Chapter 18

203 3 1
                                    

Biglang naglaho ang lahat ng nakapaligid sa akin, wala akong ibang makita bukod kay ash na nakahandusay sa kalsada

"Anong ginagawa nyo?! Bakit nanunuod lang kayo?! Call for a help for goodness sake!!" Sinigawan ko ang mga taong nanunuod, naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin

"nathalia" nilingon ko si blake

"Blake dalhin natin si ash sa hospital" iyak lang ako ng iyak habang isinasakay si ash sa sasakyan, naging mabilis ang pagkilos ni blake

halos paliparin na nya ang sasakyan dahil hindi na humihinga si ash pero hindi kami nawawalan ng pag-asa

"Anak! Lumaban ka please! Anak gumising ka , mahal na mahal ka namin" lalo akong napaiyak ng makita ko kung paano lumuha ang mama ni ash

Pagdating namin sa hospital ay idineretso namin sya sa emergency room

"Doc please, save him" iyak lang ako ng iyak habang nagmamakaawa

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni tita, pinanghihinaan na kami ng loob pero alam ko sa sarili ko na kailangan kong magtiwala na hindi kami iiwan ni ash, hindi ganitong kaaga at sa ganitong paraan. Pero wala pang sampung minuto ng biglang lumabas ang doctor na nagasikaso kay ash

"I am sorry, we did everything pero he was dead on arrival" bumuhos ang luha ng mama ni ash , iyak nya lang ang maririnig sa buong hallway habang ako ay tahimik lang habang patuloy ang pag-agos ng mga luha

"Maraming dugo ang nawala sa kanya at nagkaroon din ng fracture ang bungo nya kaya nahirapan din ang pasyente to survive, again I'm sorry" tumakbo ako sa emergency room at niyugyog si ash

"Ash! Gumising ka! Wag mo kaming iwan, ash ano ba?! " patuloy lang ang pagyugyog ko sa kanya , umaasa na imumulat nya ang mga mata nya .

"Di ba nangako ako na aalagaan kita? Ayaw mo na bang magpaalaga kaya susuko ka na?! Ash naman e! Ang daya mooo!" Napaluhod na lamang ako sa sahig habang hawak ang mga kamay nya

Ang sakit, sobrang sakit na pakiramdam ko ay gumuho ang buong mundo ko

"Nathalia" niyakap ako ni blake at sa mga yakap nya ako humugot ng lakas

Hindi ko kaya, hindi ko kayang mabuhay ng wala ka ash.

ISANG oras na akong nakatulala, hindi pa rin kayang tanggapin ng buong pagkatao ko na wala na si ash .

"Nathalia, kumain ka na" alok sa akin ni blake

"bakit ang sakit?" I asked without glancing to blake

Tumabi sya ng upo sa akin

"Because you love him that much" nahimigan ko ang sakit sa boses ni blake pero hindi ko na nagawang magtanong pa

"I do?" I again asked

"Yes, alam ko na hindi ito ang tamang oras para sabihin ito pero mahal mo sya, hindi naman sya talaga nawala dyan sa puso mo e at sa buong pagsasama natin , alam ko yun at ramdam ko" nilingon ko siya

"Mahal mo sya, siguro napagod ka lang pero mahal mo pa rin sya" umiiyak na sabi ni blake

"Tama ka nga siguro blake, kasi ang sakit sakit, yung kaalamang wala na sya, hindi kayang tanggapin ng puso at utak ko" hindi ko napigilang yakapin siya, hindi sya umimik at dinamayan nya lamang ako hanggang sa mapagod akong umiyak .

"Mommy!" Nilingon ko si nathan habang tumatakbong lumapit sa akin

"why are you crying?" He asked

Paano ko ba sasabihin sa kanya na wala na ang daddy nya? He is a smart kid, malalaman nya rin kung magsisinungaling ako

"nakita na po ba si daddy?" Matagal kong tinitigan ang anak ko, hindi ako makapagsalita kaya niyakap ko na lang sya at saka umiyak

"Mommy" then he started to cry

Ang sakit sakit sobra, I don't know how to start a life without ash.




A week had passed , nandito kami ngayun sa puntod ni ash kasama ang anak ko.

"miss na miss na kita" sabi ko sa harap ni ash

"we miss you daddy" pagkasabi nito ay nagtatakbo na sya at naglaro

I heaved a deep sigh

"hindi ka talaga nawala sa puso ko and it was too late now" hinawakan ko ang lapida nya

"Si blake? Umalis muna sya, he said kailangan ko daw linawin kung ano ang gusto ko, hindi daw nya kayang makihati at makipagkumpitensya lalo na sa'yo" tumulo ang luha sa mga mata ko

"Naiintindihan ko naman sya e, he's right magiging unfair ako kung hindi ako sigurado sa sarili ko"

nagpalipas pa kami ng ilang oras bago umuwi ng bahay, pinagmasdan ko ang mga larawan na nakasabit sa dingding, hinawakan ko ang larawan ng buong pamilya ko

"Hindi man lamang kayo nagkaayos nina mama" and as if on cue, may kumatok sa pinto

"Ma" tanging nasabi ko ng makita ko sina mama at papa

"Hindi mo ba kami patutuluyin?" She asked

"Kung nandito po kayo para maliitin na naman ako, then no" matigas kong sabi sa kanila

Ngayung wala na si ash at umalis si blake, I must learn how to fight for myself

"Hindi ka pa rin ba babalik sa amin? Wala na si ash pati si blake" tigas na sabi ni mama

"No, hindi ko sasayangin ang pagtatanggol nila para sa akin, hindi ko na po hinihingi ang pagpapatawad nyo" then without blinking, I closed the door kahit masakit para sa akin

Kailangan nilang maisip na hindi tama ang ginagawa nila, hindi ako ang may kailangan ng pagpapatawad kundi ang mga sarili nila

Bakit ba sobrang gulo ng buhay ko? Halos wala na akong magawa kundi ang magpatangay sa agos ng buhay , and I'm drowning .

I once asked myself, wala ba akong karapatang maging masaya? hindi ba ako worth it? Gusto kong maniwala na may rason ang lahat ng ito pero hindi ko alam kung paano, I am slowly drifting with my life, a total mess and fucked up .

mingming
5/31/16

ABC's Of Love : A is for AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon