Chapter 16

217 2 0
                                    

ISANG linggo na ang nakalipas mula ng magpunta kami sa ilocos,kahit na tatlong araw lang ang usapan. Bukas ang plano naming umuwi , a moment with ash and nathan is beyond perfect pero sa loob ng isang linggo na yun hindi man lamang nagparamdam sa akin si blake, alam kong may problema at alam kong masakit para sa kanya na may kasama akong iba pero wala naman akong magagawa e, kahit na palagi kong sinasabi sa kanya na mahal ko sya,he always have doubts about it.

"This will be our last day here baby" ash said

"No!" Nagmamaktol si nathan sa kanyang daddy

"Nathan, wag mo ngang kulitin si daddy mo" suway ko sa kanya dahil sinasakyan nito ang likod ni ash

"Hayaan mo na, gusto ko ito"

Natatawa ako habang pinagmamasdan silang dalawa, iba talaga ang nabibigay nilang saya sa isat-isa. 

               MABILIS na lumipas ang isang araw at nakauwi na kami sa bahay.

"Salamat ash ha" he smiled

"Sus wala yun, ako dapat ang magpasalamat sa inyo, kaya thank you, sobrang saya ko"

"You are always welcome, basta kapag kailangan mo ako, nandito lang ako ha"

He smiled, biglang kumunot ang noo nya na parang may hinahanap

"Saan ko nga pala nilagay ang car key ko?" Tanong nito

"Pinahabilin mo sa akin di ba?" Natatawa kong sabi sabay pakita sa kanya ng susi

"Pasensya ka na " he said before he left

I heaved a deep sigh, kinakabahan ako habang papasok sa loob ng bahay,  Alam ko na magkakaroon kami ng pagtatalo ni blake

"I missed you big boy!" Lalo akong kinabahan ng marinig ko ang boses ni blake

"How about me?" I tried to lighten the mood but I got no response, dinala nya sa kwarto si nathan

Matapos mapatulog ni blake si nathan ay nilapitan ko sya

"Are you mad?" I  asked him

"No" parang nag-init ang pakiramdam ko, I've reached my boiling point .

"Bakit ka ba ganyan?! Bakit ba palagi mong sinasabi na okay lang? Na okay ka lang?!" I hissed

Nakakainis lang kasi yung pagpapanggap na ginagawa nya , mas gugustuhin ko na magsabi sya sa akin ng totoo para naman alam ko kung ano ba ang dapat kong gawin

"Kasi okay nga lang talaga ako" mahinahon nyang sabi

"I know you're not !pwede ba blake?!" Naiinis na ako sa pinapakita nya, ayaw kong manghula kung ano ba talaga ang nararamdaman nya

"Wag kang sumigaw, natutulog si nathan" halata na sa boses nya ang pagkairita bago sya lumabas ng kwarto

"Blake ano ba?!" Sinundan ko sya pero patuloy lang sya sa paglalakad at ng hindi na ako makatiis ay sinuntok ko sya sa likod nya na nakapagpatigil sa kanya

"I'm s-sorry" hinging paumanhin ko

Matagal nya akong tinitigan

"Ano ba ang gusto mong marinig ha nathalia?" He asked na halatang nagtitimping sumigaw

"Yung totoong nararamdaman mo" he sarcastically laugh

"Yung totoo? Fine!" Nakita ko kung paano magbago ang ekspresyon sa mukha nya

"Nagseselos ako! Kahit sabihin kong ayos lang ako, I am dying inside, sobrang sakit na alam kong magkakasama kayo" hindi ako umimik kaya nagsalita sya ulit

"Sabi mo tatlong araw lang kayo, isang linggo na pero hindi mo man lamang pinaalam sa akin" dagdag nya

"Sorry" yun lang ang tanging nasabi ko

"Masakit e, alam ko na kailangan kong magbigay kasi may sakit sya, kasi kailangan nya pero alam mo ba yung pakiramdam ko? Pakiramdam ko ako na lang yung nakakahadlang sa inyong pamilya, halos mabaliw ako kakaisip kung anong ginagawa nyo dun na umabot pa ako sa punto na hiniling ko na sana ako na lang ang may sakit, na sana ako na lang ang inaalagaan mo" and for the first time, I saw how blake broke down

Pinahid nya kaagad ang luhang kumawala sa mga mata nya, hindi ko magawang magsalita kaya niyakap ko na lang sya

"Sorry kung ganun ang pakiramdam mo, patawad blake" and I was relieved when he hugged me back

"Okay na ako, totoo na. Ayos na sa akin na nailabas ko na ang mga hinanakit ko this past few weeks" he kissed me on my forehead

"Mahal na mahal kita blake, napapaisip tuloy ako kung deserve pa ba kita" nahihiya kong sabi sa kanya

Piningot nya ang ilong ko

"You deserve me, we deserve each other"
He said as he kissed me

Sobrang saya ng pakiramdam ko ngayung hinahalikan ako ni blake, binabalik nya yung mga bagay na hindi ko naranasan nuon dahil maaga akong nagkaanak, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga pagsubok sa buhay kung wala sya, I am very dependent with him.

                         NAGKUKULITAN kaming tatlo nina blake sa kama ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?"

"Nathalia si ash isinugod namin sa hospital!" Sabi ng mama ni ash sa kabilang linya

"Po?! Saang hospital po?" Kinakabahang tanong ko

Sinabi sa akin ng mama ni ash kung saang hospital nila dinala ito at habang papunta kami ni blake ay abot-abot ang takot  na bumabalot sa puso ko, nagpasya kaming iwanan muna si nathan kay aling erma.

Tumakbo agad ako sa kwarto na itinuro ng receptionist ng hospital

"Mama, ano pong nangyari?" Tanong ko sa mama ni ash na kinasanayan ko ng tawaging 'mama' 

"Nakita na lang namin syang walang malay sa kwarto nya at hindi magising kaya isinugod na namin sya kaagad dito" umiiyak nyang sabi

Nandito kami sa labas ng kwarto kung saan sinusuri si ash at naghihintay, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, ang hirap makita si ash na nahihirapan habang kung ano-ano ang ginagawa sa kanya ng mga doctor para ma-revive sya at habang nanunuod ako sa kanila ay taimtim akong nananalangin na sana maging ligtas sya.

Umabot ng isang oras at kalahati bago lumabas ang doctor at sinabing ligtas na si ash, para kaming nabunutan ng tinik lahat

"Be prepared, maaaring paggising nya ay hindi na nya maalala ang ilan sa inyo or worse, all of you" sabi ng doctor sa amin at unti-unting nadurog ang puso ko , ang bilis at babago pa lamang kaming bumubuo ulit ng mga ala-ala pero may posibilidad  kaagad na ito ay maglaho

Paano si nathan? Why is life being so hard on us? Again, pumatak ang mga luha kong kanina pa pinipigilan, hindi ko na kaya pang magpanggap na matatag ako dahil sobrang sakit, na yung tanging ala-ala na nga lamang namin sa isat-isa ang iniingatan nya pero kinuha pa ito ng sakit nya .

Ming
4|19|16

ABC's Of Love : A is for AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon