Naglalakad kami ni blake sa loob ng village ng makasalubong namin si ash, papunta siguro sya sa bahay
"Ash! Ash!" Nakakailang tawag na ako sa kanya pero hindi sya lumingon kaya naman tinakbo ko sya para maabutan
"Ash! Pupunta ka ba sa bahay? Hinabilin kasi namin si nathan kay aling erma e"
Matagal nya akong tinitigan na hindi nagsasalita"Ash?"
"Bakit?" Napakunot ako ng noo
"Ha?"
"Nathalia, a-ah naglalakad lang ako" sabi nya at umalis na ng hindi lumilingon
Nakatingin lang ako habang paalis sya ng bigla syang bumalik
"Nathalia, si nathan?" Naguguluhan ako sa kanya, hindi nya ba naintindihan ang sinabi ko kanina?
"Ash are you okay?"
"Bakit ba yan na lang ang palagi mong tanong sa akin ha?" He said
"Kasi kausap kita kanina at sinabi ko sa'yo kung nasaan si nathan di ba?" Pagpapaliwanag ko sa kanya
Bakas ang pagkagulat sa mukha nya at unti-unti syang umupo sa kalsada na nanghihina
"Ash,anong problema?"
Nagulat ako ng magsimula syang umiyak, duon na lumapit si blake sa amin, at dahil maaga pa ay walang masyadong dumaraan
"Sorry, I am sorry" sabi ni ash habang pinipigilan nya ang pagtulo ng mga luha nya
Hindi ko napigilan ang yakapin si ash
"Ash, nandito lang ako" pagpapalakas ko ng loob dahil alam kong may mali
"Ayoko nathalia, ayoko kayong makalimutan, ayoko!" Iyak nyang sabi sa akin
Hindi ko sya maintindihan pero nanahimik ako, hihintayin ko syang kumalma bago magtanong. Niyaya ko sya sa bahay pagkatapos nyang kumalma.
Eirie silence took over .
"I was diagnosed of alzheimer's" mahinang sagot nya
Ilang minutong walang nagsasalita sa amin ni blake
"Paano? Bata ka pa" sabi ko ng di makapaniwala
"Hindi ko rin alam, unknown cause" hindi man sya naiiyak ngayun alam kong nasasaktan sya
"Ang sakit nathalia, mukhang hindi talaga kayo para sa akin ni nathan, kung alam ko lang na magkakasakit ako sana hindi na lang ako umalis, sana hindi na nasayang ang panahon ko, sana kahit papaano nakita ko ang paglaki niya, nathalia natatakot ako, natatakot ako na baka isang araw magising ako na hindi ko na kayo maalala" this time he broke down
Hindi ko na napigilan ang pag-iyak , nalulungkot ako at parang binibiyak ang puso ko sa dalawa
"Ash bakit hindi mo sinabi kaagad?"
"Kilala mo naman ako di ba? Pero hindi ko na kasi kayang sarilinin ito , bawat minuto mahalaga sa akin kaya ng malaman ko na may sakit ako, bumalik ako kaagad. Ayos na nga rin na andyan si blake e, may mag-aalaga na sa inyo kapag nawala a--"
Hindi ko sya pinatapos magsalita, niyakap ko sya habang umiiyak
" I am sorry ash"
"Bakit ka ba nagso-sorry? Wala kang kasalanan ok?"
Sa buong pag-uusap namin ay nakikinig lang si blake
MATAPOS kaming makapag-usap ay umuwi na si ash, hindi sya nagpahatid ang sabi nya kaya pa daw nya .

BINABASA MO ANG
ABC's Of Love : A is for Attraction
רומנטיקהAttraction is the first step on falling inlove that can be of good or bad on anyone. Namulat sa responsibilidad sina Ash at Nathalia ng biyayaan sila ng anak sa murang edad, nakakatawa na halos buong mundo ang tumututol sa relasyon nila dahil ayaw...