Lumipas ang birthday ni nathan na hindi dumadating si mama, tanging sa pamilya lamang ni ash ang mga dumating , nakakalungkot pero kailangan kong tanggapin na hindi pa nila ako kayang patawarin
"Love, may meeting ako sa school ha , gabi na ako makakauwi "
Tumango lamang ako sa sinabi ni ash, he is always busy with his school and work , nangangayayat na din si ash dahil nawawalan na sya ng oras alagaan ang sarili nya kaya naman hanggat maaari ay binibigay ko sa kanya lahat ng kailangan nya .
Ganito araw - araw ang set up naming pamilya, papasok sa trabaho at ihahabilin si nathan kay aling erma, ayos naman kaming dalawa , masaya at kuntento , kung may hihilingin man sana ako, yun ay ang mapatawad na ako nina mama. Everything is perfect not until ash started to change, the way he dress , the way he talk , ibang-iba sya at parang ngayun pa lamang sya nagbibinata
"Amoy alak ka" pansin ko sa kanya ng maamoy ko ang hininga nya
Tinitigan lang nya ako, ang lamig ng tingin nya na nanunuot sa buong pagkatao ko , it makes me shiver
"Buti pa yung mga alak, naiintindihan ako , e ikaw?" Naguguluhan ako sa sinabi ni ash
"Anong ibig mong sabihin? Hindi talaga kita maiintindihan kung ganyan ka, ipaintindi mo sa akin"
Nginisian nya ako, ngising mapang-asar
"Wag na, hindi mo rin naman ako maiintindihan e, kung maintindihan mo man, hindi mo rin ako ipaglalaban, kailan mo ba ginawa yun? Lagi ka namang nakadepende sa akin e" kahit putol putol ang pagsasalita nya dahil lasing sya ay naiintindihan ko ang sinabi nya
Para akong tinulos ng sibat sa puso ko, ang sakit ng sinabi nya , parang ang tagal na nyang gustong sabihin sa akin ang mga salitang yun nuon pa, ang lalim ng pinanggalingan
After how many years?! Ngayun lang sya nagsabi ng nararamdaman nya , palagi syang malakas, matatag at kahit kailan hindi ko sya nakitaan ng pagsuko, ngayun lang. Ang sakit lang na ganun pala yung nararamdaman nya, don't he trust me enough?
"Paano mo nasabi yun ash? Kaya ako nandito, kaya tayo magkasama ngayun ay dahil ipinaglaban kita at pinili kong manatili sa tabi mo" I can't help my tears
Minsan lang magsalita si ash pero kapag nagsabi sya ng nararamdaman nya, tagos hanggang buto
Pagak na tumawa si ash , may halong pangi-insulto
"The end, hanggang dun lang pero yung pangmamaliit ng magulang mo sakin hanggang ngayun dala-dala ko pa rin "
Nag-uunahang pumatak ang mga luha ko , para akong tinakasan ng lakas dahil sa mga naririnig ko mula sa kanya , lasing sya at lahat ng sinasabi nya ay mula sa puso nya
"Kanina alam mo ba na pinuntahan ako ng mama mo sa harap ng school, sinabi nya sa coach ko na may asawa na ako ayun, tanggal na ako sa team , wala na akong scholarship" kasabay ng pagsasabi nya ang pagsuntok sa pader
Kaya ba sya naglasing?
"Dapat sinabi ko na hindi yun totoo, hindi naman talaga kita asawa e, di naman tayo kasal"
Nanatili lang akong tahimik habang umiiyak, nakikinig sa lahat ng sinasabi ni ash , gusto ko syang intindihin at unawain , I want to be reasonable
"Pero ayos na yun, dalawang buwan na lang ga-graduate na ako, di ko na kailangan ng scholarship na yan"
I don't know what to say, I was out with words . Nasa gitna ako ng pagbibigay ng kasiguraduhan sa kanya at sa inis na nararamdaman ko
"Sinisisi mo ba ako?" I asked secretly hoping that he'll say no
"Oo! Nakakapagod na alam mo ba yun? Na kahit anong gawin ko, hindi ako magiging sapat sa mga magulang mo, sige kung ayaw nila sakin ayos lang pero wag na naman nilang pakialaman ang mga bagay na ginagawa at pinagsusumikapan ko"
Nadoble ang sakit na nararamdaman ko ng tumulo ang luha sa mga mata ni ash , ganun na ba sya nahihirapan? Hindi naman sya lang ang nahihirapan , ako rin, pero ginusto ko ito at pinili ko ito kaya lumalaban ako, pero nakakatawa na para sa kanya ay walang kwenta lahat ng sakripisyo ko
Hindi ako umimik, umalis ako at iniwan ko sya, ayoko magsalita dahil baka madagdagan lamang ang problema sa aming dalawa
And that night, I cry myself to sleep
HINDI pa sumisikat ang araw pero gising na ako, halos hindi naman ako nakatulog , ang hirap at ang bigat ng pakiramdam ko ngayun , hindi ko alam kung saan ako lulugar , ginawa ko ang mga ginagawa ko sa normal na araw , nagluto at naghanda ng pumasokMaalala kaya nya? Alam kaya ni ash ang mga sinabi nya sa akin?
Pinilit kong hindi lingunin ang mga papalapit na yabag mula sa likuran ko , natatakot ako sa magiging reaksyon ni ash
Parang biniyak ang puso ko ng lampasan nya ako, naaalala nya. Pero bakit ganun? Ako ba ang sinisisi nya? Ako lang ba ang ginusto ito?
Ash bakit parang bumibitiw ka na?
Hanggang sa makaalis sya ay nanatili pa rin syang walang imik at hindi man lang nya hinalikan si nathan na dati na naman nyang ginagawa . Nakikita ko na ang unti-unti nyang pagbabago and slowly, it's breaking my heart at wala akong magawa kundi ang umiyak , dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko masisisi si ash kung mapagod sya at sumuko dahil simula pa lang lumalaban na sya . Hindi ko alam ang gagawin ko sakaling tuluyan syang manghina at bumitaw.
Hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko, tinatanong ko ang sarili ko kung ano ba ang dapat gawin. Hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula
Lumipas ang dalawang araw na ganun si ash, hindi kami nagpapansinan at kahit magkasama kami ay parang ang layo namin sa isat-isa, ni hindi ko magawang tingnan sya ng mata sa mata dahil alam ko sa sarili ko na may kasalanan ako, ngayun na nararamdaman ko na ang unti-unti nyang pagsuko, ako naman ang lalaban. Maybe he is holding too long, don't let me go ash. Mahal na mahal kita, hindi ko kakayanin kung pati ikaw ay susukuan ako .
Ming
3|02|16

BINABASA MO ANG
ABC's Of Love : A is for Attraction
RomanceAttraction is the first step on falling inlove that can be of good or bad on anyone. Namulat sa responsibilidad sina Ash at Nathalia ng biyayaan sila ng anak sa murang edad, nakakatawa na halos buong mundo ang tumututol sa relasyon nila dahil ayaw...