Chapter 15

204 3 0
                                    

"Blake pwede ba kaming lumabas bukas?" I asked him since it is weekend

"Saan kayo pupunta? Samahan ko kayo" he volunteered

"A-ano kasi, nagrequest si ash saken, sabi nya gusto daw nya na maranasan muli na maging buo kaming pamilya" nag-aalinlangan akong sabihin sa kanya but I rather tell him the truth

Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha nya , selos at takot ang emosyong nasa mga mata nya

"So hindi ako pwedeng sumama?" He asked

"Naiintindihan mo naman di ba?" I assured

He heaved a deep sigh

"Iintindihin ko, may tiwala ako sa'yo" he said as he hugged me

"Wag ka sanang magbabago ha" bulong nya sa mga tenga ko habang yakap ako

"Hindi ako magbabago" I promised

               BAKAS sa mukha ni ash ang tuwa habang sakay kami sa kotse, as he requested ay mamamasyal kami ngayun, I don't know where he will take us but I already have an idea

Before, we used to travel with each other at kung pagbabasihan ang tinatahak naming dereksyon ay papunta kami ngayun sa Ilocos, malayo, pero tuwing mapupunta kami sa lugar na ito, nakakalimutan namin ang mga problema, kaya siguro duon nya kami dadalhin

"I will miss this" he said

"Shh, stop thinking negative things okay? Let's just enjoy the moment" pag-iiba ko ng usapan

"Thank you nga pala kasi pinagbigyan mo ako"

"Ayos lang yun" tipid kong sagot
Hindi ako sigurado kung ayos lang ba talaga dahil alam ko na nagtatampo si blake, kahit hindi nya sabihin ay nararamdaman ko , hindi nya kami hinatid man lamang kanina bago umalis.

"Pwede ba akong magrequest ulit?" He again asked

"Ano yun?"

"Pwede bang ako muna ulit? Kahit sa loob lamang ng tatlong araw na ititigil natin na magkasama, pwede bang ako muna ang mahalin mo? " pakiusap nya

Matagal ko syang tinitigan

"Please" dagdag nya
I heaved a deep sigh

"Gustuhin ko man pero mali ash, masasaktan si blake, mahal ko sya at sobra-sobra na ang binibigay nya sa akin, sobrang pag-unawa kaya ayoko syang masaktan" I sincerely said

Malungkot syang ngumiti at nag-iwas ng tingin

"Buong buhay ko na yatang dadalhin ang mga 'what if's' sa buhay ko"

Hindi ko sya sinagot at nagkunwaring tulog habang nasa byahe, oo may sakit sya pero ayaw kong paasahin pa sya sa isang bagay na hindi na maibabalik pa , masasaktan lamang sya at makakasakit pa ako

                 Nagising ako ng narinig ko ang iyak ni nathan kaya naman nagmamadali akong lumabas ng kwarto

"Ash?" I asked him , nakaupo sila sa sala ng hotel na tinutuluyan namin

"Sorry, nagising ka ba sa iyak ni baby?" He awkwardly smiled

"Bakit ba sya umiiyak?"

"Naglalaro kasi kami, inaasar ko sya na di ko na sya mahal, Ayun umiyak" natatawang kwento nya

Niyakap nya si nathan habang nakakandong ito sa kanya

"Baby, hindi iyon totoo, mahal na mahal ka ni daddy, ok? "

Pinagmasdan ko silang dalawa at nakikita ko ang walang katumbas na kasiyahan sa kanila

"Mommy" tawag sa akin ni nathan kaya naman lumapit ako sa kanila

Nagulat ako ng yakapin din ako ni ash

"I am enjoying this gift from heaven" he said

Naputol ang mga sasabihin pa ni ash ng biglang tumunog ang cellphone ko

"Excuse me" sinagot ko ang tawag ni blake

"Nakarating na kayo? " bungad nya sa akin

"Yes, sorry, I forgot to tell you" hinging paumanhin ko

"It's okay" sabi nya sa mahinang boses

Alam ko naman na hindi yun okay para sa kanya , alam ko nasasaktan sya pero dahil sobrang maunawain sya , pilit nyang iniintindi ang mga bagay na alam nyang kailangan kahit pa masasaktan sya

"Mag-ingat kayo dyan ha" paalala nya sa akin

"Oo naman, ikaw din" I replied

"Sana pagbalik mo ikaw pa rin yan, walang nagbago. Maghihintay ako" sabi nya na mahihimigan ang lungkot

"I love you" I said hoping that somehow, I can make him feel assured

Hindi sya sumagot , instead he said his goodbye and then hang up.

I heaved a deep sigh , maybe he's just afraid that he might get hurt.

  after the call ay nakita ko si ash na nakaupo sa sofa habang nakatitig sa akin

"What?" Mataray kong sabi sa kanya

"So near yet so far"

I know that he is pertaining to me

"Sorry"

"Pwede ka bang mayakap?" Tanong nya

Lumapit ako sa kanya at niyakap nya ako, lumipas ang ilang minuto na hindi sya nagsasalita

"Iiyak na muna ulit ako ha" he said out of nowhere

"Ang sakit sakit na kasi , ang sakit pa rin kahit na tinanggap ko na may mahal ka ng iba" nakikinig lang ako sa kanya

"Minahal mo naman ako di ba?" He asked

"Oo naman, andyan ba si nathan kung hindi?" Sagot ko sa kanya

Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kanya habang nakayakap sya at nagulat na lamang ako ng biglang lumuwag ang pagkakayakap nya kasabay ang pagbagsak nito

"Ash!" Nataranta ako ng makita ko syang nakahiga sa sahig, kinakabahan ako .

"Ash! Ash!" I was about to call for a help when he suddenly woke up

"Okay ka lang? Bakit ka ba palaging nawawalan ng malay?!" Nag-aalalang tanong ko sa kanya

"Epekto siguro ng sakit ko" malungkot nyang sabi

"Magpatingin tayo s doctor" pag-aya ko sa kanya pero hindi sya pumayag

"Mas gugustuhin kong makasama kayo kahit sa huling ala-ala ko man lang"

Kahit anong pilit ko sa kanya ay hindi talaga sya pumayag, kaya naman hinayaan ko na lamang sya .

"Where are we going?" Nathan asked

Kahit nauutal ito ay madali namang maintindihan

"Sa beach" masiglang sabi ni ash

Tuwang-tuwa si nathan dahil sa sinabi ni ash, ng makarating kami ay wala akong ibang ginawa kundi ang panuorin sila at kuhanan ng litrato, gusto ko na kapag tuluyan ng nawala ang ala-ala ni ash , may maipapakita ako sa kanya, hindi man maalala ng isip nya ay alam ko naman na hindi mawawala sa puso nito ang anak namin.

"I love you daddy" nakita ko kung paano ngumiti si ash , masaya ako para sa kanya hindi ko kaya na basta na lamang iwanan si ash sa ganitong sitwasyon

"Mahal na mahal din kita nathan, don't ever forget daddy okay?"

"Opo"

Binalot ng kalungkutan ang puso ko, paano ko ba ipapaliwanag kay nathan kapag dumating na yung panahon na makalimutan sya ni ash? Siguradong masasaktan sya.

"Aalagaan mo si mommy mo ha" niyakap nya ng mas mahigpit si nathan at hindi nakaligtas sa akin ang muling pagtulo ng luha nya

Why does this moment have to be so hard?

Ming
4|16|16

ABC's Of Love : A is for AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon