi" he teased
"Oo nga e, buti nga yun e, mas lalo kang gumagwapo sa paningin ko"
"Asus!"
We hugged each other as we fell asleep .
01|25|16
Ming

BINABASA MO ANG
ABC's Of Love : A is for Attraction
RomansaAttraction is the first step on falling inlove that can be of good or bad on anyone. Namulat sa responsibilidad sina Ash at Nathalia ng biyayaan sila ng anak sa murang edad, nakakatawa na halos buong mundo ang tumututol sa relasyon nila dahil ayaw...