I found myself kneeling on front of the church, begging for ash's safety. Sobrang hirap ng pinagdaraanan nya, umaasa ako na kahit sa pamamagitan ng dasal maibsan ang sakit na nararamdaman nya.
'Lord, I know you have a better plan, the best for ash, please let us see it and understand that you know what you're doing'
Hindi pa ako handa sa mga posibleng mangyari kapag gumising sya and I think I will never be ready . After ko magdasal ay bumalik na ako sa kwarto na tinitigilan ni ash.
"Daddy" napatingin kami lahat kay ash ng magsalita si nathan
Ang tagal nyang hindi nagsasalita, nakatitig lang sya sa aming lahat habang kami ay tahimik na nagdarasal na sana maalala nya pa kami
"Baby" he finally said and then smiled
Para akong nabunutan ng tinik dahil sa pagsalita nya, naaalala nya si nathan.
"Are you ok? Tatawag lang ako ng doctor" sabi ko at nagmamadaling lumabas
Nagtataka ako kung bakit pagbalik ko ng kwarto ay tahimik ang lahat, hindi ba sila masaya na nagising na si ash?
"Hindi mo ako kilala?" Napatingin ako kay blake ng magtanong ito , napakunot ang noo ko
"Hindi, sino ka?, ngayun lang kita nakita" parang tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi ni ash
Hindi nya kilala si blake? Agad kong nilingon ang doctor na naka-assign kay ash
"Bakit po ganun? Bakit hindi nya naaalala si blake?!" I hissed
"Sinabi ko na sa inyo, be ready, unti-unti ng nawawala ang ala-ala nya" the doctor said
Nanghihina akong napaupo sa sofa na katabi ko
"A-anak, kami ng papa mo? Naaalala mo ba kami?" Matagal nyang tinitigan ang mga magulang nya bago umiling , kasunod nuon ang pagiyak ng mga ito
"I am sorry, so sorry that I can't remember you" umiiyak na din na sabi ni ash
Maririnig ang iyak sa loob ng kwarto, maswerte pa din kami kasi naaalala nya kami ni nathan.
MAKALIPAS ang ilang araw ay pinayagan na ng doctor na umuwi si ash, at napagkasunduan namin na ako muna ang mag-aalaga sa kanya dahil kami na lang ni nathan ang natatandaan nya.
"Dyan ka lang ha" bilin ko kay ash
Inihanda ko ang kwarto na tutulugan nya, katulong ko si blake sa pag-aalaga kay ash
Pinaghandaan namin ang kwarto nya, pinuno namin ng larawan nya, ng pamilya nya kasama kami ng sa ganun ay makita nya na hindi ibang tao ang mga nakapaligid sa kanya.
Halata ang pagkamangha sa mukha ni ash sa mga larawang nakikita nya, pinigilan ko ang mga luhang gustong pumatak sa mga mata ko , ayoko ng ganito, ang bigat-bigat sa pakiramdam na nakikita namin si ash pero ang layo nya na sa katotohanan
"Magpahinga ka na" I said pero umiling sya
"Ayoko, natatakot ako na baka pag gising ko, hindi ko na kayo maalala ni nathan"
"Wag kang mag-alala, aalagaan pa din kita" sabi ko sa kanya habang hawak ang mukha nya, pumikit sya at dinama yun
"I love you" and I smiled
"I love you too" I said as I kissed him
Niyakap ko sya at di kalaunan ay nakatulog na din si ash
"He really holds a special place to your heart" napatingin ako kay blake na nakasandal sa hamba ng pinto, magsasalita na sana ako ng muli syang umimik
"Don't worry, tanggap ko yun. Hindi na yun mawawala sa'yo and I respect that" napatitig na lang ako sa kanya habang nagsasalita sya, napakabait nya talagang tao, hindi na ako magtatanong kung ano ba ang nagawa ko para ibigay sya sa akin bagkus ay magpapasalamat na lamang ako. Mabilis na lumipas ang dalawang linggo, regular ang pagpapacheck-up namin sa doctor hanggang sa dumating kami sa punto na pinaka-kinatatakutan namin, ang pati kami ay hindi na nya rin maalala.
NAGISING kami dahil sa malakas na sigaw na nagmumula sa kwarto ni ash kaya naman nagmamadali kaming pumunta ni blake
"Aah! Aaahh!" Patuloy na sigaw nito habang hawak ang ulo nya
"Ash?! Anong nangyayari?! Are you ok?, ash!" Kinakabahang tanong ko, he didn't respond, patuloy lang ang pagwawala nya
"Mommy!" Napatingin kami kay nathan ng pumasok sya sa kwarto
"Sige na thalia, ako ng bahala kay ash" blake said
"Sigurado ka?" Tumango lang sya bago sapilitang pinahiga si ash sa kama
Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang tumahimik si ash, ng pumasok kami sa kwarto ay nakita namin na may hawak itong laruan ni nathan. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari pero sinabihan na kami ng doctor na posibleng mangyari ito, bumabalik sa pag-iisip bata ang mga taong may alzheimer.
Natutop ko ang bibig ko habang pinagmamasdan si ash, pinanghihinaan na naman ako ng loob pero alam ko sa sarili ko na kailangan kong maging matatag. Ipinaghanda ko ng makakain si ash kahit may sakit sya ay kailangan nya pa ring maging malakas sa pangangatawan
"Ash kain ka na" but he did not even bother to look at me, patuloy lang sya sa paglalaro
Pinilit ko syang subuan, pakiramdam ko ay si nathan ang inaalagaan ko, kaya kahit mahirap at nakakapagod ay tutuparin ko ang pangako sa kanya nuong naaalala nya pa ako.
Napatingin ako sa labas ng tumunog ang doorbell
"T-tita" bati ko sa magulang ni ash
Ngumiti siya pero hindi man lamang umabot ang ngiti nya sa kanyang mga mata, kung meron mang higit na nasasaktan bukod sa amin, walang iba kundi ang mga magulang nya , sinamahan ko sya papunta sa kwarto ni ash at umiiyak syang yumakap ng makita nya si ash na natutulog
"Miss na miss ko na yung malambing kong anak, gustong-gusto ko na marinig muli ang pagtawag nya sa akin ng 'mama', sana ako na lang, marami pa syang pangarap para sa inyo" kusang tumulo ang mga luha ko
"Alam mo ba, sobrang umiyak ang batang yan ng malaman nya na may iba ka na, umiiyak syang nakayakap sa akin habang sinisisi ang sarili nya, mahal na mahal ka nya at hindi yun nagbago nathalia" dagdag pa nya
"Pasensya na po kayo ha, kung hindi ko nagawang panindigan ang pangako ko na mamahalin ko sya hanggang sa huling hininga ko" hinging paumanhin ko
"Wala kang kasalanan, nagmahal ka lang, minsan nga sumasagi sa isip ko na mabuti na rin yung ganito na wala na syang maalala, sa ganitong paraan kasi nawala yung sakit ng pagkawala nyo"
Buong araw na halos pagmasdan lamang si ash ang ginawa ng mama nya, halata sa mga mata nya ang sobrang sakit at lungkot pero walang magawa. Dito sya nagpalipas ng gabi dahil gusto daw nyang makasama si ash. Naghahanda na kaming matulog nina blake ng biglang sumigaw si tita
"Nathalia! Nathalia!"
Nagmamadali akong pumunta ng kwarto kung saan nanggaling ang boses ni tita
"Tita? Anong nangyari?!"
"Nawawala si ash! Hinanap ko na sya sa buong bahay pero hindi ko sya makita" umiiyak na sabi ng mama ni ash
Nagmamadali kong sinuyod ang kabahayan at ng hindi namin makita si ash ay lumabas na kami ng bahay at nagtanong tanong , hanggang sa makababa na kami ng building na tinutuluyan namin ay wala pa rin si ash .
"Ang alam ko dito sya nakatira e "
"Ay oo, kasama yan nung magandang babae "
"Alam ko ash ang pangalan nyan e"
Napahinto ako sa paghahanap dahil sa narinig ko at nilingon ang kumpulan ng mga tao, hindi ko alam pero kinakabahan ako, nagmamadali akong sumingit sa kanila hanggang sa para akong itinulos sa kinatatayuan ko at nakita si ash na naliligo sa sariling dugo habang nakahiga sa gitna ng kalsada , unti-unti akong tinatakasan ng lakas at halos gumapang ako palapit sa katawan niya habang patuloy ang pagpatak ng mga luha ko.
Mingming
05|7|16

BINABASA MO ANG
ABC's Of Love : A is for Attraction
RomansaAttraction is the first step on falling inlove that can be of good or bad on anyone. Namulat sa responsibilidad sina Ash at Nathalia ng biyayaan sila ng anak sa murang edad, nakakatawa na halos buong mundo ang tumututol sa relasyon nila dahil ayaw...