Chapter 6

219 4 2
                                    

Isang buwan na ang nakakalipas mula ng magbago si ash at sa loob ng isang buwan na yun, hindi ako sumuko . I can accept the fact na baka dahil pagod na nga sya kaya pinipilit kong lumaban, kumapit dahil gusto ko, dahil mahal ko sya pero paano ko gagawin yun kung pakiramdam ko ay ako na lang ang lumalaban?

Madalas syang umuwi ng lasing, maaga syang umaalis at gabi na umuuwi , hindi na nya ako kinakamusta ganun din si nathan , isang buwan na akong walang alam sa kanya . Lahat ng yun ay kaya kong tiisin dahil mahal ko sya, pero hindi ko na ata kakayanin kung magkatotoo pa ang hinala ko.

Tiningnan ko ang cellphone nya habang naliligo sya at laking gulat ko ng makita ko sya kasama ang ibang babae, hindi ako malisyosong tao para isipin na may relasyon agad sila pero ano ba ang dapat kong isipin at maramdaman kung ang pwesto nila ay magkapatong? Nakahiga ang babae sa dibdib nya at halata sa mga litratong yun na wala silang saplot.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko, ang sakit-sakit . Patuloy ang pagdaloy ng mga luha ko na kahit anong gawin kong pagpunas ay wala ring silbi . Gusto kong magtanong , gusto kong sumigaw pero hindi ko mahagilap yung boses ko , ang alam ko lang nasasaktan ako, hindi ko magawang magalit sa kanya dahil sinisisi ko ang sarili ko kung bakit sya nagkaganun.

Mabilis kong ibinalik ang cellphone nya at nagkunwaring tulog ng marinig kong tumigil ang pagtulo ng tubig sa banyo, at ng tumabi sya ng higa sa kama , pinipigilan kong saktan sya , at sa huli ay pinili ko na lang tumahimik, umiyak at sarilihin ang sakit na nararamdaman ko, umaasa na sana bukas wala na, sana panaginip lang lahat ng ito .

MAAGA akong nagising dahil sa totoo lang hindi naman ako nakatulog, yung sakit hanggang ngayun damang dama ko pa pero sa kabila nun umakto ako na parang normal ang lahat, nagluto ako ng agahan.

"Kain ka na" aya ko sa kanya ng magising sya at wala akong nakuhang sagot mula sa kanya

Hindi ako sumabay ng pagkain, hindi ko kaya magkunwari na ayos lang ako kasi alam ko na kapag nagtama ang mga mata naming dalawa ay bibigay ako

Inihabilin ko si nathan kay aling erma at pagkatapos nun ay umalis na ako ng bahay para pumasok ng hindi nagpapaalam sa kanya, hindi ko nagawang makapagtrabaho ng maayos dahil iniisip ko kung ano ba ang dapat kong gawin.

Nagulat ako ng pagdating ko ng bahay ay andun na si ash

"Bakit ngayun ka lang?" He asked

Pinigil ko ang tumawa ng pagak

"Namili ako ng gatas at diaper ni nathan" simpleng sagot ko sa kanya bago ko sya nilampasan

Siguro naman sa pagkakataong ito pwede na akong magalit?

"Hanggang 4 ka lang di ba? Anong oras na alas 8 na! Hindi naman ganun kalayo ang bilihan!"

Duon nagpanting ang tenga ko

"Ano bang alam mo ha?! Hindi mo alam kung gaano ka-traffic papuntang supermarket, kaya wag kang sumigaw na parang alam mo lahat!, okay?!"

Halata na nagulat sya sa pagsigaw ko, hindi ako yung tipo ng tao na sumisigaw pero ngayun hindi ko na talaga kaya , sasabog na ang dibdib ko

"Wag mong ibuhos saken ang pagod mo sa trabaho" mahinahong sabi nya sa akin

Huminga ako ng malalim

"Kung sana tumutulong ka di ba? Katulad ng dati mong ginagawa, ngayun pakiramdam ko , ako na lang mag-isa ang nag-aalaga kay nathan"

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko

" wag kang magsimula ng problema" pigil nya sa mga sasabihin ko

"Matagal na tayong may problema ash, isang buwan na, akala mo ba hindi ko alam? Hindi ka naman pumapasok di ba? Madalas kang nakatambay kasama nung kaklase mo! Ah! Kaklase nga lang ba?"

Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha nya kasabay nun ang takot na nakita ko sa mga mata nya

"Nathalia" that was the only word that he managed to say

Tuluyan na akong bumigay, pinakita ko na sa kanya ang pag-iyak ko, gusto kong makita nya na nasasaktan ako

"Kahit na ako na lang yung nagtatrabaho, kahit na pinang-iinom mo lang yung pera naten ok lang, kaya kong tiisin yun pero kailangan mo pa bang maghanap ng ibang babae? Ash, hindi ko na kaya, ang sakit-sakit na"

Hindi ko maayos na masabi sa kanya ang mga gusto kong sabihin dahil sa pag-iyak ko, nanatili syang tahimik

"Nandito ka, pero hindi ko maramdaman, nakalimutan mo ng maging asawa at ama, I need space, we need space ash, aalis kami ni nathan bukas"

"S-saan kayo pupunta?" Bakas ang pagkataranta sa kanya

"Balikan mo na lang ako ash kapag handa ka na ulit ipaglaban ako at mahalin, dahil hindi ko kayang magkunwari na hindi ako nasasaktan, alam kong lumalaki na si nathan at kailangan nya ng ama, pero kung ipagpapatuloy natin ito masasaktan lang tayo at lalo na ang anak natin"

Matagal akong tinitigan ni ash

"Nakikipaghiwalay ka na ba sa akin?" Nagsimula syang umiyak

Pag kaming dalawa ni ash , hindi sya nahihiyang umiyak at ipakita sa akin na nasasaktan sya , ganun sya nuon pa man hanggang sa ngayun

"Kailangan kita ng buo ash, hindi ko alam kung bakit ka nagbago , kung bakit ka bumitaw at sumuko , siguro gusto mo ng kalayaan at gusto mong gawin ang mga bagay na hindi mo nagawa nuon, kaya naman hinahayaan na kita" iyak pa din ako ng iyak

Tama nga siguro na ang isang bagay ay gagaan kapag binitawan , at kapag masakit na kailangan ng pakawalan

Nagulat ako at lalo akong napaiyak ng lumuhod sya

"I am sorry, sorry nathalia, hindi ko sinasadya. Wag mo akong iwan" pagmamakaawa nya

Itinayo ko sya at pinunasan ang mga luha nya

"Wag mong sabihing hindi mo sinasadya, tatagal ba ng isang buwan ang pagbabago mo, masusundan ba ang minsang pakikipagkita mo sa babaeng yun kung hindi mo gusto?"

Duon na sya humagulgol ng iyak at ganun din ako, tumalikod na ako sa kanya.

"I Love You"

Mahal din kita ash, mahal na mahal at kaya kong ibigay yung kasiyahan mo .


AALIS na sana kami ni nathan ng pigilan ako ni ash.

"Ako na lang ang aalis, dito na kayo ni nathan"

Hindi na ako tumutol dahil iniisip ko rin si nathan

"Babalik ako, babalikan kita at pagbalik ko , hinding hindi na kita papakawalan. Sana magawa mo akong hintayin"

Yun ang mga salitang binitawan nya sa akin at panghahawakan ko ang pangako nya .
Maghihintay ako sayo ash, kami ng anak mo .

Ming
3|5|16

ABC's Of Love : A is for AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon