Chapter 11

236 6 0
                                    

Pinagmamasdan ko si nathan habang natutulog ng bumukas ang pinto sa kwarto ko

"Pwede ba akong pumasok?" He asked

"Sige" tumabi sya sa akin ng upo sa sahig at pinagmasdan din si nathan

"Ang swerte mo sa anak mo" blake said

"Oo naman, mahal na mahal ko sya, sya na lang ang meron ako e" and my tears fell

Hinawakan nya ang mukha ko at tiningnan ako sa mga mata ko

" you have me, alam ko mahirap para sa'yo ang magtiwala ulit pero totoong mahal kita" he confessed

"Akala ko ba?" Naguguluhang tanong ko sa kanya

"Hindi ko agad sinabi sayo ng sabihin mong gusto mo ako kasi natatakot ako para sa sarili ko at para sayo, na baka naguguluhan ka lang, tanggap ko naman nung una na mahal mo si ash at may anak na kayo pero nuong sabihin mo sa akin na gusto mo ako ay nabuhay ang pag-asa sa akin" he hold my hand

"So, the feeling's mutual, tayo na ba?" I asked

"Magpakipot ka naman ng konti" he said while pinching my nose

"Sa dami ko ng napagdaanan uso pa ba sa akin yun? "

Sumeryeso sya

"You deserve it, hindi dahil may anak ka na hindi mo na deserve ang maligawan , ok? From now on, you must know your worth"

"Bakit ganyan ka? Bakit sobra mo akong pahalagahan?" I asked

"Kasi mahal kita at tsaka gusto ko maging sigurado ka sa sarili mo, hanggang hindi kayo nagkikita muli ni ash hindi mo masisiguro kung wala na ba talaga" he said

"Wala kang tiwala saken ng sabihin kong gusto kita?"

"Ayaw ko lang pumasok sa isang bagay na hindi ka naman sigurado kasi kung mahal mo pa si ash, handa akong magparaya" he smiled

Sobrang bait nya, giving me doubts if I really deserve him

That night we sleep together, nasa gitna namin si nathan and flashback follows, nuon kami nina ash yung ganito. Nasaan ka na ba? Gusto ko ng closure para malaman ko ang dapat kong gawin at para makapagsimula muli ako ng bagong buhay

     

                              LUMIPAS ang ilang buwan at naging masaya ako sa set up namin ni blake, walang kami pero we care about each other . He always told me how much he loves me pero kapag ako na ang magsasabi na mahal ko sya ay palagi nyang sinasabi sa akin na kailangan ko daw munang makita si ash at tanungin ang sarili ko kung gusto ko pa daw ito .

At katulad ng palagi nyang sinasabi, nangyari nga ang gusto nya. I am so shocked sa nakikita ko ngayun sa harap ng pintuan ko

"A-ash" hinang hina ang boses ko

Hindi ko alam ang gagawin ko , paulit-ulit kong naririnig ang sinasabi ni blake , tulad ng sinabi nya pinakiramdaman ko ang sarili ko pero wala, hindi ko na maramdaman yung dating excitement na naibibigay nya tuwing nandyan sya

"Nathalia" niyakap nya ako, sobrang higpit pero hindi ako gumanti

Ngayun alam ko na, si blake na ang mahal ko

"Pasok ka" aya ko sa kanya , I want closure

Huminga ako ng malalim ng makaupo sya sa sofa

"Kumusta ka? Kayo ni nathan?" He asked

Halata na naiilang sya , ngumiti ako, totoong ngiti

"Masaya na ako ngayun sa piling ni blake" deretso kong sagot sa kanya

ABC's Of Love : A is for AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon