Chapter 19

211 2 0
                                    

Time flies so fast even when you're not having fun, three months had passed and I am still grieving.

Sa isang iglap halos lahat ng mga taong nakapaligid sa akin ay biglang nawala, lahat sila umalis.

Napatingin ako sa pinto ng marinig kong tumatawa si nathan mag-isa at nakita ko na bukas ang ito at tila may kausap, bigla naman akong dinagsa ng kaba.

"Nathan sino ang kausap mo?" nagmamadali akong lumapit sa kanya

"Nathan" binuksan ko ng malaki ang pinto para makita kung sino ang kausap nya

para akong itinulos sa kinatatayuan ko, biglang bumilis ang tibok ng puso ko , parang may sariling buhay na nakikilala ang taong nasa harapan ko ngayun.

"Blake" he smiled at me, a genuine one

"Kumusta na?" I am lost for words

I don't know how to react

"Bakit parang natatakot ka? C'mon, binisita ko lang si nathan" he said while messing my hair

"Si nathan lang? " I said frankly

I am waiting for his answer but I got no response

"Hindi mo ba ako papapasukin?"

Inirapan ko sya at tinalikuran

"ayoko, sumagot ka muna "

Again, he just smiled and as he smiles my heart shattered into pieces .

"How are you? " tanong ko sa kanya ng makapasok sya

"I should be the one asking you that" he replied

"I miss you"

Dahan dahan syang lumingon at tinitigan ako

"magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi kita namiss, pero ayokong makipagkumpetensya sa kanya, take your time, hindi naman ako mawawala"

I know what he means, at alam ko rin na sobra ko na syang nasasaktan, pero sigurado ako na ayaw kong pati sya ay mawala.

"Kumain ka na ba?" I asked

"Ikaw? Kumakain ka ba?"

"Bakit mo binabalik ang tanong sa akin" I said as I pouted

"Ang payat mo na"

And that is true, ang payat ko na nga. Nilapitan nya ako at niyakap, and again , I feel so safe.

"C'mon, regain yourself nathalia, ayokong nakikita kang ganyan"

I bit my lower lip to suppress my tears

"Will you marry me?" I said out of nowhere

Mabilis nyang kinalas ang pagkakayakap naming dalawa at tiningnan ako sa nanlalaking mga mata

"Ano naaa? Pakakasalan mo ba ako?"

"Nathalia, give yourself a break, hindi naman ako mawawala"

Sa inis ko dahil sa sagot nya ay sinapak ko sya sa mukha

"Nakakainis ka alam mo ba yun?!"

Hinabol nya ako ng umalis ako at magpunta ng kwarto, umupo sya sa tabi ko at niyakap ako kahit na inaalis ko ang pagkakayakap nya sa akin

"Nathalia naman"

Sabi nya sa tonong napipikon dahil patuloy ko syang itinataboy

"O ako pa?"

"Intindihin mo naman, gusto ko maging sigurado ka na sa sarili mo, alam mo bang sobrang hirap makipagkumpetensya kay ash? "

"Hindi mo naman kailangang makipagkumpetensya e" I said in defense

ABC's Of Love : A is for AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon