Mahigit isang linggo na ang nakakalipas mula ng umalis ng bahay si ash at halos araw at araw ay nandito si blake sa bahay . Nakakatawa na halos lumuwa yung mga mata ng kapitbahay namin dahil may nakikita silang ibang lalaki sa bahay.
Sa loob ng isang linggo na yun, hindi na din nagparamdam si ash , hindi na sya tumatawag o nagtetxt, At habang tumatagal nasasanay na ako.
I am getting used to doing it alone and making decisions on my own.
"Huy thalia! Hindi ko mapatahan si nathan" blake shouted from the living room
Iniwan ko ang niluluto ko at pinuntahan si nathan , nakakatawa ang itsura ni blake habang hindi magkaintindihan sa pagpapatahan sa anak ko
"Akin na nga" kinuha ko si nathan mula sa kanya at nagpabreast feed
"Ayaw nya kasi ng bottled milk e, mas gusto nya yung galing sa--"
I wasn't able to finish my words when I saw blake's reaction
Nanlalaki ang mga mata nya at medyo nakanganga pa habang nakatingin sa dibdib ko?!
Agad- agad akong tumalikod mula sa kanya , pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa mukha ko
"Sorry, nawala sa isip ko" hinging dispensa ko, nasanay kasi ako kay ash
Matagal bago sya nagsalita and then after a while he laughed. So hard.
" Anong nakakatawa?!" I hissed
"Ang panget!" Yun lang ang sinabi nya habang nagmamadaling pumunta ng kusina, kitang kita ko kung paano mamula ang mukha ni blake. Nakakahiya!
Nagkulong lang ako sa kwarto dahil hindi ko alam kung paano ko kakausapin si blake, ang awkward! Napalingon ako sa pinto dahil sa sunod-sunod na katok
"Hoy! Hindi mo na ba ako lalabasin dyan? Napakaarte nito"
Huminga ako ng malalim bago ko sya pagbuksan ng pinto at nakayuko akong lumabas
"Aray! " kinotongan nya ako
"Wag ka ngang mahiya dyan, marami na akong nakitang ganyan at mas malaki pa" pang-aasar nya sa akin
"Bastos ka!" Tinuktukan ko sya sa ulo pero dahil sa pagiging palabiro nya nawala yung pagkailang ko
"Turuan mo akong magluto" inakbayan nya ako patungo sa kusina
Inihanda ko na ang mga rekado para sa pagluluto ng sinigang, yes, sinigang! Hindi daw kasi sya marunong magluto and what do you expect from this guy, bata pa sya at single nasa stage pa sya ng page-enjoy though halos magka edad lang kami pero kasi mas maaga siguro akong nagmature dahil sa mga responsibilidad ko
"Wag ganyan ang paghiwa mo ng labanos pa slant kasi wag bilog" suway ko sa kanya
"Bakit? Nakakapagiba ba yun ng lasa? Sus"
"Nagpapaturo ka ba o nagrereklamo ha?" Pinameywangan ko sya at tinaasan ng kilay
"Eto na ganito ba?" Inayos ko ang pagkakapwesto ng kamay nya at sinabayan ang paghihiwa nya
"Uy ganitong ganito ang mga napapanuod ko sa movie pero dapat ako yung nasa likod mo at nagtuturo sayo" pabirong sabi nya habang tumatawa
Nakaramdam na naman ako ng pagkailang at guilty na rin dahil alam kong magseselos si ash kung makikita nya ito
"Eto naman masyadong seryoso, nagbibiro lang naman ako"
Ipinagpatuloy ko na ang pagtuturo sa kanya ng pagluluto and it was fun, jolly sya at malakas rin ang sense of humor kaya naman madali para sa kanya na pangitiin ako
FIVE months, it is been two months na walang ash , yung isang linggo nadagdagan at ngayun I am losing hope. Pinipilit ko ang sarili ko na wag ng umasa dahil habang patuloy akong naghihintay ay lalo lang akong nasasaktan. Tumingin ako sa dalawang lalaki na nakahiga sa sofa, all those times hanggang ngayun ay nasa tabi lang namin si blake, ilang beses ko syang sinubukang itaboy palayo dahil alam kong mali pero hindi sya pumapayag .
Mali na mapalapit sa kanya si nathan at mali na pati ako ay may kakaibang nararamdaman . I know that it is too early to say pero yung lungkot sa pagkawala ni ash ay unti-unting nawawala pero alam na alam ko na hindi dapat dahil maraming maaapektuhan . Baka masyado lang akong nalulungkot kaya yung kakulangan ni ash ay hinahanap ko sa iba na napupunan naman ni blake .
Lumapit ako sa sofa na hinihigaan ni blake at nathan, umupo habang nakatitig sa kanila, hindi ko maiwasan pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakakainis! Ganun ba ako kababaw? Na ipagpapalit ko yung halos limang taon naming pagsasama ni ash?
'Natutuwa ka lang sa kanya dahil napapasaya nya ang anak mo, yun lang yun' Pagkumbinsi ko sa sarili ko
Hinaplos ko ang mukha ni blake, I traced his eyebrow, to the bridge of his nose down to his lips. Habang ginagawa ko ito ay palakas ng palakas din ang tibok ng puso ko, naiinis ako sa sarili ko kung bakit ko nararamdaman ito sa kanya, ofcourse this is not new to me but it's completely wrong.
Kahit na anong pigil ang gawin ko sa sarili ko ay hindi umuubra dahil patuloy ko lang ibinababa ang mukha ko palapit sa mukha ni blake, and when I touched his lips I feel the magic within me. Kinalas ko ang pagkakalapat ng mga labi namin, Isn't it ironic? I've been inlove to ash for almost five years and now I maybe inlove to blake for just five months? I must be nuts.
Dali-dali akong umakyat ng kwarto, hindi pwede! May anak na kami ni ash,I should focus more on nathan , pero paano? Hindi ko naman pwedeng ipagtabuyan na lang si blake dahil napalapit na din sya sa anak ko .
I wiped my tears, why does it feel so right?Natigil ako sa pag-iisip ng may kumatok sa kwarto ko
"Thalia, gising na si nathan, tara kain na tayo"
I heaved a deep sigh, the struggle is real .
"Sige susunod na ako"
After five minutes ay lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko si blake at nathan na naglalaro.
"Huy baka mahulog yung anak ko" suway ko kay blake, hinahagis nya kasi si nathan sa ere at tsaka sasaluhin
"Hindi yan, magaling kaya akong sumalo kapag may nahuhulog sa akin" he teased as he winked at me
Ako lang ba? Ako lang ba ang nag-iisip na baka may ibig sabihin syang iba?
"Pwede ba?! Umuwi ka na nga!"
I shove him away out of the suddenNakakainis kasi e! Hindi ko magawang kontrolin ang sarili ko .
Halata ang pagkagulat nya sa pagsigaw ko
"Galit ka? May masama ba sa sinabi ko?"
"Just, just go home ok?!" I hissed
Kahit na takang-taka ay sinunod nya ako , umalis syang bagsak ang balikat , pwede ko na bang gamitin yung linyang 'it's not you, it's me?'
Lalo akong kakonsensya ng halikan nya si nathan sa noo bago lumabas ng bahay .
This is dangerous.
Mingming
3|16|16

BINABASA MO ANG
ABC's Of Love : A is for Attraction
RomansaAttraction is the first step on falling inlove that can be of good or bad on anyone. Namulat sa responsibilidad sina Ash at Nathalia ng biyayaan sila ng anak sa murang edad, nakakatawa na halos buong mundo ang tumututol sa relasyon nila dahil ayaw...